Rayver Cruz focuses on work to recover from his father's death

"Buong family, nagre-recover kami ngayon... Ayaw naman naming magpa-down sa nangyari dahil alam naman namin na masaya na siya. Ngayon namin ipapakita kay Papa na kailangan naming maging strong. Alam ko namang lagi siyang nanonood, e, and para sa kanya lahat ng mga ginagawa ko," says Rayver Cruz.


Unti-unti nang nakaka-recover sa kalungkutan ang young actor na si Rayver Cruz na namatayan ng ama last week. Matatandaang sumakabilang buhay ang ama ni Rayver na si Rodolfo Ilustre, 75 years old. Namatay ito sanhi ng kidney and lung failure.

Ayon sa report, na-confine ang ama nito sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa loob ng dalawang buwan.

"Ang tapang ng daddy ko, kasi lumalaban siya hanggang sa huli. Halos magdadalawang buwan siya sa ICU. Hindi siya bumitaw para at least makasama niya pa kaming mga anak niya at ang mama namin," lahad ni Rayver in a previous interview.

Makalipas ang ilang araw pagkalibing ng kanyang ama, balik-trabaho na si Rayver. Una siyang sumabak sa rehearsals para sa nalalapit na Star Magic World Concert Tour in Manila na gaganapin sa November 13 sa Araneta Coliseum.

Sinabi ni Rayver na sa pagkamatay ng ama, mas gusto niyang magtrabaho kesa tumigil sa kanilang bahay.

"Kailangan kong maging okey dahil kailangan ko na ring magtrabaho na. Mas nalulungkot ako pag 'andun ako sa bahay, e," sabi ni Rayver sa panayam sa kanya ng SNN.

Mas nalilibang daw siya kapag nasa ABS-CBN compound.

"Dito [sa rehearsals], pag nagsasayaw ako, at least ang iniisip mo ay yung steps... Iniisip mo yung performance mo. Kahit na papaano, medyo mas nakakagaang ng loob," saad ni Rayver na halatang nasa loob pa rin ang pagluluksa, pero pinipilit maging matatag.

"Buong family, nagre-recover kami ngayon... Ayaw naman naming magpa-down sa nangyari dahil alam naman namin na masaya na siya. Ngayon namin ipapakita kay Papa na kailangan naming maging strong. Alam ko namang lagi siyang nanonood, e, and para sa kanya lahat ng mga ginagawa ko," seryosong sabi ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN