Pilita Corrales denies persistent rumor that daughter Jackie Lou Blanco and Ricky Davao have separated

"Parang hindi na ako nagugulat sa balitang 'yan. It has been asked sa akin ilang beses na, and I always ask both Jackie and Ricky at pareho naman silang nag-deny. As far as I know, sila pa rin," says Pilita Corrales about rumors that her daughter Jackie Lou Blanco and actor Ricky Davao have already separated.


Hindi na nakaiwas ang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales sa mga tanong tungkol sa matagal nang usap-usapan na paghihiwalay ng anak niyang si Jackie Lou Blanco sa mister nitong si Ricky Davao.

Balita kasing matagal na raw naghiwalay sina Jackie Lou at Ricky, pero sa isang bahay pa rin sila nakatira. Nagsasama lang daw sila para sa kanilang mga anak. May balita pa nga na ang karelasyon ngayon ni Ricky ay isang publisher ng isang kilalang publishing company sa Pilipinas.

Sabi ni Pilita sa PEP (Philippine Entertainment Portal), matagal na raw niyang naririnig ang tsismis na ito at ilang tao na raw ang nagtanong nito sa kanya. Most of these people daw ay mga close family friends pa nila.

"Parang hindi na ako nagugulat sa balitang 'yan. It has been asked sa akin ilang beses na, and I always ask both Jackie and Ricky at pareho naman silang nag-deny. As far as I know, sila pa rin.

"Ako naman, bilang ina nila, I want them to be happy sa kanilang pamilya. I want them na maayos. Pero I don't want to meddle in their family problems if ever na meron man sila. It's their life, it's their family, sila na mag-ayos niyan. Nandito ako just in case they need moral support or anything na makakatulong ang Mamita nila.

"Pero sa mga tanong nga if they are separated, hindi totoo. If they want proof, sina Jackie at Ricky na lang ang tanungin nila about that rumor. For sure na tatawanan lang nila 'yan," saad ng Asia's Queen of Songs.

LOTLOT & MONCHING. Naitanong din kay Pilita ang pag-alis ng kanyang ex-daughter-in-law na si Lotlot de Leon papuntang U.S. Sa pagkakaalam ni Pilita ay gusto raw hanapin ni Lotlot ang kanyang biological American father. Para sa mga hindi nakakaalam, si Lotlot ay ampon ng Superstar na si Nora Aunor at ng dati nitong asawa na si Christopher de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nagsabi lang sa akin na umalis siya. Nasabi rin 'yan sa akin ni Monching [Ramon Christopher] and we all pray na sana ay maging okey siya doon. And we also like it na magkita na sila ni Nora. Matagal din silang hindi nagkausap at nagkita, sana maayos na ang anumang tampuhan nilang mag-ina.

"After naman na maghiwalay sila ni Monching, hindi ko na nakausap si Lotlot. Ayaw niya akong kausapin when I asked her kung gusto niyang mag-usap kami. I heard kasi na sinisisi niya ako sa paghihiwalay nila ni Monching.

"Hindi ako galit kay Lotlot because she's like my own daughter," paglilinaw ni Pilita. "Mahal ko siya at ang mga apo ko sa kanya. I would just like to talk to her, pero siya ang ayaw. Kaya I pray na lang na one day, we would be able to talk things out.

"Ngayon, I guess she wants a life of her own. That's good kasi nga matagal na niyang gustong mahanap ang biological father niya. I wish her the best parati. Kung makahanap siya ng bagong partner sa U.S., well then, it's good for her."

Wala naman daw problema sa side ni Monching dahil matagal na raw nitong tanggap na hindi na sila magkakabalikan ni Lotlot.

"As for Monching, he has moved on na," sabi ni Pilita. "He has accepted eberything na and that's a good thing for him to do. I want him to go on with his life. Nandito naman kaming family niya to help him parati.

"Nasa kanya lahat ng anak nila ni Lotlot. Malalaki na silang lahat. Janine will be graduating na in March 2010 from UP. Si Jessica naman is also in college na. Diego naman is in high school at napakaguwapo. The youngest sa kanila na si Maxine is now 10 years old. Ang ganda at tisay na tisay. Mana sa mga magulang niya!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE DIVA & THE DEBONAIRE. Bongga pa rin ang singing career ni Pilita dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagpe-perform niya. Tulad nga sa November 13 ay may concert siya with Rico J. Puno sa Music Museum titled The Diva and The Debonaire.

"It's my first time to do a show with Rico, who was known noong '70s as the Total Entertainer. First time na kaming dalawa lang kaya nakaka-excite, kasi baliw itong si Rico, e. Sabi ko nga, ang dapat na title ng show namin ay 'Ang Bastos at ang Demure.' Hindi ba, ang lagi nilang sinasabi kay Rico ay bastos ito?

"Pero sa totoo lang, he's just a naughty guy. Para lang siyang bata na hindi na lumaki. Makulit lang si Rico, pero he's not bastos. Yung mga jokes lang niya ang bastos kasi. Kahit na niloloko niya ako parati about my legs and cleavage, natatawa lang ako sa kanya kasi I know this guy very well.

"And our show naman is produced para may mga matulungan kami na maraming tao. The proceeds of our show will be given to the Philippine Green Building Council who makes the houses for Habitat for Humanity. It's headed by Illac Diaz at maganda ang projects nila, to give affordable and safe homes sa maraming tao na wala pang mga bahay. Kami ni Rico, we always do shows for charity. Sabi nga nila, it's the giving that makes things more meaningful in our life."

For tickets sa concert nina Pilita at Rico, call Ticketworld and Twin Towers & Co. office at 719-0136.

TYPHOON ONDOY. Isa rin si Pilita sa naging biktima ng matinding baha noong bagyong Ondoy. Ang bahay niya sa Rolling Hills sa New Manila, Quezon City, ay pinasok ng mataas na baha at maraming mga mamahaling gamit ang nasira at hindi na maibabalik pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe ang nangyari because the wall that was protecting our place from the rising river ay nasira kaya pumasok ang malakas na tubig sa bahay namin. Gusto pa ng mga kasama ko sa bahay na magligtas ng ibang gamit, pero I told them na iligtas na nila ang sarili nila. Mabuti na lang at walang namatay sa mga kasama ko sa bahay. Mas importante ang buhay, di ba?" lahad ni Pilita.

Marami ang nanghinayang sa mga nawala kay Pilita. Kabilang na rito ang mga lumang litrato na kinaingat-ingatan niya through the years at ang grand piano na matagal na niyang pag-aari ay nasira ng baha. Pati raw ng musical arrangements na ipinagawa niya sa mga sikat na composers ay nasira lahat.

"Those are the musical arrangements that my composer friends did for me during my time na may musical show pa ako, like yung An Evening With Pilita and other shows I did here and abroad, and when I do recordings of my albums. Lahat 'yon ay nasira ng baha and it's really worth a lot of money.

"But what can I do? Gano'n lang talaga ang buhay. You have to pick yourself up and move on. What's important is that we're here and alive and still active. I am still lucky because I still have my house. Yung iba, nawalan na nga ng mga gamit, nawalan pa sila ng titirhan. Kaya I am so thankful pa rin kay God in spite of what happened.

"Mabuti na lang din at may TV show ako ulit. I play the grandmother of Richard Gutierrez in Full House of GMA-7. The last TV show I did with GMA-7 was the sitcom Lagot Ka, Isusumbong Kita with Richard Gomez and Joey Marquez. I miss doing TV shows, lalo na kung nakakatawa. At mukhang maganda ang kuwento ng Full House," sabi ni Pilita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN