Sexy actress Joyce So triumphs over breast cancer

Aside from "sexy actress," there's another title that Joyce So can now proudly lay claim to: "cancer survivor." After she was operated on in January 2008, "feeling ko end of the world na para sa akin," she shared with PEP. "Feeling ko nabawasan ako ng something bilang babae. Hindi ka na kumpleto, ganyan. Inisip ko nga kung magso-showbiz pa ba ako. So, nandun, nabawasan yung confidence ko." Ten months later, she was on the cover of popula


Ikinagulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ibalita ni Joyce So na nagkaroon pala siya ng breast cancer noong isang taon.

"Inoperahan ako sa breast cancer ng January of last year," kuwento ng sexy actress sa PEP noong presscon ng The Bar sa Eastwood Mall last October 16 para ilunsad ang bago nilang party drink na Apple Vodka.

Bukod kay Joyce, nandun din ang ibang Star Magic artists na sina Wendy Valdez, Jay-R Siaboc, Jaymee Joaquin at John James Uy bilang bagong endorsers ng The Bar's light alcoholic beverages.

"Feeling ko noon end of the world na para sa akin," pagtutuloy ni Joyce. "Feeling ko nabawasan ako ng something bilang babae. Hindi ka na kumpleto, ganyan.

"Inisip ko nga kung magso-showbiz pa ba ako. Parang, itutuloy ko pa ba ang career ko, kasi nalilinya ako sa sexy, e. So, nandun na, nabawasan yung confidence ko. Feeling ko hindi ko na kaya."

Cancer survivor na ngang maituturing si Joyce. Mabuti raw at stage one pa lang ang cancer niya kaya naagapan agad. Pero nangangamba pa rin siyang posibleng bumalik ito.

"Tinanggal na siya. Hopefully, hindi na siya bumalik kasi sabi nga ng doktor may possibility na babalik pa ulit gaya ng nangyari sa ibang pasyente. So ngayon, nagpe-pray talaga ako na hindi na bumalik."

COVER GIRL. Ang bumalik ay ang confidence ni Joyce sa sarili nang kunin ulit siya ng FHM magazine para maging cover girl sa November 2008 issue nito.

"After ng operation, habang nagpapagaling ako, doon naman dumating yung offer ng FHM na mag-cover ako. Noong una naghe-hesitate pa ako kasi parang hindi ko pa kayang gawin, e.

"Kinausap ko yung taga FHM na ganito ang nangyari sa akin. Gusto mo pa ba akong kunin o ayaw mo na? And then gusto naman talaga nila. Yung mga pictures sobrang okay naman yung naging result ng pictorial, medyo hindi nga lang masyadong frontal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So doon ko na-realize na kaya pa naman pala. Kaya bumalik na rin ako sa showbiz, tuluy-tuloy lang. Kinausap ko yung handler ko sa Star Magic, kasi ayoko namang i-give up yung career ko nang ganun-ganun na lang. Sabi ko ipagpapatuloy ko pa rin."

Muling tumanggap ng projects si Joyce at huli siyang napanood sa isang guest role sa Dahil May Isang Ikaw na pinagbibidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Kasama rin siya sa hindi pa naipapalabas na soap ni Judy Ann Santos na Habang May Buhay. Ang balita niya ay sa January 2010 na raw ito ipalalabas. Isang nurse ang role niya rito na unang nakarelasyon ni Derek Ramsay bago ito napunta kay Juday.

PROMO GIRL FOR RESPONSIBLE DRINKING. Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, masaya si Joyce dahil tuluy-tuloy pa rin ang career niya. At lalo pa siyang natuwa nang kunin siya ng popular party drinks maker na The Bar bilang isa sa mga bagong endorsers nito.

After Jake Cuenca at Angelica Panganiban, sina Joyce, Wendy Valdez, Jay-R Siaboc, Jaymee Joaquin, at John James Uy naman ang inilunsad ng The Bar bilang endorsers ng pinakabagong product nito na Apple Vodka.

"Masaya ako. After ng pinagdaanan ko, this is another blessing. Siyempre, nakaka-flatter kasi ang dami-daming artista sa ABS-CBN, ako pa yung isa sa mga napili para maging endorser. At saka nung ginawa namin yung TV commercial, nag-enjoy kami talaga," ani Joyce.

Ayon sa limang endorsers, hindi nila ine-expect na kukunin sila ng The Bar dahil aminado naman sila na hindi ganun kalaki ang mga pangalan nila kumpara kina Jake at Angelica, kaya talagang proud sila sa kanilang The Bar Apple Vodka endorsement.

Ipinaliwanag naman ng The Bar executives na sina Kendrick Tan at Ned Nomero na kinuha nila ang lima dahil sa image na nire-represent ng bawat isa sa kanila. At saka bagay na bagay raw sa lima ang barkada concept ng bagong TV commercial ng The Bar na responsible drinking habang nagsasaya, kasama ang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN