Kris Aquino says Noynoy's MTV is celebrities' labor of love

"I think yun ang maganda rito kasi everybody who joined us, joined out of a personal conviction talaga," says Kris Aquino about the celebrities who appeared on her brother Noynoy's MTV.


Muling nakaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang TV host-actress na si Kris Aquino sa presscon para sa kanyang bagong endorsement, ang 555 Tuna. Ginanap ang presscon kahapon, November 3, sa 9501 restaurant ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

Nabanggit ni Kris na hanggang ngayon ay nagpaparamdam pa rin ang kanyang ina, ang yumaong former President Cory Aquino.

Kuwento niya, "Yeah, the last was Sunday [Nov. 1, All Saint's Day] sa house [sa Valle Verde]. Kasi nag-Manila Memorial kami, di ba? Saturday [Oct. 31] kami nagpunta. Si Baby James, katok nang katok dun sa tomb niya. Sabi niya, 'Lola, wake up! Wake up!' Ginaganun niya. So, katok siya nang katok.

"That night when we got home, sila ni James [Yap, asawa ni Kris] yung nandun... meron kaming maliit na home theater room. Sila yung nanonood doon ng Michael Jackson. Tapos nung 11 p.m., sinabi ni James na, 'Tama na. Sleep ka na. Akyat na. Off na natin to.' 11 p.m. yun. Si James ang nagpatay nung buong home theater. Kasi, marami kang pipindutin to turn that off, di ba?

"Meron siyang [James] workout the next day noong Sunday. So, habang nagbe-breakfast siya, bigla daw... Kasi alam niyang pinatay niya yun, in-off niya yung TV, in-off niya yung music, lahat... On full volume, as in yung buong house, narinig si 'Beat It' [kanta ni Michael Jackson]. Tapos sabi ni James, talaga raw tumindig lahat ng balahibo niya! Kasi para ngang ang Mom, nagparamdam dahil nga ginigising ni Baby James. Nagpa-feel siya."

Favorite ba ng Mom niya si Michael Jackson?

"Hindi, hindi nga, e," sagot ni Kris. "Si Baby James ang may gusto sa kanya. At that time na biglang nag-on lahat, Baby James was tulog pa. It's only James who woke up dahil kailangang mag-workout. Our dining kasi is karugtong lang nung theater. So, lahat daw sila natakot, kasi nga biglang loud na loud na naka-on!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW KRIS-PINKY QUARREL ENDED. Sa tingin niya ba, may gusto pang ipahiwatig ang Mom niya kaya patuloy pa rin itong nagpaparamdam?

"Yung ano... Siyempre, nag-freak out si Pinky [sister ni Kris]. Sabi niya, 'Hoy, bakit mo naman ikinuwento sa The Buzz na nag-away tayo?' Sabi ko, 'Wala lang.' And then that day, kasi nga nag-away kami. Kami lang naman ni Pinky ang nagkaanuhan.

"So, habang naliligo ako dun sa banyo ko... and it's dimmer, ha. It's not the type na on-off, on-off, yung dimmer na gaganunin mo. Grabe, three times! The lights, on-off... on-off, tapos three seconds, on-off, tapos another one ulit. Three times yun na ganun. Kasi sinabi ko kay Pinky, 'My God, bahala na ang Mom sa iyo!'"

E, bakit sa kanya nagparamdam?

"Siguro sinabi sa akin to be humble," sagot ni Kris.

Pero ano ba talaga ang dahilan ng away nila ni Pinky?

"Kasi... anyway tapos na... Yung sisters ko kasi, hindi naiintindihan na when you're premiering an MTV [Noynoy's political ad campaign], you build up, di ba, on that? You hype it. So, kailangan na pag sinabi mong within TV Patrol siya mag-e-air, dun siya mag-e-air. E, yung sister ko [Pinky], pinahiram yung material sa kabila [GMA-7]. And because they're gonna do a story about political ad. She [Pinky] doesn't mean any harm. But sabi ko, 'Why will you allow them to preempt the material that will air at 7:45 or 8 o'clock tonight at baka ilagay nila yung story early on?' So, nasira yung suspense.

"Kaya iyak ako nang iyak dahil nga pinaghirapan nga namin talaga ni Boy [Abunda] and all. Habang nagso-sorry siya [Pinky], iyak ako nang iyak kasi sobrang emotional ako. Sabi niya, 'The last that Mom would want is that nag-aaway-away tayo because of this.' So, siya yung nakiusap doon sa [GMA] News na, 'Can you hold that story? Now I understand what Kris was trying to say.' Kasi, the first airing should be there [TV Patrol World]," paliwanag ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw sa nagdadamot si Kris, pero nauna na kasi siyang naka-commit sa ABS-CBN. Kaya gumawa ng paraan si Kris para makausap si Jessica Soho, na executive ng GMA-7 News department.

"In all fairness naman, nakausap ko naman si Jessica," sabi ni Kris. "Tapos in-explain ko sa kanya yung situation. Tapos sinabi ko rin na, 'You know, we were honestly trying to buy.' And yung three minutes [spot], hindi maibenta. Kaya nila one minute. Sabi ko, 'Jessica, it's not like pinaboran ko lang ang ABS at sa ABS ko lang gusto. I wanted both [networks] because nga there's Ogie [Alcasid] and Regine [Velasquez], then Dingdong [Dantes] and Marian [Rivera] there.'

"Sabi ko nga, kung puwede. Pero wala talaga silang maibigay na spot. It's only by Thursday or Friday na magkakaroon na sa kabila, except for the exposure in Eat Bulaga!, na we're so blessed to have. But Eat Bulaga! kasi it's TAPE, not GMA. So, yun lang yung pinag-a-argue-han namin ng sister ko na iyak ako nang iyak sa phone. But they already gave the material back. Tapos sabi niya [Pinky], 'Brainwash ka masyado ng ABS.' Sabi ko, hindi. Until finally na-get na niya. Naintindihan na niya, so tapos na."

NOYNOY'S MTV. Dahil napag-uusapan na rin naman ang MTV ni Noynoy na "Di Ka Nag-iisa", tinanong na rin kay Kris kung labor of love ba ang appearance ng big stars sa MTV; na kinabibilangan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Boy Abunda, Ai-Ai delas Alas, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Bea Alonzo, Anne Curtis, Erik Santos, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, at ang asawa ni Kris na si James Yap kasama ang team nito sa PBA.

"Yeah, grabe!" bulalas ni Kris. "Ay naku, talagang inaano ko. Sabi ko kay Noy... cost of production na lang, e. Three nights kami nag-shoot. Niregalo yun ni Direk Onat, who does The Buzz. And then, iniregalo ni Shane Sarte yung pag-aano niya... Tapos si Eddie Boy Tuviera did the steady cam. If you're gonna rent that steady cam on a daily basis, 50,000 pesos for a day. E, three nights yun, e, di 150,000 pesos na yun, di ba? Tapos yung direktor, normally ang direktor sa ganyang commercial, half a million yun. Di ba, kung iisipin mo, you're really so touched sa lahat ng ibinigay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Imagine n'yo na lang, commission Ogie to write a song and i-picture n'yo si Regine... how much she gets paid for her DOT [Department of Tourism] campaign, kung magkano yun? Tapos mapagsama mo... Di ba, kasi pag pinagsama mo ang premium stars from ABS and GMA... Sabihin mo na lang a commercial na pinagsama mo si Anne at si Bea with Marian, siyempre both camps will charge double kasi nagsama-sama sila. Not for anything, but I guess everybody knows na ang highest paid sa commercial, kami ni Sharon. So, just think kung magkano yun. And that was all given talaga."

Ayon kay Kris, silang dalawa ni Boy ang nagsilbi ring talent coordinator na nag-schedule ng shoot ng mga artista.

AI AI'S PERSONAL CONVICTION. Alam naman ng lahat na may Star Cinema movie si Ai-Ai with former President Joseph "Erap" Estrada, ang Ang Tanging Pamilya. Dahil nga rito, ine-expect tuloy ng mga tao na si Erap ang susuportahan ng Comedy Queen, lalo na't kakandidato rin for president si Erap at makakalaban ni Noynoy sa 2010 elections. Pero sa halip ay pumayag pa si Ai-Ai to appear sa MTV ni Noynoy.

Napag-usapan ba nila ni Ai-Ai 'yon?

"Kasi I asked her, si Boy kinomit siya and she committed herself. And then I said, 'Friendship, lalabas ito hindi pa nagso-showing ang movie mo. Sigurado kang okay?' And then she told me, 'Friendship naman, hindi pa kita kilala, hindi ko pa kilala si Ama [Boy Abunda], Coryista na ako. Nasiraan na ako ng sapatos para sa nanay mo.' Sabi niya, 'Naglakad ako nang nakaapak para lang mag-rally. Ngayong may opportunity ako na makatulong at para sa nanay mo ito. Siyempre, magkakamag-anak na tayo dahil sinabi ng mga kapatid mo na adopted Cojuangco-Aquino daw ako.'

"So, yun. Sinabi ko nga sa kanya, 'Gusto mo doon ka sa second batch? Kasi si Toni Gonzaga also told me... She said yes to us, but sabi niya, 'Ate Kris, yung movie namin. Sinabi lang ni Papa na nakakahiya, kasi siya [Erap] yung daddy ko sa movie.' Sabi ko, 'Oo naman, naiintindihan ko. Dun na sa next batch.' And then I told Ai-Ai that, 'Friendship, si Toni nag-request na second batch.' Sabi niya, 'Ay, hindi, go na tayo, Friendship, 'no! Go!' It was really her personal conviction. I think yun ang maganda rito kasi everybody who joined us, joined out of a personal conviction talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, Ogie wrote that song hindi pa nagde-declare si Noy. He wrote that song and he texted me to say, 'I prayed and dreamt about it. So, when I woke up, it took me two hours. Nasulat ko kaagad.' Tapos sinabi niya sa akin, 'Regalo ko sa inyo. Whatever Noy will decide, basta it's yours. And then, maloloka ka, kasi, di ba, normally rough mix lang 'yan? Yung ibinigay niyang rough mix, si Regine na yung nagbe-belt [out] na ganun! So, ang bongga talaga na mararamdaman mo yung level of commitment nila!" masayang lahad ni Kris.

ISSUE ABOUT ERAP. Isa kaya ito sa dahilan kung bakit hindi pumunta si Erap sa The Buzz noong naka-schedule itong maging guest para sa birthday ni Boy last October 25?

"Hindi ko alam talaga," sabi ni Kris. "Yun nga yung iniisyu n'yong hindi siya dumating sa The Buzz. That day, nagpadala na naman ng fruits sa amin. So, feeling ko, it's not me and it's not Boy."

So, it's the network?

"No, I don't think it's the network also. Ewan ko," sabi ni Kris.

Ipinagtataka rin kasi ng mga press na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapatawag ng presscon ang Star Cinema for Ai-Ai and Erap's movie na Ang Tanging Pamilya, kung saan kasama rin sina Toni Gonzaga, Sam Milby, at may special participation pa ang nanay ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia. Lalo na at malapit na ang showing nito sa November 11. Naging espekulasyon tuloy na baka ayaw tumuntong ni Erap sa ABS-CBN dahil sinasabing Noynoy zone daw ito.

Paliwanag naman ni Kris, hindi raw siya ang tamang tao para sumagot diyan. Naniniwala siya na okay pa rin sila ni Erap, kung hindi raw ay bakit pa siya madalas magpadala ng prutas sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN