Director Soxy Topacio wants help of Charice to promote Ded Na Si Lolo for Oscars

Director Soxy Topacio says making it into the top five nominees for the Academy award for Best Foreign Language Film is enough for him.

"Sabi ko, malagay lang sa tayo sa five nominees, makatapak lang sa red carpet! That's enough for me," he said.


Nakausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor na si Soxy Topacio. Ipinahayag nito na masayang-masaya siya sa pagkakapili ng kanyang independent film na Ded Na Si Lolo para mabigyan ng pagkakataong masama sa limang pelikulang mabibigyan ng Oscar nomination for best foreign language film next year.

Noong nakaraang buwan ay pinili ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang Ded Na Si Lolo upang maging pambato ng Pilipinas sa respetadong award-giving body. Natalo nito ang Lola, ang pelikula ni Brillante Mendoza na nakasali sa 66th Venice Film Festival.

"Happy ako pero tense na tense ako. Parang, 80 million people are behind, waiting na, 'O ano? Will you give us the pride we are waiting for?' Kasi talagang wala pang nakapasok dun, di ba?" sabi ng direktor.

Ang Ded Na Si Lolo ay ang pangatlong pelikulang naidirek ni Soxy, na kilala rin bilang aktor at TV director. Isa itong satire tungkol sa mga gawi ng mga Pilipino sa isang lamay. Kasama sa cast nito sina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Roderick Paulate, Manilyn Reynes, Rainier Castillo, at BJ Forbes.

Ang kategoryang best foreign language film sa Oscars ay pinaglalabanan ng higit isandaang pelikula mula sa iba't ibang bansa taun-taon. Para makasali sa huling limang mga nominado ang isang pelikula, kailangang magpadala ng mga kopya nito sa Academy, upang mapanood ng Foreign Language Film Award Committee. Bagamat hindi kailangan, nakatutulong sa pelikula kung makagagawa ito ng "ingay" sa Hollywood sa pamamagitan ng ilang movie screenings, write-ups, at mga balita sa telebisyon.

Noong nakaraang taon, hindi pinalad makakuha ng nominasyon ang pelikula ni Dante Garcia na Ploning, na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Ang Japanese film na Okuribito o Departures, tungkol sa mortician na nagnanais ipreserba ang dignidad ng mga patay, ang nakakuha ng award sa taong iyon.

PAGGAWA NG INGAY. Upang maisagawa ang nasabing ingay, kinakailangan ni Soxy at ng APT Entertainment, producer ng Ded Na Si Lolo, na makapag-ipon ng pera para rito. Malaking halaga raw ang kakailanganin nilang gastusin, saad ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right now, we are raising funds kasi we found out ang laki pala ng gastos niyan... We have to give away DVDs, posters, we have to appear in interviews... Ang dami ko nang ginagastos. We have to meet the press, we have to treat them to so many things. Nabigla nga ang APT," kuwento niya.

At kahit pa may ibibigay raw na grant ang FAP upang maikampanya ang pelikula nila sa Hollywood, magkukulang pa rin ito.

"At least 10 million pesos siguro ang kailangan kung makakaya talaga. Kasi as much as possible, gusto talaga naming dalhin yung mga artista, e. Kasi yun yung mga mag-aano sa mga Pinoy crowd. Kasi kung ako lang, hindi naman nila alam... It's not a joke to feed them, to house them, gano'n," saad ni Direk Soxy.

Iba't ibang gimik na raw ang naiisip nilang gawin upang mai-promote lamang ang Ded Na Si Lolo. Isa na rito, ayon kay Soxy, ang isang special screening sa Chinese Theater sa Los Angeles.

"So we're planning one week before Thanksgiving [4th Thursday of November], magkakaroon kami ng show sa L.A., we'll try to create a gimmick. Ang plano namin, sana matanggap kami sa Chinese Theater, at we will make a red gown ano, lahat naka-red gown dapat," kuwento ng direktor.

Kailangan din daw "mag-ingay" sa New York.

"We'll also have a show in New York, e. Kasi ganun daw yun, e. At a certain point yung mga Oscar people, during Christmas nasa New York sila, so dapat gumawa ka rin ng ingay," sabi ng direktor.

Sa Pilipinas naman, magkakaroon din ng maraming screenings ng Ded Na Si Lolo upang makakuha ng suporta mula sa Pinoy audience dito.

"Ang plano ng APT, we will have a re-showing of the film, tapos ang 'come on' namin sa mga moviegoers: watch the film again and bring lolo to the Oscars," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kung tutuusin, mukhang isang malaking personalidad lamang ang kakailanganin nila upang makuha na ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong nominasyon sa Best Foreign Language Film category ng Oscars.

"I'm hoping to get in touch with Charice Pempengco para baka ma-invite natin si Oprah [Winfrey] to watch the screening," sabi ng direktor. "Kailangan ganung klaseng ingay, e, hindi basta you'll wait for people to notice you. We'll try as much as possible makahanap ng mga contacts."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN