Mommy Dionisia: "Hindi naman maiiwasan kahit na may edad na tayo, lalong tumitibok ang puso mo."

"Ingatan mo na hindi na mabalik sa dati [ang buhay]. Alagaan ninyo ang career mo na hindi magbalik sa dati," says the Pacmom who feels unchanged by her son's fame and fortune. "Ang feeling ko ngayon, hindi mayaman ang isip ko, parang noon pa, parang mahirap lang."


"Malakas pa rin kahit may edad na!"

Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Dionisia Pacquiao sa press launch ng Osteo-Gard na naganap kagabi, Nobyembre 6, sa Aberdeen Court, Quezon Avenue, Quezon City. Ang supplement for bone health ang ika-apat na endorsement na ng popular na ina ni boxing champ Manny Pacquiao.

Para kay Pacmom Dionisia, hindi dapat maging dahilan ang pagiging maykaya ng mga anak upang tumigil sa pagtratrabaho ang mga magulang.

"Nilalagay ko sa isip ko palagi kung paano magkaroon ng commercial," natatawang sambit ni Mommy Dionisia.

Bukod sa mga patalastas sa telebisyon, sumabak na rin ang 60-year-old sa pag-arte sa pelikulang Ang Tanging Pamilya, na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

"'Yan ang nanay na magaling, bright, hindi [umaasa] sa mga anak. Kasi [naiintindihan] naman ako ng mga anak ko. Kapag wala na akong lakas, sila na ang mag-alaga sa akin. Bakit hindi natin ipakita sa mga anak natin na magaling pa ako, katawan ko, magaling pa."

Suportado naman daw siya ng kanyang mga anak, lalung-lalo na si Manny. Kuwento ni Mommy Dionisia, "Tuwang-tuwa si Manny. Sabi niya, 'Ay si Mama, mayroon nang pamumuhay.' 'Yon ang tandaan ninyo, mahal ko kayong lahat, hindi ako umaasa palagi sa inyo. Siyempre, lahat [ng anak ko] may mga anak na sila. Hindi ako katulad ng ibang mga magulang na aawayin nila ang mga anak kung hindi naman sila bigyan ng mga anak nila."

Nang tanungin kung ano naman ang balak niyang gawin sa kanyang mga kinikita, sinabi ni Mommy Dionisia, "Siyempre, itago. Kahit hindi madadala [sa langit], may mga anak naman na magmana. Ilagay sa pangalan nilang lahat."

SUITORS A-PLENTY. Hindi kinaila ng ina ng Pambansang Kamao na kahit may edad na siya ay nai-in love pa rin siya.

Aniya, "Hindi naman maiiwasan kahit na may edad na tayo, lalong tumitibok ang puso mo. Pero kailangan ilagay mo sa kabutihan. Kailangang tumitibok sa pagmamahal ng pamilya mo, mga anak mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din niya na mayroon pa rin siyang mga manliligaw ngunit hindi na niya ito masyadong pinapansin.

"Hindi ko man itago, maraming [manliligaw]. Hindi nga mayaman pa ako, hindi ganito ang buhay namin noon pa. Kahit mahirap, madami. Pero iwas talaga!" natatawang pahayag ni Mommy Dionisia.

Patuloy pa niya, "Sabi ko, ano ba ang hinahabol ninyo sa akin? Mahirap ako, nagre-rent lang ako ng bahay. [Sabi nila], 'Kasi mabait ka, kasi mapagmahal ka sa kapwa tao mo.' 'Yon ang hinahabol nila. [Sabi nila], 'Hindi pera ang hinahabol ko. Ang future mo, mabait ka, magaling ka mag-intindi ng mga mahihirap.'"

Pero ayon kay Mommy Dionisia, "Hindi ko nilagay sa dibdib at saka sa isip. Nadaanan ko na ang mga kabiguan. Bakit maghahawak ka pa ng bato na ipukpok sa ulo mo?"

Sa Nobyembre 14, muling sasabak si Manny upang labanan ang Puerto Rican na si Miguel Cotto. Sa okasyong ito, maaaring magkita uli si Mommy Dionisia at ang dati niyang asawa. Kung sakali ba ay may pag-asa pang magkabalikan sila ng ama ni Manny?

"Ika-apat na siyang nagbalik sa akin, ayaw ko na. 'I'm sorry,' sabi ko. Para na lang kaming magkapatid sa tingin ko," diretsahang sagot ni Mommy Dionisia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN