Former President and action star Erap Estrada returns to the big screen

"Wala na, ibinigay na sa akin lahat, e. Ginawa na akong superstar. Ginawa na tayong mayor, senator, vice president, then president. E, sobra-sobra na ang ibinigay sa akin ng Panginoon. Pati nga yung hindi ko hiningi, ibinigay pa rin sa akin, e. Ginawa akong preso, o!" says former President Joseph Estrada.


After 20 years ay muling mapapanood sa pelikula ang dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph "Erap" Estrada via Ang Tanging Pamilya mula sa Star Cinema.

Ano ang feeling ni Erap na muli siyang gumawa ng pelikula?

"Ito ang naging propesyon ko for 20 years, and after 20 years, I'm back. I can't express yung aking feeling na hindi ko alam na may comeback akong ganito. Masaya ako dahil yung mga nakasama ko sa pelikula ay mababait, tulad ni Ai-Ai [delas Alas], Sam Milby, si Tony Gonzaga, at si Nanay Dionisia [Pacquiao]," sabi ni Erap sa presscon ng Ang Tanging Pamilya na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN kaninang tanghali, November 6.

Si Erap ang leading man ni Ai-Ai delas Alas sa pelikula. Ano ang masasabi niya sa kanyang kapareha?

"Natutuwa naman ako dahil ang leading lady ko, e, Box-office Queen, Comedy Queen ng Pilipinas. Ako'y nagpapasalamat. Sobrang bait niya. She's a natural actress, a natural comedienne," papuri ni Erap kay Ai-Ai.

Nahirapan bang umarte si Erap sa comeback movie niya?

"Siguro nung first shooting day namin, medyo kinalawang lang nang konti," pag-amin niya. "Siyempre after more than 20 years ako bumalik, e, kaya kinalawang nga nang konti. Pero after nung one day naman, nabalik yung dati."

Ngayong muling gumawa ng pelikula si Erap, posible ba na masundan ito?

"Magiging busy na siguro ako dahil sa iikot tayo ng buong bansa, bawat lalawigan para magpasalamat sa ating mga kababayan na kahit na nakulong ako, hindi nila ako iniwanan," saad ni Erap, na tatakbong muli bilang presidente ng Pilipinas sa 2010 elections.

DONATION TO BANTAY BATA. Part daw ng talent fee ni Erap sa Ang Tanging Pamilya pelikula ay donasyon niya sa Bantay Bata Foundation.

"Matagal na naman akong sumusuporta sa Bantay Bata," banggit ni Erap. "Nagbigay ako ng tulong sa halagang one million [pesos]. Yung iba naman, itutulong natin sa mga nabaha, sa mga biktima ng kalamidad. Talagang ang dapat ngayon ay magtulong-tulong tayo doon sa ating mga kababayan na marami na ang naghihirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanina nga nabasa ko sa survey ng SWS, mayroon nang sampung milyong Pilipino ang nagugutom. Kaya panahon na para tayong mga nakakaangat sa buhay ay kailangang mag-contribute naman. Sabi nga ng Panginoon, 'What you give to the least of my brethren, you have done it unto me.' O, English 'yan, huh!" tawa ni Erap.

Bakit sa dinami-rami ng foundation, ang Bantay Bata Foundation ang napili niyang tulungan?

"Hindi naman ang Bantay Bata lang," paglilinaw niya. "Yung ano sa Paco, yung aming Damas de Manila Orphanage, tumutulong din ako doon. Every Christmas pinupuntahan ko yun at nagdo-donate din ako. Marami naman tayong tinutulungan. Kaya lang, siyempre, yung Bantay Bata ang naa-advertise nang husto. Pero yung ibang natutulungan natin, wala naman, e. Walang mga advertisement na kamukha nito.

"Mas gusto ko nga yun kasi pag tumulong ka, hindi mo na kailangang i-advertise, di ba? Parang hindi ka nakatulong noon. Parang ang pinapalabas mo, parang pulitika, di ba? Kaya hindi ko na kailangang ma-advertise, hindi ko na kailangang ipaalam sa mga tao na tumutulong tayo. Tahimik lang ako," sabi niya.

"IBINIGAY NA SA AKING LAHAT..." Meron bang tanging kinakatakutan si Erap?

"Siyempre, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang Panginoong Diyos," sagot niya.

Ano naman ang tanging pangarap ni Erap?

"Siyempre, senior citizen na tayo. Hindi ko naipagpatuloy ang dapat kong gawin na bayaran ng utang na loob yung mga taong maliliit, yung mga mahihirap na siyang tumangkilik sa pelikulang Pilipino. Kaya kami sumikat na mga artista dahil yung mga mahihirap ang siyang pumipila sa takilya para tangkilikin ang pelikulang Pilipino.

"Yung mga mayayaman, ang sinasabi nila, yung ang mga artista ay puro bakya. Totoo naman, kaya yung mga mahihirap ang gumawa sa amin nina FPJ [Fernando Poe Jr.]... Lahat 'yan, sina Vilma [Santos], sina Sharon [Cuneta]... lahat ng sumikat na artista dahil sa mga mahihirap 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang tanging regalo na gustong matanggap ni Erap ngayong darating na Pasko?

"Wala na, ibinigay na sa akin lahat, e. Ginawa na akong superstar. Ginawa na tayong mayor, senator, vice president, then president. E, sobra-sobra na ang ibinigay sa akin ng Panginoon. Pati nga yung hindi ko hiningi, ibinigay pa rin sa akin, e. Ginawa akong preso, o!" natatawang sabi ni Erap tungkol sa kanyang house arrest kaugnay ng kanyang impeachment case.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN