Dingdong Dantes understands fans who are turned off by his team-up with different actresses

"Nakikita ko rin ngayon kung sino talaga ang loyal at hindi. People are there just for the moment and if the moment will not suit them anymore, they will turn their back around," says Dingdong Dantes about fans who get disappointed or angry whenever he is linked to other actresses.


Nitong mga nalalabing buwan ng 2009 hanggang sa mga unang buwan ng 2010 ay magiging abala lalo si Dingdong Dantes. Bukod kasi sa Stairway To Heaven—na hanggang end of the year lang pero may balitang baka ma-extend until January 2010—ay isa rin siya sa host ng StarStruck V.

May isa pang unconfirmed project na gagawin si Dingdong. Pero nasusulat na rin ang pagbibida niya sa pelikulang Andong Agimat na co-production ng Unitel Productions at GMA Films.

Tuloy na ba ang Andong Agimat?

"Tuloy na," pagkumpirma ni Dingdong. "Yun nga, noong malaman kong may plano na for that, nag-panic akong bigla. Kasi nasa Stairway mode pa 'ko, e. May nag-text nga rin sa akin na nasusulat na nga rin daw."

Ano nga ba ang Andong Agimat?

"Ang Andong Agimat ay isang graphic novel ni Arnold Arre. Pinoy yung author. Tungkol siya sa isang lalake na galing preso. It's a graphic novel na binili ang rights ng Unitel. Recent lang siya at mahirap na siyang hanapin sa bookstores kasi sold out siya palagi. Ako naman, meron akong copy dahil ibinigay lang siya sa akin ng gumawa," kuwento ni Dingdong.

Hindi kaya magkaroon ng isyu dahil ang "Agimat" ay parang na-associate na sa mga Revilla?

"Well, hindi ko alam ang sistema d'yan. Hindi ko alam ang legalities d'yan. But I'm pretty sure, these big companies, like Unitel and GMA, e, hindi sasabak sa hindi sigurado."

ALL ABOUT MARIAN. Tinanong din ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa nasulat na rin na ang leading lady niya sa Stairway To Heaven na si Rhian Ramos pa rin daw ang magiging kapareha niya sa Andong Agimat. Ikinunsidera rin daw si Marian Rivera para sa role ng kanyang leading lady, kaso ay may Darna at Nieves ang aktres.

"Well, ang alam ko, puwede na siya dahil hindi na matutuloy ang Nieves, e," pagbabalita ni Dingdong. "But well, ang Andong kasi, ang love angle dun, very small portion. Kumbaga, naka-focus siya dun sa grupo yun, e... grupo ng magkakaibigan na mabibigyan ng lakas. So, yung love angle is really a small portion. It's only minor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagbato ng tanong kay Dingdong kung for the record, gaano na sila katagal ni Marian?

"Ilang months? Hindi ako nagbibilang, e. Binibilang ko kasi yung seconds, e. Ngayon, kulang ang papel kapag isinulat natin, e!" natatawa niyang sabi, na halatang umiiwas siyang sagutin nang diretsahan ang tanong.

Pero kailan ba nagsimula na maging "sila," noong Dyesebel, Marimar, o Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?

"Nasa libro," sagot ni Dingdong, referring to his bookazine na incidentally ay magkakaroon uli ng autograph signing bukas, October 22, sa Filbars Megamall from 3 to 6 p.m.

Gaano ba ka-supportive sa kanya si Marian?

"Very," mabilis na sagot ni Dingdong. "Especially when I launched Yes Pinoy, dun ko talaga nakita ang suporta niya. Kumbaga, ipinakita niya it's beyond the limelight. Yun yung kaya ako natutuwa and I get inspired more because of people na talagang nagpapakita ng tulong na walang kapalit. Gayundin sa lahat ng volunteers, pamilya ko, talagang nagpapasalamat ako sa kanila, and Marian is one of them."

Member ba ng Yes Pinoy Foundation si Marian?

"Inspirasyon siya behind it, e," ani Dingdong.

UNDERSTANDING THE FANS. Diretsahan namang tinanong ng PEP si Dingdong kung ano ang nararamdaman niya kapag may mga fans siya o sila ni Marian na nagpapahayag ng disappointment o even galit kapag nali-link sila sa iba. Tulad na lang ngayon na natatanong siyang palagi tungkol kay Rhian na leading lady niya sa Stairway to Heaven.

"Well, I understand," sabi ni Dingdong. "But, posible 'yang mangyari. Pero ako naman, like with Rhian, ang importante lang sa akin, like sa working relationship ko with Rhian is that maging okey kami to the point that we're good friends.

"Unang-una, galing kami sa wala, tapos nagkatrabaho kami. And then, yung mga eksena namin, e, kailangan mukhang kailangan namin ang isa't isa. Ako, ang objective ko lang, maging magkaibigan kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya sa komento ng iba na bagay rin sila ni Rhian?

"E, iba naman kasi ang bagay sa scene at iba rin ang bagay sa totoong buhay. Para sa akin, gusto kong klaruhin ang acting at sa totoong buhay. And I am not trying to create any [illusion] na baka may posibilidad ngang ganoon. Kung meron man, I am not the type to do that, e.

"Siguro, it's okay to say good things about her, walang malisya, walang masamang ibig sabihin. Ako naman, confident naman ako that I love my work at seryoso ako. Nag-usap kami. Alam namin na gusto namin pareho 'to and nag-agree kami na we'll do our best," saad ni Dingdong.

Naaapektuhan ba siya kapag may pressure na nanggagaling from the fans?

"Tinanggal ko na, kasi kung iisipin ko yun, maaapektuhan ako," sabi niya. "At saka, nakikita ko rin ngayon kung sino talaga ang loyal at hindi. People are there just for the moment and if the moment will not suit them anymore, they will turn their back around.

"But it's something that I understand. Ang sa akin lang, I'm an actor. At ako naman, I still love them. Kung may nagtatampo, kung may nagagalit, I still love them and there's still more to look forward pa naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN