Nadine Samonte feels the pressure as she takes over Sunshine Dizon's role in Tinik Sa Dibdib

"Medyo nakakakaba kasi, siyempre, si Ate Shine, magaling na artista na yun. Tapos papalitan ko pa... So, I'll try na lang my best na gawin kung anong contribution na alam ko na hindi naman sila mapapahiya na ako ang pinili nila," says Nadine Samonte about replacing Sunshine Dizon in Tinik Sa Dibdib.


Kumpirmadong si Nadine Samonte ang napili ng GMA-7 para humalili sa maiiwang role ni Sunshine Dizon sa panghapong soap opera na Tinik Sa Dibdib. Kagagaling lang ni Nadine sa Amsterdam at Paris, kung saan binisita niya ang kanyang ama at iba pang kamag-anak sa loob ng dalawang linggo.

Ikinuwento ni Nadine sa Showbiz Central kung paano niya nalaman ang bago niyang project sa Kapuso network.

"Nag-text sa akin ang Mommy ko. Sabi niya, 'Nadine, tumawag ka agad, kasi kailangan na namin ang sagot mo.' Sabi ko, 'Sagot? Ano nangyari?' Noong tumawag na ako kay Mama, sabi ko, 'Ano yun?' Sabi niya, 'Okey ka ba? Sa Monday ang taping, yung bagong show.

"'Ah, talaga, may bagong show na ba?' 'Yung kay Ate Shine, ikaw na ang papalit kay Sunshine.' 'Ha?' 'Paano ako papalit dun, e, ang galing-galing nun?' Tapos, ikinuwento na niya, parang may sakit nga yata or what, parang ganoon. So, excited ako."

Wala raw pagsidlan ang kaligayahan si Nadine sa pagdating ng bagong blessing sa kanya. At the same time, may kahalo rin namang pressure para sa kanya, kaya nandoon din ang pagdadalawang-isip noong unang sabihin sa kanya na siya ang papalit kay Sunshine.

"Pagdadalawang-isip? Medyo, kasi medyo nakakakaba kasi, siyempre, si Ate Shine, magaling na artista na yun. Tapos papalitan ko pa. Ang laki ng expectation sa akin ng mga tao. At the same time, happy kasi ipinagkatiwala ng GMA sa akin na ako ang gagawa. So, I'll try na lang my best na gawin kung anong contribution na alam ko na hindi naman sila mapapahiya na ako ang pinili nila," saad ni Nadine.

Ngayong araw, October 19, ang first taping day ni Nadine for Tinik Sa Dibdib.

"Actually, hindi ko pa siya [script] nababasa, e. Ngayon ko pa lang nakuha, pagdating ko pa lang. So, hindi ko pa siya napapanood. I'm getting ready. I must be ready!" natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Nadine, "Promise na gagalingan ko, kasi alam ko naman na napakagaling niyang [Sunshine] artista. Sana patuloy n'yo pong suportahan ang Tinik sa Dibdib. Kapag pumasok ako, siyempre, alam kong mabibigla silang lahat sa pagbabago ng pagpasok ko. At saka, alam ko na maiiba nang konti ang story. Sana nandiyan pa rin kayo at huwag po kayong bibitiw sa Tinik sa Dibdib."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN