Dingdong Dantes gives fans the personal touch at YES! Life Stories bookazine signing

Dingdong is shown above at Powerbooks yesterday where he signed copies of his bookazine, YES! Life Stories: Dingdong. The indefatigable young man, who will hold another signing session at Filbars, SM Megamall on October 22, recently shot a shampoo commercial, and looks forward to working with real love Marian Rivera again.


Nasa Powerbooks, Greenbelt 4 kahapon, October 17, si Dingdong Dantes para sa second leg ng autograph signing ng bookazine niyang YES! Life Stories: Dingdong. Sa Filbars, Megamall naman sa Huwebes, October 22, at 3-6 p.m., ang ika-third leg ng signing.

Naglalaan talaga ng oras si Dingdong para sa mga ganitong activities dahil kahit papaano, nagkakaroon siya ng ilang minutong interaction with his fans, lalo na sa mga bumibili ng bookazine.

Ibang set of entertainment press ang nakausap ni Dingdong sa Greenbelt at dahil first time nilang mabuklat ang bookazine niya, na-impress sila sa nilalamang mini-biography at pictorial essay na nakapaloob dito.

"Actually, long delayed na talaga ang mga series of book signing, wala talagang mahanap na schedule right after na ma-launch, pero, heto nga, at least, naisusunod-sunod na namin. Nababasa lang nila yung sa magazine, pero ngayon, nami-meet ko pa sila at yun ang gusto ko, yung personal touch talaga."

PORTABLE DINGDONG. Si Dingdong ang kauna-unahang featured artist ng libro-cum-magazine published by Summit Books.

'Ika niya tungkol sa pag-conceptualize nito: "It was our idea, and then we collaborated with Summit and came up with YES! Life Stories."

Maganda ang mga nangyayari sa career ni Dingdong, dahil bukod sa bago niyang endorsement, ang Clear men's shampoo, pataas nang pataas ang rating ng kanyang primetime soap, ang Stairway to Heaven.

"Yun nga, e... grabe, nagpapasalamat ako. In fact, If I don't get to watch it, nanghihinayang ako. Kahit nasa taping kami, naghahanap kami kung sino yung may dala ng maliit na TV para mapanood lang.

"I enjoy watching it lalo na kapag nagsu-shooting ako dahil alam kong maganda ang istorya, e."

PRIMETIME KING. Puwede na naman siyang taguriang Primetime King. Anong masasabi niya doon?

"Ganoon po ba? Well, I hope, imbes na... kasi, mahirap na. Mahirap panindigan ang ganoong klaseng titulo. Because it is given tapos minsan, binabawi rin. Kumbaga, seasonal 'yan. Imbes na maalala yung titulo, sana, maalala nila ang performance sa show and yung show itself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para matapos man ang show, e yung memories, yung alaala na magandang ibinigay ng programang yun, e manatili. Yun ang mas gusto ko."

Tuloy na ba ang balik-tambalan nila ni Marian Rivera?

"Yun ay kung tutuparin nila ang sinabi nila... but it all depends on the right timing."

How does he feel na parehong doing great ang mga palabas nila ni Marian?

"Oo, e, nakakatuwa kasi, naging maganda ang tandem namin. At dahil sa tandem namin, personally, na-strengthen yung dedication ko sa work ko. Mas naging seryoso 'ko, tapos, maraming experiences du'n, e, na nakaka-inspire. Mas nagagandahan at nagiging energetic ako rito sa mga susunod na projects ko."

Pero, inamin ni Dingdong, "I don't get to watch Darna and she doesn't also get to watch Stairway to Heaven."

May humirit na para raw ba maiwasan nila ang pagseselos?

"Well, sabihin na lang natin na kapag magkasama kami, ayaw na lang naming pag-usapan ang trabaho, enjoy na lang," natatawa niyang sabi.

DINGDONG FOR CLEAR. Sa huli, tinanong si Dingdong tungkol sa bago niyang TV commercial for Clear shampoo kung saan kasama niya ang dalawang prime actors ng Kapamilya network na sina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Aniya, "Aliw na aliw ako ru'n, kasi, yun talaga ang ginagamit ko. At saka, lahat ng concept ng commercials nila, magmula pa rati, naastigan ako. Kaya sabi ko, sana, one day, maisip nilang kuhanin ako."

May balitang hindi saw sana si Echo ang kasama sa commercial, kundi si John Lloyd Cruz.

"Well, wala kasi ako sa on the set, naririnig ko lang, malay ko kung usap-usapan lang din. Hindi ko na inalam. Hindi ko na kinonfirm."

Mabuti raw at okey lang sa kanya na si Piolo ang nasa gitna nilang dalawa ni Echo?

"Siya talaga ang main endorser ng Clear. Sa Pilipinas, siya yata ang una, sa pagkakaalam ko, ha... at saka, parang siguro, ini-intro nila kami ni Echo, parang ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN