Rufa Mae Quinto will not quit showbiz after her wedding next year

"Ayoko namang bitawan ito, ang showbiz. Ang gusto ko lang, masaya ang gagawin ko, yung comedy. Ayoko ng nega, yung mga ganun," says Rufa Mae Quinto.


Kahit pala noong kasagsagan ng bagyong Pepeng ay nagtatrabaho pa rin ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto. Nagte-taping siya noon for SRO Cinemaserye Presents Moshi Moshi I Love You, na pinagbibidahan nila ni Akihiro Sato.

"Halos wala na nga akong tulog, e. Like nung bagyong Pepeng nga, umakyat ako ng puno sa eksena, kung anu-ano na. Nasa province kami, nasa Candaba, Pampanga kami, bumabagyo na and everything, 24 oras pa din kami nagtatrabaho," umpisang kuwento ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

TYPHOON EXPERIENCE. Tulad ng napakaraming mga artista, tumulong din si Rufa Mae sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

"Oo naman, pamilya ko na lang, unang-una na. Siyempre sa GMA Kapuso Foundation, nag-donate din ako. Tapos yung mga kapitbahay namin, yung kuya ko na nag-asikaso na tumulong, kahit hindi na ako mismo. Pero madami naman akong napuntahan, kasi wala na ding time, 'tsaka ayoko na din namang ipagkalat pa.

"Mismong pamilya ko din naman binaha din. Sa Pampanga kami, di ba? Ang lola ko nga sa Guagua, nagbabangka na lang sila. So, pinasemento ko yung sa may lugar niya. Yung mga tito ko, ganun pa din, pero parang sa kanila, alam na nilang bahain yung lugar...

"Medyo nakakatuwa nga yung ganun na kahit heavy yung nangyayari, positive sila. Hinanda na nila yung sarili nila, masaya silang nagbabangka. Ewan ko ba, baka ganun lang ang pamilya namin. Kasi bago pa dumating ang Ondoy, ganun na, e.

"Pero tumira sila sa akin during Pepeng. Yung Ondoy, hindi pa nila masyadong inintindi. Sinabi ko, 'Umalis na kayo diyan,' kasi yung car hindi na makaalis, e. Sina Jean Garcia, yung mga kapatid kong guys ang rumesponde naman sa kanya," lahad ni Rufa Mae.

NOT QUITTING SHOWBIZ. On a different topic, inamin ni Rufa Mae na ikakasal na siya next year sa non-showbiz boyfriend niya, na hanggang ngayon ay nananatiling misteryo ang katauhan. Pero hindi raw siya magku-quit sa showbiz tulad ng napapabalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ibig sabihin kasi nung sinasabi kong lay low, feeling ko kasi ang pagtatrabaho ko, sobrang-sobra, yung para 24 hours na, ganyan, kasi sige-sige. May SRO ako, tapos the next day Darna, may Bubble Gang... Ang gusto ko talaga, yung quality, not quantity, ganun.

"Ayoko namang bitawan ito, ang showbiz. Ang gusto ko lang, masaya ang gagawin ko, yung comedy. Ayoko ng nega, yung mga ganun," paliwanag ng comedienne.

BACK TO PLAYING A LEAD ROLE. Si Rufa Mae ang bidang babae sa Moshi Moshi I Love You ng SRO Cinemaserye Presents, na napapanood tuwing Huwebes ng gabi sa GMA-7.

May pressure ba na sa kanila ni Akihiro nakasalalay ang tagumpay ng programa nila na tatakbo ng isang buwan sa ratings game? At hindi ba sumama ang loob niya sa GMA-7 na ngayon lang siya ulit nagbida in a show?

"Sa akin naman kasi, ginagawa ko naman lahat yung tingin kong kaya kong gawin. 'Tsaka yun na nga, kahit matagal na akong hindi nagbida, hindi sumama ang loob ko kasi ang dami ko ding pinaggagawa. Either may ibang bansa ako na shows, meron naman akong Showbiz Central, Bubble Gang... Kumbaga, bida din naman. Pero itong SRO Cinemaserye, solong-solo kami talaga ni Akihiro.

"Wala namang reason para sumama ang loob ko, lagi naman akong well compensated at taken care of. Actually, ako din naman ang walang maibigay na masyadong time dahil puro pelikula, may time na nagko-concert ako. Yun yun, kaya bakit sasama ang loob ko?" saad ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN