Kapuso and Kapamilya stars unite in Ogie Alcasid's fundraising concert Pilipino... Kaya Natin 'To

Ogie Alcasid believes artists can help in their own small way. He recalls how girlfriend Regine Velasquez (inset) sprung into action the day after Ondoy struck: "Noong pagkatapos ng bagyo, aligaga si Regine na mamili ng groceries. Gumising siya nang maaga para mag-ipon ng ipamamahaging pagkain sa mga biktima ng bagyo. Nagpunta siya straight sa Balara. Nagsa-suffer noon ang mga tao, pero marami ang natutuwa nang makita kami na lumalapit sa kanila."


May gustong ibalik si Ogie Alcasid sa publikong tumatangkilik sa kanya bilang pasasalamat. Kahit na kasagsagan ng bagyong Ondoy nang ipalabas ang Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie, tumabo pa rin sa takilya ang pelikula ng GMA Films.

Makikilala ang pagiging certified box office hit nito sa tindi ng chemistry nina Ogie at Michael V, na ilang taon nang pinatutunayan ng longest running gag show on TV, ang Bubble Gang.

"Sa totoo lang, noong mga nakaraang kalamidad, hindi ko na naisip yung movie," ani Ogie. "Worried ako noon sa kaligtasan ng mga kababayan natin. Hindi ko na nga inalam yung nangyari sa pelikula. Naalarma ako sa laki ng destruction ng mga nagdaang kalamidad, yung bagyong Ondoy na sinundan ng Pepeng."

KAPAMILYA AND KAPUSO UNITE FOR A CAUSE. Ito ang dahilan kung bakit naisipan ni Ogie na pangunahan ang isang fundraising project ng mga artista, kunsaan magsasama-sama ang mga Kapuso at Kapamilya stars at iba pang local artists sa isang concert. Ito ay ang Pilipino... Kaya Natin 'To.

"Sa Mall of Asia na gagawin ang concert, at talagang sinuportahan ako ng maraming artists. Kasi, for a very good cause naman ito, na para sa mga nangangailangan talaga ang benepisyo.

"It's also our way of thanking people, na anuman ang mangyari, nakasuporta sila sa amin. It's about time na we do our share," sabi pa niya.

Ang mga naka-commit na sa proyektong ito ay sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Sharon Cuneta, Charice Pempengco, Yeng Constantino, Michael V, Sarah Geronimo, at marami pang iba.

"Nalaman ko na lang na malakas ang pelikula namin pagkatapos ng bagyo, at na-realize ko rin, blessed pa rin kami ni Lord. Kaya dapat lang na ang magandang kapalaran namin, i-share namin doon sa mga hindi masyadong pinalad, mga nabiktima ng baha at nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa mga kalamidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga ganitong pagkakataon, paulit-ulit na ring may mga artistang magpapamalas ng kabayanihan. Hanggang ngayon, alam kong gagawin nila yun dahil sila'y mga tunay na Pilipino," patuloy ni Ogie.

Si Rowell Santiago ang magdidirek ng nasabing palabas. Dahil sa mga nakaraang trahedyang dinanas ng bansa, nagtugma ang intensyon nina Ogie at Regine na makatulong sa maraming kababayan, gaya rin ng iba pang kapuwa nila artista.

STARS' RELIEF EFFORTS. "Noong pagkatapos ng bagyo, aligaga si Regine na mamili ng groceries," aniya pa. "Yun ang una niyang naisip. Gumising siya nang maaga para mag-ipon ng ipamamahaging pagkain sa mga biktima ng bagyo.

"That was the time na nagpunta siya straight sa Balara, kasi, nadaraanan niya yun araw-araw mula sa bahay niya sa Ayala Heights, Quezon City. Yun ang una niyang naisipang bigyan ng tulong.

"From those experiences we had, naghikayat kami ng mga kaibigang makikiisa sa amin para makatulong sa maraming nangangailangan.

"Nagsa-suffer noon ang mga tao, pero ang maganda roon, marami sa atin, natutuwa nang makita kami na lumalapit sa kanila. Yun man lang, makapagbigay pa rin ng pag-asa sa kanila," aniya pa.

Kaugnay ng undertaking na ito, isang CD album ang nai-record ng participating artists like Gary Valenciano, Lea Salonga, Christian Bautista, at marami pang iba, kung hindi man makakaapir ang mga ito sa concert. Ang malaking porsyento ng proceeds ay mapupunta sa Gawad Kalinga at iba pang charitable institutions na siyang magdi-distribute ng donations sa mga direct beneficiaries.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN