Dion Ignacio is inspired by video games for his aswang role in Patient X

Dion Ignacio says playing video games helped him act like an aswang in Patient X. "Siguro nakatulong yun... Nalagay ko sa character yung mga idea na nakita ko sa video games. Yung mga kalaban dun, di ba pag monsters, ROAR! Talagang galit na galit, di ba?" he said.


Sa Patient X, isang aswang ang ginagampanan ng StarStruck Batch 1 alumnus na si Dion Ignacio. Si Dion ang pinakabata sa grupo ng tatlong magkakapatid na aswang, na kinabibilangan din nina Rocky Gutierrez at Elvis Gutierrez.

Hindi tuloy maiwasan ni Dion na pabirong ikabit ang apelyidong Gutierrez sa kanyang pangalan.

"Isa ako sa mga aswang dito, bale ako yung pinakabunso. Tatlo kami dito, si Elvis Gutierrez, si Rocky Gutierrez, tapos ako si Dion Gutierrez!" biro niya.

So, kasama na ba siya sa pamilya Gutierrez?

"Oo nga, e!" sagot ni Dion, sabay tawa.

Ayon kay Dion, ibang-iba ang role niya sa Patient X kumpara sa mga nauna niyang role sa pelikula. Ngayon lang daw siya nagkaroon ng role na galit na galit, at aswang pa. Gayunpaman, tingin daw niya ay tama naman ang pagkaka-arte niya rito.

"Pag pinanood mo 'to, okay naman yung naging outcome ng role ko, na-justify ko, nabigyan ko ng buhay yung role ko, yung character na aswang... Kasi ako rin, pinaghandaan ko rin," sabi niya.

Nakatulong din daw ang panonood niya ng mga pelikulang pareho ang tema. Ngunit mas nakatulong umano ang pagkahilig niya sa video games, dahil dito niya ginaya ang mga pagsigaw at paggalaw ng kanyang katauhan sa pelikula.

"Mahilig ako sa video games. Siguro nakatulong yun. Kasi nagkaron ako ng mga idea dun. Nalagay ko sa character ko yung mga idea na nakita ko sa video games. Yung mga kalaban dun, di ba, pag mga monsters, ROAR! Talagang galit na galit di ba?" saad ni Dion.

Ibinigay niyang halimbawa ay ang larong God of War, na ibinatay sa Greek mythology. Sa bida raw ng laro na si Kratos, isang captain ng Sparta, nakakuha ng motivation si Dion.

"Parang yung motivation ko, parang lion ako na gutom na gutom ako, nagke-crave ako sa tao, sa hayop. So, okay naman 'to," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ASWANG ROCKSTAR. Ngunit kahit na mahilig sa video games si Dion, mas importante pa rin daw sa kanya ang kanyang electric guitar. Ito raw ang kanyang paboritong gadget.

"Yun ang laruan ko. Yun ang paboritong kong gadget sa bahay. Every time gigising ako, yun ang pagkain ko, e. Naggigitara lagi ako, gadgets and everything," aniya.

Sa katunayan, may banda siya kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Philia ang pangalan ng banda nila, at hard metal ang kanilang tugtugin. Rhythm guitar ang tinutugtog ni Dion dito, at ang isa pang StarStruck alumna na si Arci Muñoz ang lead vocalist. Kasama rin nila ang mga non-showbiz friends na sina Paulo Pampuan, Kristian Uy, at Timothy Toribio.

Sa ngayon, puro gigs at practice pa lamang ang inaatupag ng indie band, at wala pa silang album. Nagsusulat pa raw sila ng mga kanta.

"Ano pa kami, production pa. Tapos, pag marami na kaming... Kunwari meron na kaming 15 songs, puwede na naming i-record lahat yun para may album na. Indie lang kami, kami lang. Sariling pera lang," banggit ni Dion.

Mapapanood ang Philia sa Oct. 24 sa saGuijo Bar, at sa Oct. 31 sa Sausage Bar at sa Cuerdas Bar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN