Former Animé member Mhyco Aquino leaves ABS-CBN to spread his wings

"Wala pong pagisisi, kasi... Magsisisi ako kung galit sa akin ang ABS. Yun lang ang pagsisisihan ko, pero hindi naman sila galit, so wala akong pinagsisisihan. 'Yon ang mahalaga, na sa kanila ako galing, at hindi sila galit sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at hindi sila galit sa akin. Masaya po ako dahil nakalipat po ako nang okey kami," says Mhyco Aquino about leaving ABS-CBN.


Mga limang taon na ang nakalilipas mula nang ilunsad ng ABS-CBN ang Animé, isang all-boy dance and singing group ng mga guwapong young stars ng Kapamilya network, sa ASAP. Sila ay sina Rayver Cruz, John Wayne Sace, Emman Abeleda, Sergio Garcia, Mico Aytona, at Mhyco Aquino. Nadagdag din later on sa grupo ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Pero mula nang mabuwag ang grupo about two years ago, nagkanya-kanyang landas na rin ang mga miyembro ng Animé. Kanya-kanyang destiny, kumbaga.

Sa mga nagdaang panahon, si Rayver ang sumipa nang husto ang career. Pansamantalang sumikat din si John Wayne na mahusay namang umarte, pero may hindi magandang tsismis sa attitude nito. Nag-retire na sa showbiz si Emman. Mina-manage na ng Genesis si Mico Aytono at nasa GMA-7 na ngayon. Samantalang nanatili sa Dos si Sergio.

Sa grupo, si Mhyco ang nagdesisyon ng major career move. Ito ay ang magpalit ng business manager—from Star Magic ng ABS-CBN to Manny Valera (manager din nina Alessandra de Rossi, Jean Garcia, Polo Ravales, Zoren Legaspi, among others) at ang pagsubok na lumabas sa indie films.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mhyco sa premiere showing ng I Love Dreamguyz sa Gateway Platinum Cinema. Kasama niya sa pelikula sina Marco Morales, Niña Jose, Jao Mapa, Sherwin Ordoñez, at introducing sina Jay-L Dizon at Miggy Valdez. It is directed by Joel Lamangan and produced by DMV Entertainment ng bagong manager niyang si Direk Manny Valera.

Ang I Love Dreamguyz ay isang sexy film tungkol sa magkakabarkadang dancers na nangangarap magtrabaho sa Japan.

LEAVING ABS-CBN. Kumusta na nga ba si Mhyco pagkatapos niyang umalis sa ABS-CBN at Star Magic?

"Okay naman po ako kay Direk Manny," sagot niya. "Yung pag-alis ko sa ABS, siguro gusto ko lang mag-grow as an actor para maiba naman, gano'n. Yung mag-try naman sa iba, gano'n... Parang... Saka yung ibang projects, iba naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nahirapang mag-decide noon, thinking na sikat ang Animé noon, maganda ang exposure nila sa TV, and all? Paano nagsimula ang pag-iisip niyang umalis ng Dos?

"Kasi po, yun 'yong time na siguro nagbibinata na ako na parang... Kung sasayaw lang ako nang sasayaw... Kung may acting [roles] man, lagi na lang Amboy, ganyan... Amerikano, ganyan... Mayaman...

"Parang, gusto ko naming maiba. Ayoko na yung gano'n na naman. Gusto ko, iba na. Kasi feeling ko sa sarili ko na kaya ko, e. Kahit na anong role, kaya ko. Gusto ko lang mag-experiment.

"Kasi, kailangan mong i-enjoy yung ginagawa mo, di ba? Pag di ka nag-e-enjoy, parang pressured ka. Di mo magawa yung gusto mo, so ayun. Siguro sinunod ko lang ang instinct ko na dito ako magiging masaya, mag-e-enjoy ako sa ganito, 'Sige, try, for experience!'" sabi ni Mhyco.

Naka-ilang taon siya sa ABS-CBN?

"Matagal, mga five or six. Doon ako nag-start, mga 12 yata or 13. One time, nakita lang ako ni Mr M [Johnny Manahan, isa sa mga boss ng Star Magic] sa audition ng Star Circle Batch... 9 or 11 yata yun.

"Hindi ko alam na audition yun, kasi pinapunta lang ako ng isang agent. Tapos, ayun, nakita lang ako ni Mr M, pinasayaw ako, pinakanta niya ako. Parang hindi ko pa ginawa. Tapos, sabi, 'Sige, mag-taping ka ng ganitong movie, maliit lang ang role.' Sabi ko, sige, okey lang ako nang okey. Tapos, bigla na lang akong na-shock kinabukasan kasi nandoon na ako sa shooting na, 'Uh, totoo pala!'

"So, dun ako naniwala na totoo pala. Parang, seryoso pala sila. So, inayos ko na. Sineryoso ko na. Ayun, nagdire-diretso na, hanggang sa... Originally po, yung Animé, talagang five lang sila. Tapos, isinama lang ako," kuwento ni Mhyco.

Paano niya made-describe ang kabuuang experience niya sa Dos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang dami po akong natutunan sa ABS. Yung pakikitungo sa tao, mga workshops, lahat, nakuha ko sa kanila. Five years po ang contract ko sa Star Magic."

Sa loob ng limang taon bago mag-expire ang kanyang contract sa Dos, masasabi ba niyang napabayaan siya ng network?

"Hindi ko naman masisisi sa kanila 'yon, kasi kanya-kanyang antay ng break 'yan, e," sagot niya. "Siguro, yung ibang break, dumarating. Dumarating yung break nila. Yung sa akin, wala pa.

"Pero hindi naman ako yung, 'O, yung sa akin, ang break ko, wala pa?' Hindi naman ako gano'n. Kasi pag artista ka, hindi mo kailangang hintayin na lang nang hintayin yung break mo. Kailangan gumawa ka rin ng paraan para dumating din yung break mo. So, ayun, gumawa ako ng move na sa tingin ko naman ay okey.

"Sabi ko naman sa kanila, lilipat ako ng manager. Nagpaalam ako nang maayos. So, okey naman sa kanila, ganito-ganyan... Okey naman po kami ng ABS, puwede po akong bumalik do'n anytime. Kasi, wala po silang galit sa akin. Saka, wala po akong pinalpak."

NO REGRETS. Kung sa walang ginawang kapalpakan si Mhyco sa Dos in his five-year stay dito, paano naman ang nabuo niyang friendship with co-Animé members?

"Hanggang ngayon po, okey kami, like nina Rayver. Yun nga lang, hindi po ako nakapunta sa lamay ng dad niya kasi nasa Puerto [Galera] ako. So, pinag-pray ko na lang, di ko na nahabol. Umuwi ako, Sunday na, e, Saturday yun," sabi niya.

Walang pagsisisi on his part sa desisyon niya?

"Wala pong pagisisi, kasi... Magsisisi ako kung galit sa akin ang ABS. Yun lang ang pagsisisihan ko, pero hindi naman sila galit, so wala akong pinagsisisihan. 'Yon ang mahalaga na sa kanila ako galing, at hindi sila galit sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at hindi sila galit sa akin. Masaya po ako dahil nakalipat po ako nang okey kami," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

That time ba ay hindi siya nainggit o na-insecure sa ibang mga kasabayan niya like Rayver and John Wayne na tila mas nabigyan ng break noon?

"Actually, binigyan nila ako ng ano... Pinahabol nila ako kila Rayver. Binigyan nila ako ng Q-Pids, binigyan nila ako ng Gulong ng Palad, tapos nagkasunud-sunod na."

So, what went wrong nga?

"Kasi, parang andun na sa point na yun na, 'Ayan na!' Kaya lang, nag-start nang mag-collapse ang group, kasi parang, meron na si Jawe [John Wayne], meron na si Rayver, nagkakaroon na rin ako. Parang, 'Paano sila saayaw?' So, parang nag-collapse na rin ang group namin.

"Four years din namang tumagal ang grupo, and okey na yung four years, ang sarap nang balikan 'yon. Na dati, ganito kami, ganyan, hanggang sa tumanda na kami, nagkita-kita kami uli ngayon... Nakaka-enjoy pa rin pag naaalala mo yun."

THREESOME. Sa I Love Dreamguyz, may "nakakabaliw" na love scene si Mhyco, na first time niyang ginawa, hindi lang sa isang babae, kundi sa dalawa! Yes, threesome nga ang nasabing sensitive love scene, na ang kaeksena niya ay ang mga baguhang sina Althea Vega at Mellow Johnson.

"Trabaho lang po yun!" tawa ni Mhyco na parang nag-blush. "Kailangan lang po kasi talaga sa istorya at nasa script. Panoorin na lang nila!"

Ano ang plano sa kanya ni Direk Manny?

"Si Direk, gusto niya akong mag-workout. Noong una ko kasi sa kanya, medyo mataba pa. Pero ngayon, medyo pumayat na po ako. Yun ang una nilang ginawa, e, pinapayat ako. Siguro, more mature roles po dahil tapos na yung pa-tweetums days," sabi ni Mhyco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN