Cristine Reyes on Patient X leading man Richard Gutierrez: "Isa siya sa pinakamalapit sa akin ngayon."

Young actress Cristine Reyes took the hot seat on The Buzz's "Tough Ten" segment last Sunday, Oct. 18. She was interviewed by Ruffa Gutierrez.


Si Cristine Reyes ang sumalang sa "The Buzz Tough Ten" segment ng ABS-CBN showbiz talk show na The Buzz last Sunday, October 18. At ang nagtanong sa kanya ay isa sa mga co-host ng programa na si Ruffa Gutierrez.

Pagkatapos mag-promote ng Patient X ay pinansin ni Ruffa ang cross tattoo ni Cristine sa kamay nito at tinanong kung ano ba ang ibig sabihin nito.

"Ibig sabihin nito ay God is with me," sagot ni Cristine.

After nito ay tumuloy na sila sa "Tough Ten" questions.

Tough Ten Question No. 10: Noong mga oras na nasa taas ka ng bubong ng bahay n'yo sa Provident Village, Marikina, ano ang pinagpe-pray mo sa Diyos? [Ito ay noong kasagsagan ng bagyong Ondoy kung saan lumubog ang bahay nina Cristine.]

"Noong time na nandun ako sa roof, siyempre talagang pinagpe-pray ko na sana ma-save kami, ma-rescue kami, at saka sana ligtas kami," ani Cristine.

Ilang hours kang nasa bubong?

"12 hours."

At sinu-sino yung mga tinawagan mo?

"Marami, marami... mga friends ko, manager ko, family ko, mga kapatid ko, kasama na dun si Richard [Gutierrez]."

Tough Ten Question No. 9: May mga ilang taong umiintriga at nagbibigay kulay sa naging pagtulong sa iyo ni Richard, dahil daw promo lang ito ng bago n'yong pelikula na Patient X. Bibigyan ka namin ngayon ng pagkakataon. Ano ang message mo sa mga taong umiintriga sa inyong dalawa at sa mga detractors n'yo?

"Kasi kahit sino naman puwede pong mag-rescue sa akin that time. Nagkataon lang na si Richard naglakas-loob na pumunta talaga doon. Sana huwag po nilang bigyan ng kulay yun dahil ni-risk ni Richard yung life niya para i-save lang ako, kami, at hindi po biro yung pinagdaanan niya. So, huwag po natin siyang i-judge doon sa ginawa niya na promo lang daw," pahayag ni Cristine.

Tanong pa ni Ruffa: "Si Richard ba, nagdala ba ng camera crew noon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala," mabilis na sagot ni Cristine.

Nakarating ba siya sa bahay mo, kasi sabi nila nandun lang daw siya sa may riverbank? Was he able to get to your house?

"Nakapunta po siya doon. Siya talaga yung nag-rescue sa akin. Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Richard and sa inyo [Gutierrez family] rin dahil pumunta kayo doon nang biglaan."

Tough Ten Question No. 8: Bukod sa pagiging leading man, ano ba at sino si Richard Gutierrez sa buhay mo ngayon?

"Sa ngayon ano..."

Singit ni Ruffa, "Close na close daw kasi kayo sa Timezone, e. Kahit daw walang camera, 'Uy, Chard. O sige.' May mga holding hands, wala namang camera." [Nagpunta sina Cristine at Richard sa Timezone isang beses para sa birthday celebration ng ina ng aktor na si Annabelle Rama.]

"Isa siya sa pinakamalapit sa akin ngayon," sagot ni Cristine.

Tanong tuloy ni Ruffa, "Really? So siya ang pinakamalapit sa iyo ngayon, wala nang iba pa?"

"Wala, e," sagot ni Cristine.

Tough Ten Question No. 7: Sa category na hottest male celebrity, para sa iyo, rank them from one to five, one being the highest and five being the lowest—Jericho Rosales, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, John Lloyd Cruz, at Willie Revillame? [Lahat ng mga binanggit ni Ruffa ay na-link kay Cristine.]

Nag-react muna ang mga tao sa studio sa choices bago nakasagot si Cristine, "Unahin ko yung five muna, si Willie."

Bakit siya No. 5, wala ba siyang sex appeal?

"Meron siyang humor appeal. Pang-fourth, siguro si John Lloyd."

Muli na namang nagsingit ng maintrigang tanong si Ruffa, "So, totoo ba yung sa Countryside, kumain daw kayo ng barbeque together?"

"On the spot.... Nandoon po ako. At nandoon din siya. Yun lang," maikling sagot ni Cristine na halatang medyo nagsisimula nang ma-stress sa mga tanong. Hindi naman kasi kaila sa lahat na nauugnay ngayon sina John Lloyd at Ruffa, although hindi pa umaamin ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Cristine, "Number three si Dennis."

Bakit siya naging No. 3?

"Kasi aminado naman ako, hot siya."

So, do you still have feelings for him up to now?

"Wala nang feelings na romantic. Siguro friends na lang. Kasi may pinagsamahan kami." [Ex-boyfriend ni Cristine si Dennis.]

Nahirapan naman si Cristine mamili kung sino kina Jericho at Richard ang ira-rank niya as number one at two. Sa mga past interviews kasi ni Cristine ay umamin siya na noong una pa man ay crush niya si Jericho at nakasama na niya ito sa ABS-CBN teleserye na Kahit Isang Saglit, na nominado sa International Emmy Awards this year. Si Richard naman ay ang kanyang "hero" dahil nga sa pagsagip sa kanya noong bagyong Ondoy at may pelikula silang pinagsasamahan ngayon.

"Ang hirap...," tila hindi makapagdesisyon si Cristine.

Ipinaalam pa ni Ruffa na isa si Cristine sa mga kumantang special guests ni Jericho sa birthday ng aktor.

"Well, may mga guest kasi siya noon, e. Isa ako sa mga kumanta. Sige, si Echo na lang [ang No. 2]. Ang No. 1 si Richard," tila napilitang sabi ni Cristine.

Bakit si Richard ang No. 1?

"Kasi para sa akin..." nauutal at nauudlot na sagot ni Cristine. "E, kasi ano, hot naman talaga si Richard, e."

Tough Ten Question No. 6: Kung papipiliin ka, would you rather be the sexiest box-office star or the sexiest Best Actress?

"Sexiest Best Actress," sagot ni Cristine.

Tough Ten Question No. 5: Ano ang pinakagusto mo at ano ang pinaka-hate mo sa Ate mong si Ara Mina?

"Patay!" agad na sambit ni Cristine sabay tanong sa kasama niya kung nanonood ba si Ara ng The Buzz that time, bago ito sumagot. "Ang pinakagusto ko kay Ate, number one yung sobrang matulungin siya. And yung pinakaayaw ko naman sa kanya... tsismosa!"

Bakit tsismosa, binubuking ka ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman niya ako binubuking. Wala lang, ang dami niyang tsismis. Huwag kang magalit, Ate, ha!" sabi ni Cristine oncam.

Tough Ten Question No. 4: Dati iniintriga ka na ingrata at pasaway, kung may dalawang salitang pangontra sa pang-iintrigang yun, paano mo ide-describe ang sarili mo? Si Cristine Reyes ay blank at blank.

"Ingrata at pasaway.... Siguro ang pangontra dun is yung masunurin and makulit lang."

Tough Ten Question No. 3: Ayon sa isang reliable source, nag-reconnect daw kayo ng iyong first love na isang student leader mula sa Ateneo. Pero recently daw ay tinapos na n'yo ang inyong relasyon. Ano at sino ang dahilan nito?

"Walang sino, kumbaga, pareho lang po kasi kaming busy. Siya busy siya sa school niya, ako naman sa work. So, hindi talaga puwede. At saka marami kaming priorities pa," saad ni Cristine.

So, after Dennis naging mag-on kayo ulit?

"Hindi naman naging mag-on. Pero lumalabas kaming dalawa."

Tough Ten Question No. 2: Cristine, puso sa puso, kung nilapitan ka ni Dennis Trillo today at sasabihin niya na gusto niyang mag-start all over again kayo, na magbalikan kayo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

"Hmm... aheem... ano ba? Pag nilapitan niya ako?" hindi agad nakasagot si Cristine.

Will you accept him or not?

"Parang hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko."

So, may chance pa pala siya?

"Ibig kong sabihin, hindi ko pa alam dahil right now, masaya naman po ako, e," makahulugang tugon ni Cristine.

Tough Ten Question No. 1: Sa ngalan ng pag-ibig, gagawin mo bang lahat kahit pa na masaktan mo ang sarili mo?

"Parang ano... parang sa ngayon, after ng mga nangyari sa akin, siguro mag-iisip muna ako nang mabuti bago ko gawin for the sake of love. Dahil minsan yung love, medyo nakakasira siya ng ulo, di ba? So, sa ngayon, siguro masasagot ko, hindi muna," bulalas ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payo pa ni Ruffa, "Hindi muna, career muna. Bonggang-bongga ang career mo ngayon."

Pinansin din ni Ruffa na tila nagka-rashes si Cristine sa leeg at namumula ang tenga ng aktres. Ani Cristine, "Ang init kasi ng mga tanong n'yo, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN