Lovi Poe on friendship with Jolo Revilla: "Isang bagay 'yan na di masisira."

No sooner did she announce that she and Jolo had broken up than her name was linked to Ronald Singson. No truth to the rumor, says Lovi, that she's dating the son of the deputy national security adviser.


Kinumpirma ni Lovi Poe sa Startalk na break na sila ng boyfriend na si Jolo Revilla.

Masasabing isa ito sa mga controbersiyal na relasyon sa showbiz, pero maayos naman daw ang naging breakup nila.

"Yes, yes, maayos," sabi ni Lovi. "Hindi ko masabing happy, pero, ayos lang. Happy in different aspect dahil mas nakakapag-focus na ngayon sa trabaho and sa pag-aaral ko. Peace of mind in different aspect again."

Isa sa diumano'y dahilan ng breakup nila ay ang hindi magandang karanasan ni Lovi kay Rosanna Roces, ang ina ng ex-girfriend ni Jolo na si Grace Adriano.

"Basta ako, ang masasabi ko sa sarili ko, kung ano ang totoo, bahala na ang mga tao. Basta ang importante, yung mga mahal ko sa buhay, alam nila kung ano talaga ang nangyari.

"Ayoko na kasi nang napapagitnaan at hindi nirerespeto. Yun lang... I mean, I have nothing against Jolo, napakabait niya sa akin. Yung mga tao sa paligid niya, hindi lang marunong rumespeto, yun lang..."

NOT DATING CHAVIT'S SON. Pero matapos daw ang kanilang paghihiwalay, biglang lumabas ang balitang si Ronald Singson, anak ni Deputy National Security Adviser Luis "Chavit" Singson, ang bagong dine-date ni Lovi.

"Wala siyang kinalaman dito. Kasi, in the first place, wala namang lumabas about him when we we're still together. Si Ronald, kaibigan ko lang yung tao..."

Pero lumalabas sila?

"Well, we have common friends. It doesn't mean na kaming dalawa lang ang lumalabas. Siguro, nabigyan lang ng kulay ng ibang tao."

On the other hand, tumagal din ng halos dalawang taon ang relasyon nina Jolo at Lovi, na di rin nila kinukumpirma noon. Wala ba silang balak na ayusin ang anumang naging problema nila?

Ani Lovi, "Siya ang tanungin n'yo kung paano niya ayusin yun. Siya ang tanungin n'yo. Kung naayos niya or kung maayos pa ba niya 'to. Basta, okey kami na ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not closing my doors sa kung ano ang puwedeng mangyari. Basta para sa akin, I don't know. Siguro, enjoy muna 'ko na ganito."

Friends pa rin ba sila?

"Of course, nandiyan ang friendship. Isang bagay 'yan na hindi masisira."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN