Nadine Samonte challenged to act out Sunshine Dizon's previous character in Tinik sa Dibdib

"Nakakakaba kasi kailangan magaya ko ang kilos ni Lorna. Kung ano ang kilos niya [as it was portrayed by Sunshine], dapat yun din ang maging kilos ko. Kasi mukha lang naman ang nabago sa kanya, pero yung katawan niya, siya pa rin 'yon," says Nadine Samonte about replacing Sunshine Dizon as Lorna in the afternoon soap Tinik sa Dibdib.


In the news ngayon si Nadine Samonte dahil siya ang napili ng Kapuso network para pumalit kay Sunshine Dizon bilang lead actress ng afternoon series na Tinik sa Dibdib.

"Challenging, sobrang challenging talaga ang role na napunta sa akin," pahayag ni Nadine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng special edition ng isang glossy entertainment magazine, kung saan tampok ang talents ng GMA Artist Center, kagabi, October 22.

Patuloy niya, "Ang hirap, kasi alam ko na mataas ang expectations ng mga tao sa akin kaya sobrang pressured ako. Kaya naman maging sa set ay sobrang tutok sila sa akin. Grabe! Talagang humihingi ako ng tulong kay Direk Gil [Tejada Jr.] para magawa ko nang maayos ang role ko."

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Nadine si Direk Gil, pero inamin ng dalaga na talagang sobrang kinakabahan siya stepping into the role that was meant for Sunshine, who had to be replaced due to "health reasons."

Ayon kay Nadine, "Nakakakaba kasi kailangan magaya ko ang kilos ni Lorna. Kung ano ang kilos niya [as it was portrayed by Sunshine], dapat yun din ang maging kilos ko. Kasi mukha lang naman ang nabago sa kanya, pero yung katawan niya, siya pa rin 'yon."

Ayon sa magiging bagong takbo ng kuwento ng Tinik sa Dibdib, naaksidente si Lorna habang lulan ng isang bus. Kasama niya doon ang kaibigan niyang si Danica (played by Maybelyn dela Cruz), na hinahabol naman ng boyfriend niya, played by Marco Alcaraz.

"Dahil sunog ang mukha, ang akala niya [Marco], si Danica ang nakuha niyang katawan kasi yung jacket ni Danica ipinasuot niya kay Lorna. E, nasunog ang mukha kaya hindi niya nakilala. So, inuwi niya si Danica at ipinagamot at ang pina-restore niyang mukha ay yung mukha ni Danica, not knowing si Lorna talaga 'yon," kuwento ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIG BREAK. Malaking break para kay Nadine na mapili ng GMA 7 na maging kapalit ni Sunshine. Ito na marahil ang paraan para mapansin naman siya ng Kapuso network.

"Sana nga mapansin na ako because of Tinik sa Dibdib. Basta ang nasa isip ko lang ay pagbutihin ang aking trabaho at galingan ko. Dagdag puntos na iyon sa akin dahil ako na ang napili nila," wika niya.

Dagdag pa ni Nadine, parang wala siya sa kanyang sarili nang malaman na siya ang napili ng GMA to replace Sunshine. Nagtaka pa siya nang malaman na on air na ang program, pero papalitan niya si Shine.

"Tanong ko nga anong show ba iyon at kailangan kong palitan si Shine. Nagtatanong pa nga ako sa mga friends ko kung dapat ko bang tanggapin ang offer. Sabi nila oo. Iyon din ang sabi ng boyfriend ko.

"Tinanong ko ang mommy ko kung kakayanin ko ba. Sabi niya, oo. Sabi niya, in the first place, bakit naman daw ibibigay sa akin kung hindi naniniwala ang GMA na kaya ko. Sabi ko nga, malaking expectations para sa akin. Pero sabi ko, nariyan naman ang production staff ng show and I'm sure tutulungan nila ako. Sabi naman ng boyfriend ko, tanggapin ko kasi ang opportunity. Galingan ko na lang daw," saad ng StarStruck alumna.

NOT QUITTING SHOWBIZ. Tinanong din ng PEP si Nadine kung totoo bang may balak na siyang mag-quit sa showbiz kaya siya nagbakasyon sa Europe?

"Hindi, wala akong balak," sabi niya. "May existing contract ako. Balak ko lang talagang mag-tour at magbakasyon, pero I am not quitting showbiz."

There were instances na tila may tampo si Nadine sa kanyang home network dahil napapabayaan siya in terms of projects. Dahil ba sa Tinik sa Dibdib ay somehow parang naglaho ang tampo niya sa GMA-7, if ever mayroon siyang tampo noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta may work lang ako. Iyon lang naman ang gusto ko, trabaho lang naman. Basta may trabaho, masaya na ako. Ayoko lang nung nababakante ako. Okay na ako basta may work," sagot niya.

Babalik pa ba siya sa Darna, kung saan gumaganap siya bilang Babaeng Impakta?

"Sabi nila baka raw sa ending ibalik, pero parang pinag-iisipan pa rin nila. Sana nga makabalik ako. Sabi ko nga, bakit nabuhay ang kakambal ko [si Impy, played by Mura], tapos ako di nabuhay. Pero sana nga makabalik din ako sa Darna," pagwawakas ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN