Mocha Girls group shrugs off intrigues about beating Willie Revillame in 1st Star Awards for Music

"We're really very happy and proud. This is our first award ever for our group since we entered the music industry. Kaya thankful and grateful kami talaga sa Star Awards for Music at sa PMPC for this award," says Mocha, leader of the all-female group Mocha Girls, about winning Best Dance Album at the 1st Star Awards for Music.


Masayang-masaya ang Mocha Girls sa pagkakapanalo nila ng Best Dance Album of the Year para sa kanilang second album sa Viva Records, Delisciosa, sa 1st Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Skydome SM North Edsa last October 29. First award ito na natanggap ng all-girl group na binubuo nina Mocha, Hershey, Grace, Bez , Heart.

"We're really very happy and proud. This is our first award ever for our group since we entered the music industry. Kaya thankful and grateful kami talaga sa Star Awards for Music at sa PMPC for this award," bulalas ng leader ng grupo na si Mocha nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertaiment Portal) ang Mocha Girls.

Dagdag naman ni Hershey, "Napasigaw at napalundag nga kami sa tuwa nang tawagin ang pangalan ng group namin as the winner for the Best Dance Album of the Year. Siyempre, great honor ito para sa grupo namin."

Nag-perform din sa awards night ang Mocha Girls sa isang production number with the SexBomb Dancers, kasama pa si Allan K. In-enjoy raw talaga nila ang moment na 'yon.

"To be in one stage kasama ang magaling na singer at performer na si Allan K, tapos kasama pa ang mga idol naming SexBomb, siyempre tuwang-tuwa kami," ani Grace.

Sabi naman ni Bez, "Lalo na ang Sexbomb, matagal na namin silang idol, e. Sobra namin silang hinahangaan. Saludo talaga kami sa kanila. Sila ang inspirasyon namin kasi, siyempre, matagal na rin sila sa industriya, di ba?"


DESERVING TO WIN. Hindi naman itinanggi ng Mocha Girls na alam nilang may ilang taong kumukuwestiyon sa pagkapanalo nila. Sa tingin ba nila ay deserving talaga silang manalo ng award?

"Opo, we heard about that," sagot ni Mocha. "Nakakalungkot nga na may ganyang isyu. Kasi hindi naman po namin hiningi yung award. Hindi rin po namin binili yung award. Ang mga taga-PMPC po ang nagbigay sa amin ng award kaya sana wala nang ganyang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tanong naman kung deserving kami, siguro naman po hindi kami mano-nominate kung hindi kami deserving, di ba? Lahat naman po ng nominees deserving manalo. It just so happened na kami ang nanalo. Siyempre po, masayang-masaya kami and I know we deserve this award. Sana po maging masaya na lang po sila para sa amin."

Aware din ba sila na isa sa mga tinalo nila for the award ay si Willie Revillame para sa album nitong Giling-giling?

"Opo, alam namin na nominated din si Willie," sabi ni Hershey. "But we have nothing against Willie. Kung siya man ang nanalo, tatanggapin namin yun. Hindi naman namin kailangang maging bitter kung sakali mang natalo kami. Kasi gaya nga ng sabi ni Mocha, lahat naman po ng nominees ay deserving na manalo. At saka okay naman po kami ni Willie. Nakakapag-guest naman po ang Mocha Girls sa Wowowee."

May nakarinig din daw sa composer at producer ng album ni Willie na si Lito Camo, na nagkomento raw ito na bakit tinalo ng Mocha Girls si Willie. Ano ang masasabi nila rito?

"May ganun po ba?" tanong ni Mocha. "Hindi po namin alam 'yan. Pero kung totoo man po 'yan, wala na kaming magagawa kung iyon ang opinyon niya o ng ibang tao. We know naman na we can't please everybody. So, hindi na lang po namin siguro papansinin yung mga ganyang intriga."


ADDITIONAL MEMBER. Imbes na intriga, mas gusto raw pagtuunan ng pansin ng Mocha Girls ang pagpapaganda ng kanilang act tuwing may shows sila, lalo na ngayong may bagong dagdag sa grupo nila—si Heart. Kaya lima na silang miyembro ng grupo ngayon.

Tinanong ng PEP si Heart kung ano ang feeling na member na siya ng Mocha Girls?

"It's nice to be back," sagot niya. "Actually, hindi naman kasi ako talaga bago sa grupo. I was part of the original group noong tatlo pa lang kami—si Mocha, Bambie, at saka ako. Tapos nag-stop ako sa group kasi I left for abroad with my brother. Nag-Dubai kami at saka Japan, as performers din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung umalis ako sa group, dun na pumasok si Hershey. Hanggang sa maging lima na nga sila nung pumasok sa grupo sina Grace at Bez. Pero naging apat sila nung umalis naman si Bambie. So, matagal ding naging apat sila. At ngayon nga bumalik na ako sa grupo kaya lima na ulit kami," kuwento ni Heart.

Hindi naman daw nahirapang mag-adjust sa grupo si Heart dahil mga kakilala na niya ang mga ito at ang iba ay kaibigan na nga niya before pa. At saka very warm daw ang naging pag-welcome sa kanya ng grupo. Bilang dagdag sa grupo, ano naman ang maiko-contribute niya?

"Ako kasi makulit ako, e. Usually, ang pagkaalam sa Mocha Girls ay sexy girls performing. So, ako yung parang makulit at funny side ng Mocha Girls," sabi niya.

Hindi ba nila inisip na baguhin ang pangalan niya dahil may kapangalan na siya sa showbiz, si Heart Evangelista?

"Actually, inisip din namin 'yan noong una. Pero nag-decide din kami na i-retain na lang yung name ko talaga kasi kilala na ako as Heart talaga, e."

NEW SINGLE. Samantala, back into the music scene ang Mocha Girls ngayong naka-out na ang kanilang CD single tampok ang kantang "Take A Sip," kung saan naging ka-partner nila sa paggawa ng naiibang CD pack na ito ang world-renowned shoe brand na GBX.

Dahil hindi nga tumitigil ang Mocha Girls sa pag-e-explore ng mga bago at "wild" ideas para sa ikasisiya ng kanilang mga fans, kaya nabuo ang hot CD pack na ito na kinapapalooban din ng very sexy at very revealing photo journal ng grupo. Nagkaroon pa nga ng exclusive GBX party at grand launch ang naturang CD pack sa Mugen bar sa Metrowalk Ortigas last October 27, kung saan naging special guest ng Mocha Girls ang aktor na si Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN