Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation launches "Oplan Restore Paaralan"

Actor Dingdong Dantes, founder of Yes Pinoy Foundation, calls on donors and volunteers to begin Oplan Restore Paaralan. The foundation has chosen Dr. Sixto Antonio Elementary School in Bambang, Pasig, as its first beneficiary.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message mula kay Dingdong Dantes kaninang umaga, October 23. Ito ay may kinalaman sa plano ng kanyang itinatag na foundation, ang Yes Pinoy Foundation, na pag-rehabilitate ng ilang mga eskuwelahan na nasira dahil sa bagyong Ondoy.

Sa text message na ipinadala ng aktor, sinabi niya na tuloy na ang plano nilang rehabilitation ng eskuwelahan na grabeng nasalanta ng bagyo. Nakapili na rin sila ng eskuwelahan na sa kanilang palagay ay isa sa mga grabeng napinsala. Patuloy pa ring pumapasok ang mga bata kahit lubog pa sa baha ang kanilang eskuwelahan.

Narito ang kabuuang text message ni Dingdong:

"Hi Yes Pinoy warriors and allies! We're all set on Sunday, October 25, 9:30 A.M. to begin 'Oplan Restore Paaralan,' by helping rebuild the library of Dr. Sixto Antonio Elementary School in Bambang, Pasig.

"The school remains submerged in flood water, including their library, which we plan to reopen at the 3rd floor. We will also help reinforce the school's temporary footbridge leading to the campus and teach as well the students how to protect themselves from flood-related diseases.

"Again, if you have any grade school books, educational materials and other possible library equipment and furnishings, please contact 217-6809.

"Varnish, paints, brushes, 3x4 wood, ropes for the footwalk are welcome as well as insect repellants for the 1,260 students, food donations for the 100 pax rebuilding team, and snacks for 500 students and 200 parents.

"Thank for your help and see you!"

Sa huling pakikipag-usap ng PEP kay Dingdong, nasabi niyang simula pa lang ang pag-rehabilitate nila na eskuwelahan sa Linggo dahil sigurado na marami pang susunod.

PROJECT ARAL STUDY KIT. Kaugnay nito, nagdesisyon ang National Book Store na suportahan ang adhikaing ito ng Yes Pinoy Foundation sa pamamagitan ng pagdu-donate ng Project Aral study kit para sa bawat kopya ng bookazine ng aktor, ang YES! Life Stories, na mabibili sa autograph signing session. Ang bawat Project Aral study kit ay naglalaman ng notebook, pad paper, pencil, at sharpener.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga fans na bibili ng kopya sa autograph signing ay hindi lamang magkakaroon ng pagkakataong mapapirma ang kanilang bookazine kay Dingdong, kundi makakatulong din sila sa mga batang biktima ng Ondoy na makabalik sa eskuwelahan.

Bukas, October 24, ay gaganapin ang last leg ng autograph signing ng bookazine ni Dingdong sa National Book Store sa SM Mall of Asia bandang ala-una ng hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN