Mikaela Bilbao to Pops and Gretchen: "Gusto ko sana magharap-harapan tayo sa TV."

"I have hard facts and evidences with me. I can go and have myself cross-examined, grilled, my laptop, whatever. It can be brought to the NBI, kahit na i-torture n'yo ako, ang katotohanan po ang ilalabas ko," laughed the businesswoman on Startalk.


Up to now, hindi pa rin natutuldukan ang isyung namamagitan kina Mikaela Bilbao, Gretchen Barretto, at Pops Fernandez. Mag-iisang buwan na noong pumutok ang balitang nakatanggap ng text messages ang dating artistang si Ana Abiera na sinasabing nakikikomisyon daw sina Gretchen at Pops sa mga road projects ni Rodolfo "Dodie" Puno, dating executive director ng Road Board na nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways.

Ang pinagsusupetsahang nagpadala ng text messages ay ang beauty entrepreneur na si Mikaela Bilbao, may-ari ng isang clinic kunsaan endorser si Pops Fernandez.

Kahapon sa Startalk ay lumabas ang businesswoman via taped interview with Ricky Lo at Lolit Solis, ang dalawang hosts ng programa. Dito iginiit niya uli na wala siyang kinalaman sa mapanirang text messages at wala siyang interes sa gobyerno.

"Lumayo nga ako sa pamilya ko kasi ayoko ng government."

SHE SAID, SHE SAID. Pero bakit siya na-involve sa mga projects na yun?

"Ako nga ang nilapitan ni Pops. Parang nilapitan ako ni Pops to find somebody. Ang nangyari naman is that, nakakita sila on their own na kliyente ko. Alam mo naman sa mga clinic, bahala na sila kung ano mapag-usapan."

Ayon sa mga naunang balita, may kilala raw si Mikaela na contractor na gusto niyang ilapit sa tanggapan ni Dodie. Ayon naman kay Mikaela, si Pops daw ang nagpapahanap sa kanya ng contractor.

Despite making the referral, wala raw nakuhang komisyon si Mikaela, na naging dahilan upang magalit siya kina Pops at Gretchen. Mahigpit itong itinanggi ni Mikaela.

"Ako, hindi ako nagpapa-interview for something. Nananahimik po ang buhay ko. I am only talking kasi I was pinpointed, so I have to clear my name. I have to defend myself."

Anong next move mo, tanong ni Ricky.

"I'm actually waiting for this sit-down interview. Long interview na sinasabi niya kay [PEP editor-in-chief] Ms. Jo-Ann Maglipon, 'no. She said in PEP, I will discuss this with you. But this has to be a sit-down interview. That has been last October 8, 2009, almost a month ago. Noong una nila akong idinawit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ibang interview, tila hinamon niya sina Gretchen and Pops na magsampa ng kaso.

"Yeah! That's the only place and that's the only forum where the truth will come out. Regardless where the lawyers are, the truth will always come out. Regardless of how good the lawyers are, the truth will always come out."

Dugtong pa niya, "Mas gusto ko sana magharap-harapan tayo sa TV, magkausap para harap-harapan, malaman na ng buong mundo kung ano talaga ang nangyari."

BIRTHDAY WISH. Tanong naman ni Lolit, paano raw niya made-describe sina Gretchen and Pops bilang mga kaibigan?

"Si Pops, I go out my way to go to her house. Naging close talaga kami. Lahat ng problema niya sinasabi niya sa akin. Everything. I tried to keep her company and everything. Yun pala, there's another side of her.

"Hindi naman ako interesado sa buhay [niya] or Gretchen's life because I also have my own life. And as a human being, I, too, I'm not perfect. I have my imperfections. And I do have my own kalokohan. Lahat tayo may ganun, di ba? So, who am I to be instrument para ilabas ko ang gusto kong ilabas?"

Sabi ni Ricky, posible na ang tanong na nasa isip ng mga viewers ay kung bakit mas dapat siyang paniwalaan kaysa kay Gretchen or Pops.

"I have hard facts and evidences with me. Pinakita ko kay Tito Ricky. I can go and have myself... cross-examined, grilled, my laptop, whatever. It can be brought to the NBI [National Bureau of Investigation], kahit na i-torture n'yo ako, ang katotohanan po ang ilalabas ko," natatawa niyang sabi.

Saan niya gustong matapos ang isyung ito?

"Aba , ewan ko... hindi ko alam. I'll just wish everybody the best of life. C'mon, let's give life, let's love life, di ba?"

Ilang beses nang lumabas sa TV si Mikaela upang pag-usapan ang isyu, at itong darating na birthday niya sa November 14 , wish niya daw na ito na ang huling interview niya tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinagot ito ni Ricky. Sa palagay daw niya, "hindi pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN