Aga Muhlach supports Ogie Alcasid's initiative to unite OPM artists and help typhoon victims

"[Channel] 2, 4, 7, 5, 9, 13... At the end of the day, nasa Pilipinas tayo, it's one small country, so magmahalan na lang tayong lahat, let's move forward. I mean, competition is there in terms of business, but then at the end of the day, iisa ang puso natin, Filipino tayong lahat, so let's do good for our country," says Aga Muhlach.


Isa si Aga Muhlach sa taga-industriya na kahit kilala bilang isang mahusay na dramatic actor ay ibinahagi pa rin ang talento niya sa pag-awit para sa unity song na nilikha ni Ogie Alcasid, "Kaya Natin 'To." Ang kikitain ng album ay mapupunta sa mga naging biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aga sa recording ng "Kaya Natin 'To," nagpahayag ng kasiyahan at suporta ang aktor na naging bahagi siya ng proyektong ito ng entertainment industry.

"Nice, of course," sambit niya. "Kahit na anong bagay na makakapag-raise ng funds on anything, or like in this case, definitely susuportahan ko. When he [Ogie] called me and asked me, Reg and I are doing a movie kaya nakapag-usap kami. Sabi niya, puwede raw ba ako? Sabi ko naman, why not? If I have to go out of my way from where I live, to come here to record, wala nang tanong-tanong kung ano ang gagawin ko, umoo agad ako.

"It's good, it's really good, sana hindi lang ito ginagawa sa mga sakuna o may nangyaring masama saka magsasama-sama. Sabi ko nga, let's start doing something for our country naman. It's about time, dapat talaga mahalin natin ang bansa natin, hindi lang sa salita kundi sa gawa, kahit sa maliit na bagay lang."

Ayon kay Aga, pagkakaisa ito ng buong industriya na hindi kuwestiyon kung saang istasyon ka ba kabilang.

"[Channel] 2, 4, 7, 5, 9, 13... At the end of the day, nasa Pilipinas tayo, it's one small country, so magmahalan na lang tayong lahat, let's move forward. I mean, competition is there in terms of business, but then at the end of the day, iisa ang puso natin, Filipino tayong lahat, so let's do good for our country," pahayag ng aktor.

Sinabi rin ni Aga na hindi siya mawawala sa big concert ng OPM artists sa December 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would just go. It's nice to see yung mga kasamahan natin sa industriya, kasi alam n'yo naman, hindi ako nakakalabas masyado. And it's nice na makakapunta ako dun, makikita at makakasama ko sila. Kung yun ang makakatulong sa event nila, then I'm there 100 percent."

MOVIE WITH REGINE. Napag-usapan din namin ang tungkol sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Regine Velasquez.

"Okay naman kami, okay naman," sabi ni Aga. "We stopped for a while, as usual, like ng mga iba kong nagawang pelikula, we have to reorganize and we have to fix the script again. Inaayos lang namin, plus we have to stop because of the typhoon. They wanted to schedule already but even if we have to move on, I said it's not yet time. But now, nag-resume na kami."

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Regine for the third time?

"May Ogie na siya kaya iba na siya. Sabi ko nga, 'Reg, pag may kissing scene na tayo, marunong ka na.' Pero biro lang yun. But you know, I'm happy that we're working together again. This is our third movie and it's different now. I'm married, she has Ogie. We're more comfortable and since this is our third film, we have to make it different. Hopefully, mapaganda namin at pagagandahin namin talaga para panoorin at matuwa naman sila," saad niya.

Masaya ring ibinalita ni Aga sa PEP na nakalinya rin niyang gawin ang mga pelikula with Lea Salonga and Angel Locsin sa Star Cinema next year.

"I'm happy to announce that my movie with Lea is pushing through next year, we're gonna start filming also," sabi niya. "With Angel, it's gonna happen next year. I haven't worked with her yet, but lahat naman ng artista marurunong umarte, it depends lang with the projects you get. Pero para naman makapagtrabaho ka sa industryang ito, at least, marunong kang umarte talaga. Angel is magaling at makakasama ko siya. I met her once, sayang nga at hindi kami nakapag-umpisa. But then, it's never too late that's why we're starting next year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa ring show sa Kapamilya network ang sisimulan ni Aga next year.

"It's not a sitcom, it's not a teleserye also. It's a show, it's a weekly thing. Hindi ko talaga kaya ang daily. Maganda siya, so sana abangan nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN