Next Big Star winner Frencheska Farr tries acting via musical indie film

"Ako po, pagdating naman po sa singing, hindi naman po sobrang napi-pressure. Kasi po ginagawa ko naman po ang best ko kapag kumakanta na ako. Pagdating lang po sa ibang aspeto, tulad ng dancing, like now may acting na po, doon po ako medyo kinakabahan, kasi hindi ko naman po usual na ginagawa," says Frencheska Farr.


After winning in Are You The Next Big Star?, nagiging visible na si Frencheska Farr sa ilang Kapuso shows. Regular na siyang napapanood sa musical-variety show na SOP along with fellow winner Geoff Taylor. Both of them are also part of the new musical game show Bandaoke, na nagsimula nang mapanood noong Linggo ng gabi, Oct. 25. Aside from that, naka-line-up na rin daw ang album ng Top 6 finalists ng Next Big Star.

Bukod sa pagiging singer, sumasabak na rin si Frencheska sa pag-arte dahil may movie itong pinagbibidahan with no less than Chito Roño at the helm.

"Musical po siya with Direk Chito po ang director. Hindi po ako sure sa production, pero alam ko po sa CCP [Cultural Center of the Philippines]. Alam ko po, independent po ang producer na yung tema po ng movie, para po siyang Mamma Mia! na musical nga po," pagbabalita ni Frencheska sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Frencheska, mga indie actors daw ang kasamahan niya sa pelikula.

"Nag-start na po kaming mag-shooting, hindi ko lang po alam kung hanggang kailan po aabutin ang shooting. Dapat po kasi, nagsu-shoot na kami sa may bandang Benguet. Kaso lang po, may mga landslide [dahil sa bagyong Pepeng], nade-delay po. Mga Ilokano po kasi kami dito, pero musical po siya. And alam ko po, all original po ang mga songs. Ang title naman po ng movie ay Emir."

Nag-audition daw siya for the movie.

Sa ginagawa niyang singing and acting, si Regine Velasquez ang ginawa niyang peg?

"Opo," nakangiti niyang sabi. "Siyempre naman po, Regine Velasquez po yun!"

LIFE AFTER "NEXT BIG STAR." Napag-alaman din ng PEP kay Frencheska na hindi pa nila nakukuha ni Geoff ang cash prize nilang P1 million pesos sa pagkapanalo nila sa Are You The Next Big Star?. Pero, okey lang daw sa kanya kaya biro namin sa kanya, dedma lang ba siya sa cash?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi naman po!" natatawa niyang sabi. "Ayoko lang pong magtanong. Pero may mga nakuha rin po kasi kaming TF sa mga shows, inipon po yun ng mommy ko. Yun po ang ginamit naming pambili ng mga pangangailangan para sa mga shows po. Para po makaipon na rin po."

Kinakausap naman daw sila ng management tungkol dito. Nagkakaroon lang daw ng delay sa mismong sponsor na magbibigay ng cash prize. When it comes to the condo units na napanalunan nila ni Geoff, nakausap na rin daw nila ang developer at by next year pa raw ito magagawa.

Mula nang manalo siya sa Are You The Next Big Star?, nararamdaman naman daw ni Frencheska na marami na rin ang nakakakilala sa kanya.

"Kapag lumalabas po ako, hindi na rin po puwedeng kahit ano na lang ang suot ko. Kasi po, may nakakilala na rin po. Minsan po nagbubulungan sila, so kahit papaano po," sabi ng 17-year-old singer.

Pakiramdam na rin daw niya, kahit pa'no ay may mga pagbabago na sa buhay niya.

"Opo, nararamdaman ko po talaga ang mga pagbabago. Like, kapag nakakarinig po ako ng mga tugtog na pang-hotel, nami-miss ko po talaga. Nami-miss ko po yung dati, yung lounge days. Pero naisip ko rin naman po na feeling ko po, mas okay ngayon, mas palakas naman po."

Ngayong tapos na ang contest at nanalo na nga siya, may pressure ba on her part na patunayang karapat-dapat nga siyang tawaging "next big star"? Madalas kasing naiintriga ang winners ng talent contests ng Kapuso network—gaya nina Jonalyn Vira, Gerald Santos, Maricris Garcia, at Gretchen Espina—na wala naman daw nangyayari sa kanilang career.

"Ako po, pagdating naman po sa singing, hindi naman po sobrang napi-pressure. Kasi po ginagawa ko naman po ang best ko kapag kumakanta na ako. Pagdating lang po sa ibang aspeto, tulad ng dancing, like now may acting na po, doon po ako medyo kinakabahan, kasi hindi ko naman po usual na ginagawa," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last September ay nag-celebrate naman ng kanyang 17th birthday si Frencheska. Ito ay ilang araw pagkatapos niyang manalo sa Are You The Next Big Star?. Bilang pasasalamat na rin daw ito sa mga kababayan niya sa Las Piñas kaya nagpa-thanksgiving concert daw siya doon.

"Sa village lang naman po namin. Parang nag-post lang po kami ng banners na free concert po, parang thank you ko po sa kanila. Birthday ko po yun mismo, tapos po, ang mga Next Big Star [contestants], nandoon din po. So, isinabay na po namin," kuwento ni Frencheska.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN