Paulo Avelino plays a nerdy nursing aide in Patient X

StarStruck 5 is coming in November, and some people feel that past StarStruck Babies will get further left behind. But not Paulo Avelino. "Naniniwala ako sa kasabihang pana-panahon lang 'yan," he said. In the meantime, he's been honing his craft and when his big break comes, he'll be ready. "Sobrang dedicated talaga ako... Ang gusto ko kasi, bawat role na ibigay sa akin, iba, hindi siya Paulo Avelino."


Kung sa looks department lang ang labanan, marami ang nagsasabing malaki ang potential ni Paulo Avelino sa liga ng mga kasamahan niya sa StarStruck. At puwede pa siyang mag-improve sa larangan ng pagganap.

Sa dalawang hit drama shows ng tambalang Aljur Abrenica and Kris Bernal na Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life, si Paulo ang kanilang ka-love triangle.

And now, kasama siya sa Patient X nina Richard Gutierrez and Cristine Reyes, isang joint horror movie venture ng GMA Films, Viva Entertainment, and ang RGutz Productions ni Richard. Directed by Yam Laranas, showing na ito sa mga sinehan next week.

Ayon sa producer na si Richard, ang Patient X ay naglalayong magbigay ng modern twist sa kuwento ng mga aswang, isang supernatural creature sa Pinoy folklore.

In this film Paulo plays the role of Robert, "isang nursing aide na medyo geeky or nerdy na walang alam sa kung ano ang nangyayari sa ospital, kung ano ang tinatago nila sa basement. Nagulat na lang ako nang isang araw ay sinasara nila yung buong hospital, pinipigilan nila ang lahat na pumasok at lumabas."

DEDICATION TO CRAFT IS HIS EDGE. Sa dami nilang talents sa GMA Artist Center (talent management arm ng Siyete), ano sa palagay niya ang kaibahan niya sa mga kasamahan sa network?

"Siguro, ang maipaglalaban kong edge ko ay yung craft ko, kasi sobrang dedicated talaga ako na i-improve siya... Ang gusto ko kasi, bawat role na ibigay sa akin, iba, hindi siya Paulo Avelino.

"Siguro naman, nag-improve ako kahit konti simula nung nag-umpisa ako... Kumbaga, may konti na akong experience kesa sa iba," lahad ni Paulo.

Hindi ba siya naiinip sa takbo ng career niya?

"Hindi naman po. Hindi pa rin naman ako nababakante, kahit wala akong regular na soap, dahil may SOP naman ako and yun ngang StarStruck 5 na may segment kami. Saka at least, may time na i-improve ko yung sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STARSTRUCK OR STAR-STUCK? Speaking of StarStruck 5, na magbabalik ngayong November, may mga nagtatanong kung bakit maglulunsad muli ng panibagong batch, samantalang hindi naman nabibigyan ng kaukulang break ang previous batches, kahit ang ibang winners? Sang-ayon ba siya sa opinyong ito?

"Sang-ayon din po, kasi ang dami naming StarStruck Babies, e. Yung iba, kadalasan, wala... Pero wala po kaming say du'n, kasi, kami po ay actors lang, talents lang kami ng station.

"Station ang magde-decide kung gusto nilang magdagdag [ng talents]. Or baka may certain characters silang hinahanap siguro sa mga darating na StarStruck talents."

So, paano niya hina-handle yung di sila nabibigyan ng equal exposure and opportunity? "Nag-i-strive po kaming i-improve ang looks namin physically. Basta, lahat ng aspects na puwede naming i-improve sa amin, para mapansin sa amin."

Naniniwala ba si Paulo na may "palakasan" o favoritism sa GMA network? "Ako po, hindi, e," opinyon niya. "Naniniwala ako sa kasabihang pana-panahon lang 'yan."

Naramdaman ba niyang napabayaan siya noon, after ni-launch sila sa StarStruck? "Hindi naman po siguro napabayaan. Hindi lang siguro napapansin."

Hindi ba siya nagdamdam o nasaktan?

"Hindi ko rin naman sila mabe-blame, e. Kasi, wala akong ginagawa noon para sa sarili ko. Climb ako nang climb [mountain climbing ang sports ni Paulo]. Pero ngayon, focused na ako sa craft ko," sagot niya.

NOT YET READY TO LEAD. Leading man material raw si Paulo, if he can just get the right break.

"Hindi pa naman po siguro leading man!" pa-humble effect ang reaksiyon ni Paulo, sabay flash ng killer smile nito.

"Happy po ako sa ngayon sa takbo ng career ko. Ayoko pa po ng leading man kaagad, kasi baka di ko pa kaya, e."

Dalawang magkasunod na hits ang past teleseryes niya, pero wala pa itong kasunod. Hindi ba siya nanghihinayang na wala pang follow-up?

"Wala naman po sigurong mali sa nangyari. Nagkataon lang po talaga na may mga una nang naka-line up na shows siguro. Malay po natin, next year, magkaroon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang nangyari po talaga no'n, hindi ako talaga dapat kasama sa All My Life. Kaso, ang nangyari ay nag-click po yung Dapat Ka Bang Mahalin?, kaya tinray nila uli, kumbaga, parang nag-experiment. Pati po yung time slot namin, experimental rin."

NO TIME FOR ROMANCE. At 21, may inspirasyon ba siya sa buhay?

"Ang inspirasyon ko po ngayon ay Diyos at ang sarili ko," ngiti ni Paulo.

Kaya ba niyang pagsabayin ang career at lovelife? "Ayoko po, kung puwede lang... Pero pag andiyan, puwedeng gawing inspirasyon na lang yun."

Aminado si Paulo na crush niya si Marian Rivera. "Pero hanggang doon lang yun. Ina-admire ko yung kagandahan niya, yung angelic face niya. Pag nag-i-smile siya, napaka-sweet."

Pero hanggang "hi-hello" pa lang sila. "Usually kasi sa showbiz, pag nagkakatrabaho kayo, dun nag-i-start. E, hindi ko pa naman po siya nakakatrabaho. "

Ayon kay Paulo, nakadalawang serious girlfriends na siya, at parehong silang non-showbiz. Sa ngayon, wala pa siyang commitment kahit kanino, although nali-link siya kay LJ Reyes.

GAY RUMORS. Samantala, naging issue ang kanyang sexuality. Hindi lang daw kay Aljur Abrenica siya "nali-link," kundi pati kay kay Chris Cayzer na kasamahan niya sa SOP.

Mariing pinabulaanan ni Paulo ito. At the same time, ayon na rin sa kanya, "normal" na para sa sinumang nagsisimulang actor sa showbiz ang matsismis na bading.

"Kahit noong nag-start ako sa StarStruck, halos lahat kami, sinasabing gano'n daw e... Ang daming lumalabas na untrue stories.

"Unfair talaga sa part namin. Kaya lang, well, ito yung industriya na pinasok namin, so, gano'n talaga. Kung hindi rin naman namin iko-correct ang isyu, hindi malalaman ng mga tao. And at least, nabibigyan niyo kami ng chance na maitama yun."

CHANCE TO SHINE. Sa StarStruck 5, si Paulo ang napiling mag-represent ng Batch 4, at makakasama niya rito sina Mark Herras, Arci Muñoz, and LJ Reyes, bilang update hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Avenger lang si Paulo ng kanyang batch at hindi grand winner, so bakit sa palagay niya kinuha siya for Batch 4?

"Hindi ko rin po alam, e. Nagulat na lang ako na one day, sinabi sa akin, I'll be co-hosting with my co-StarStruck graduates. I really don't know why me, pero I'm really grateful na ako."

Ngayon ba ay napi-feel niyang bini-build up na siya ng Kapuso Network?

"Parang gano'n... Napi-feel ko na parang binibigyan ako ng chance... Kumbaga, ito na yung chance na dapat kong i-grab at ipakita ang best ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN