"Birit Baby" champion Jude Matthew Servilla now has his own segment in Eat Bulaga!

Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg">

Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg">

"Kapag naglalakad po ako sa mall, may nakakakilala na sa akin, kinakamayan nila ako. Hindi man nila alam ang pangalan ko, sabi nila, 'Di ba, ikaw ang nanalo sa 'Birit Baby' sa Eat Bulaga?" says Jude Matthew Servilla.


Misty-eyed ang ilan sa entertainment press na dumalo sa presscon para sa grand champion ng "Birit Baby 2009" ng Eat Bulaga! na si Jude Matthew "JM" Servilla kagabi, October 28, sa Imperial Palace Suites. Ipinakita kasi ang video clip noong grand finals ng "Birit Baby 2009" held two Saturdays ago sa Eat Bulaga!, kung saan nakipag-compete si JM sa iba pang finalists.

Bilang "Birit Baby 2009," nanalo si JM ng 200,000 pesos plus 20,000 pesos as the winner of the People's Choice Award mula sa text votes ng televiewers ng Eat Bulaga! around the world.

Ang winning piece ni JM ay ang "Hanggang," na kinanta ni Wency Cornejo. Bakit ito ang napili niyang kantahin noong grand finals?

"Isa po sa favorite singers ko si Mr. Wency Cornejo at gusto ko po yung song niya, tulad din ng song niyang 'Habang May Buhay.' Favorite ko rin po si Ms. Regine Velasquez, Jed Madela, Charice Pempengco," sagot niya.

A STAR IS BORN. Paano siya nagsimulang kumanta?

"Prep pa lang po ako nang mag-join ako sa children's choir ng Bagunawa Evangelical Church sa amin sa La Carlota, Negros Occidental. Pero Grade 3 na po ako nang para makaraos sa buhay namin, sumali na po ako sa amateur contests. Ang madalas kong kantahin yung 'How Could You Say You Love Me' ni Sarah Geronimo saka ang 'My Heart Will Go On' ni Celine Dion.' Pinakikinggan ko lang po sa tape ang mga kanta nila," kuwento ni JM in his thick Ilonggo accent.

Nakasali rin si JM sa "World of Fun" videoke contest sa SM North EDSA, kung saan nanalo siya ng 4,000 pesos. Kahit sa World Champions Of Performing Arts (WCOPA) ay nakapasa siya, pero hindi siya natuloy dahil hindi siya pinayagan at wala rin naman siyang ipapamasahe.

"Para lang po kami makapunta ng Papa ko sa Manila, nag-solicit lang kami ng pamasahe dahil one thousand pesos din po ang tiket namin sa barko. Luma lang ang sapatos na suot ko, pero naibili na rin po ako ng Puma shoes ni Mama sa Marikina Riverbanks pagkatapos ng contest," lahad pa ng batang singing champion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung ang nabili niyang sapatos ang suot niya sa presscon, hindi raw. Bigay raw 'yon ng manager niya, si Malou Choa-Fagar ng TAPE, Inc.

UNDER TAPE MANAGEMENT. Nagkatawanan naman nang hindi pala kilala nang personal ni JM si Malou. Ang parents daw kasi ni JM ang kausap niya kaya hindi siya kilala nito at nang gabing 'yon lang nagkakilala ang manager at talent.

Two years ang managerial contract ni JM sa TAPE, Inc. at may sarili na siyang segment sa Eat Bulaga! every Monday, Wednesday, and Saturday. Ito ang "Songs From The Heart," kung saan kakantahin niya ang requested songs from televiewers, lalo na ng mga OFW.

Ilang songs na ba ang alam kantahin ni JM? Madali lang ba siyang mag-aral ng kanta?

"Mga ten to twenty songs na po," sagot niya. "Depende po sa song. Minsan one day, minsan two days, kabisado ko na ang lyrics at kaya ko nang kantahin."

Ano ang plano ng TAPE, Inc. sa career ni JM? May recording na ba siyang gagawin?

"Wala pa, wala pa munang recording," sabi ni Malou. "Siguro magdi-depend sa kung sino ang mag-o-offer na recording company. Sa ngayon, 'yon munang segment niya sa Eat Bulaga! at saka isinasama namin siya sa mga show sa provinces dahil hinahanap siya."

Sabi naman ni JM, "Nakakatuwa po, kasi kapag may show noon sa Bacolod, lagi po akong nanonood. Ngayon, ako na ang pinapanood nila."

Dito sa Manila, may nakakakilala na ba sa kanya?

"Meron po. Kapag naglalakad po ako sa mall, may nakakakilala na sa akin, kinakamayan nila ako. Hindi man nila alam ang pangalan ko, sabi nila, 'Di ba, ikaw ang nanalo sa 'Birit Baby' sa Eat Bulaga?" kuwento niya.

Feeling ba niya, sikat na siya?

"Ewan ko po, siguro konti po," nahihiyang sagot ni JM.

LA CARLOTA. Born on August 27, 1997, 12 years old at kabi-birthday lang ni JM nang sumali siya sa "Birit Baby 2009." First year high school na siya sa Doña Hortencia Salas Benedicto National High School sa La Carlota.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang security guard ang papa ni JM na si Mang Wilfredo. Ang mama naman niyang si Aling Maria Georgina ay housewife at inaalagaan silang magkakapatid.

Sa video ni JM, kasama ring ipinakita ang pag-uwi niya ng La Carlota. Naroon ang dalawa pa niyang younger brothers na tulad niya ay ipinangalan din sa mga santo. Ipinakita rin ang bahay na tinitirhan nila roon.

"Iyon pong sumunod sa akin, si James Andrew, 11 years old, at ang bunso namin, si John Vincent, 6 years old," banggit ni JM. "Inuupahan lang po namin ang bahay sa La Carlota. Kapag umuulan at bumabaha, umaabot po hanggang baywang ko ang tubig."

Nabanggit din ni JM na sa hirap ng buhay nila, once a year lang daw sila nakakain ng hamburger sa Jollibee. Natawa siya nang tanungin kung ngayon ba ay araw-araw na silang kumakain sa Jollibee.

Ipinakita rin sa video nang dumalaw siya sa kanyang school at may kinakantahan siyang batang babae. Waring nahihiya si JM nang sabihing ang crush niyang classmate na si Mary Jane Fernandez ang kanyang kinantahan.

Biro sa kanya, liligawan ba niya si Mary Jane balang-araw?

"Opo, kapag fourth year na po kami," nakangiting sagot ni JM.

Ngayon, lumuwas na ng Manila ang buong pamilya ni JM. Iniwanan na nila ang La Carlota. Naka-enroll siya ngayon sa home study program ng Angelicum bilang first year high school student.

Sa isang hotel sa E. Rodriguez pansamantalang nag-i-stay sina JM, pero ililipat daw sila ng TAPE, Inc. sa isang condominium unit sa San Juan, malapit sa Broadway Centrum.

Kung ang Papa Wilfredo niya ang nagturo sa kanyang kumanta noon, ngayon ay may voice coach na siyang bigay ng TAPE—si Arnel de Pano, na nag-aalaga rin sa boses niya.

Naalaala naming may tuyo with red eggs, tomatoes, and onion, na naka-serve for dinner sa presscon. Biniro namin si JM na baka ayaw na niyang kumain ng tuyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po puwede kahit gusto ko. Bawal po sa akin, makati po sa lalamunan," sagot niya.

In between ng interview kay JM, muling ipinakanta sa kanya ang "Hanggang." May nag-request din ng kinanta niya last Monday sa kanyang segment, ang "You Raise Me Up" at ang "Listen" ni Beyonce.

Comment ng mga entertainment press, maganda ang boses at malinaw ang diction ni JM. Maluwag din daw ang boses niya kahit bumibirit siya.

Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg">


Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/23698/birit-baby-champion-jude-matthew-servilla-now-has-his-own-segment-in-eat-bulaga" data-desc="JM and his family have left La Carlota to find his place in the local entertainment scene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/34caa008a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN