Gina Alajar says her son Geoff Eigenmann's acting is improving "little by little"

"Ryan is my character actor. But AJ is the most sensitive among the three, Rio del Mar pa lang. And Geoffrey is my heartthrob," Gina Alajar describes her three sons.


Makakasama ng award-winning actress na si Gina Alajar ang anak niyang si Geoff Eigenmann sa bagong episode ng SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, kung saan kasama rin nila ang mag-amang Rey "PJ" Abellana at Carla Abellana.

Ayon kay Gina, hindi ito ang first time na magkakasama sila ni Geoff sa isang project.

"I've worked with Geoffrey, bata pa siya. When I directed a youth-oriented program here in GMA, it's called Next. Pagkatapos nun, noong bata kasi siya, in and out 'yan. Kapag bumababa ang grades sa eskuwela, hinto. Kapag maganda ang grades, pasok ng artista. Tapos, the next time ko na siyang nadirek was for Kirara. I have acted with him in Maalaala [Mo Kaya]. We played mother and son also. Yun ang last," lahad ni Gina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

So far, nakita ba niya ang improvements ni Geoff sa pag-arte since siya ang masasabing number one critic ng anak?

"Well, he is improving little by little," sabi ni Gina. "Lalo na dun sa pagsasalita niya. Nag-improve na siya sa kanyang emotional responsibilities when it comes to acting. Ang napansin ko sa kanya, like yesterday was our first taping day, of course, inaalalayan ko siya nang konti and Direk Mac Alejandre is there to guide him also. But there are things also na gusto kong i-correct sa kanya na sinasabi ko na, 'Anak, ganito ang gawin mo, ganyan.' Kaya dalawa ang director niya.

"Actually, ibinubulong ko lang sa kanya at nakukuha naman niya agad. I remember in Kirara when I directed him, he was very young then, ipinapakita ko pa sa kanya kung ano ang gagawin. As in, I would demonstrate to him kung ano ang gagawin. Ngayon, nabi-visualize na niya kung ano ang gagawin."

GINA'S THREE BOYS. Nilinaw naman ni Gina na hindi lang daw siya kay Geoff number one critic kundi pati na sa dalawa pa niyang anak na sina Ryan at AJ Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kumpleto ang ano nila, e, yung trabaho nila kung wala akong nasabi kahit na minsan sa trabaho nila," banggit ng actress-director.

May kanya-kanya raw siyang tag sa tatlong anak na lalake noon pa man na nakita niya ang characteristics ng mga ito.

"Ryan is my character actor. But AJ is the most sensitive among the three, Rio del Mar pa lang. And Geoffrey is my heartthrob," paglalarawan ni Gina.

Yun nga lang, si AJ ay na nasa Las Vegas ngayon at nag-aaral doon. Wala na raw itong interes sa pag-aartista.

"So far now, when I asked him about it, wala na... ayaw na niya [mag-artista]. Like he's coming home next year for vacation, I asked him kung, 'Pag-uwi mo ba, gusto mong mag-artista ulit, guesting-guesting? Sabi niya, 'No, I don't like."

Masaya raw siya sa mga nangyayari sa buhay ng tatlong anak.

"Ryan is working at pumapasok siya sa isang phase ng buhay niya, he's getting married next year. He's getting married in February, so panibagong chapter na naman 'yan ng buhay niya. Geoffrey is doing very well in his career.

"AJ is studying Veterinary Medicine. And he has plans for himself, e. Meron pa siyang gustong aralin. Nag-e-explore siya ng options pa. Hindi na ako magugulat if one day, he will tell me that he wants to be a marine biologist, yung ganyan... Basta yung isipan niya ngayon is studying and reaching himself sa ibang field. Definitely, not showbiz."

GINA'S EX-HUSBAND. Matagal nang hiwalay si Gina sa ama ng kanyang mga anak na si Michael de Mesa, na ngayon ay naka-base na sa U.S. Pero magkahiwalay pa rin ito at anak na si AJ dahil nasa Los Angeles si Michael.

May communication pa ba sila ni Michael?

"So far, wala... sa mga kids, sila na ang nag-uusap-usap," sagot ni Gina. "I mean, kung meron siyang business para kausapin niya ako, he can call me anytime. But so far, wala naman kaming business sa isa't isa ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ba itong kapalit sa puso niya?

"Marami na siyang naging kapalit!" natatawa niyang sabi.

Happy ba ang lovelife niya?

"Maaaring walang lovelife, pero happy pa rin!" tawa niya ulit.

FUTURE DAUGHTER-IN-LAW? Sa Rosalinda ay katambal ni Geoff ang baguhang aktres na si Carla Abellana. Tinanong namin si Gina kung kumusta silang dalawa ni Carla,

"We are close. Hindi naman yung nagsasabihan ng mga problems, but she is a very, very nice girl. Madaling kagaanan ng loob," sagot ni Gina.

Ipinakilala na ba ni Geoff sa kanya si Carla bilang girlfriend nito?

"A, wala pa...wala pa. Of course, ipinakilala na siya bilang kaibigan. Pero ipakilala para girlfriend, wala pa, wala pa."

Magugulat pa ba siya kung sakaling ipakilala na sa kanya ni Geoff si Carla as his girlfriend?

"Hindi naman... hindi naman," nakangiti niyang sabi.

Na-excite daw siya nang malaman na makakasama niya si Geoff at ang mag-amang PJ at Carla sa "Carinderia Queen."

"Akala ko nga hindi ako matutuloy rito kasi magsasapaw sa isang project also, the GMA Christmas special. So, medyo ang sama-sama ng loob ko nun kasi gusto ko talaga silang makatrabaho. Buti naman, nagawan ng paraan na matuloy ako rito, at the same time, magawa ko yung Christmas special. So, excited ako. Very light ito, hindi drama."

CELEBRITY DUETS. Last Saturday, November 7, ay nagpaalam na si Gina sa Celebrity Duets after na-eliminate siya, kasama ang photographer na si Nicollo Cosme. Ang maglalaban-laban sa finals ay sina Jomari Yllana, Joel Cruz, at Akihiro Sato.

In a way, ine-expect na rin daw ni Gina na siya ang matatanggal.

"Ilang Saturdays na rin na ine-expect yun, pero hindi ako matanggal-tanggal. Palagi akong nasa bottom three, twice yata akong nasa bottom three and I was expecting nga that time na matatanggal na 'ko. Pero hindi pa rin. So, siguro, mas mataas ang boto ko sa natanggal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maluwag ba sa loob niya ang kanyang pagkakatanggal?

"Oo naman! It's just a game, you know," sagot niya.

Kung sa kanya ay "game" lang ang Celebrity Duets, may ilang contenders naman ang talagang sineseryo upang manalo.

"Oo... Well, hindi ko naman sila mabi-blame, hindi ba? Kasi siguro, talagang para sa iba, gusto talaga nilang manalo kaya kina-career nila nang husto, di ba? But noong tinawagan ako for that, for Celebrity Duets, sumagot ako agad d'yan, e. Kasi, ang sa akin lang, saya-saya lang ito, enjoy lang tayo. I have always been open."

Pero noong nandoon na siya at nagko-compete, nagkaroon na rin ba siya ng thinking na seryosohin ito?

"Actually, sumagot na nga ako ng oo, di ba? Kaso, when the production was started calling me out na, 'Yung mga supporters n'yo, dapat pumunta ng 12 noon.' 'Ha? Bakit may ganoon?' 'Siyempre, para may sisigaw.' 'Ha? Wala akong ganoon.' Para sa akin, it's an extra effort. But then, there were friends naman who helped during the first two episiodes, kasi isang araw naming tineyping yun.

"But then, the shock of my life came when, you know, before noong taping ng first episode na yun, merong mga tumulong, like sina Perry Lansigan [manager of her son Geoff]. 'O, Tita, mag-email ka ng picture mo.' 'For what?' 'For the tarpaulin.' Parang, merong mga ganoon... Lahat yun, wala sa akin yun.

"Buti na lang, tumulong sina Perry, Camille Montano... Nagpagawa siya ng banner and the same tarpaulin and the same banner na nakalagay simula ng show hanggang sa maalis ako, yun lang yun. Wala akong idinagdag. Nagdagdag lang si Perry ng t-shirt, nagpagawa siya ng t-shirt. Aside from that, wala akong idinagdag."

Dugtong niya, "The shock of my life came noong unang taping, maraming mga fans, pang-giveaways, meron pa silang maliliit na calendar. Parang, 'Ganun pala 'to? Kinakarir talaga.' Pero para sa akin, 'What for? This is just a game. It's a show.' Ganito pala kaseryoso 'to. Pero para sa akin, 'Sige, let them be. Kung ano ang gusto nila.' So, para sa akin, okey lang, wala naman. I just did what I have to do, memorize my songs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may kinarir man daw siya, ito ay ang kanyang presentation.

"Karir yun talaga!" bulalas ni Gina. "I have Fanny Serrano who I collaborated with. Sasabihin ko sa kanya yung kanta ko and he would think of the clothes, of the concept. Talagang yun, pinaghahandaan namin yun."

Nang ma-eliminate ang Pinoy boxing champ na si Nonito Donaire Jr., nasabi ni Gina na may ideya na sila kung sino ang mananalo sa Celebrity Duets.

"Yeah, oo, beforehand, alam na namin kung sino. Alam naman namin kung sino ang nangarir. Well, of course, I don't take it against... Of course, we all know, it's Joel Cruz, di ba? But you know, I don't take it against him. Siguro, gusto talaga niyang manalo for whatever reason. Gusto niyang sumikat or whatever, siguro this is his stepping stone. I don't blame him. He has the resources to do that. He has the money to do that.

"Ang ano ko lang dun, the spirit of fun, nawala. So, kami-kami na lang, nagsarili na lang kami ng saya. Kami-kami, those... I do not say we don't have the money like Nonito, may pera rin naman 'yan. But, what for? Why would you spend, di ba? E, supposedly, mag-e-enjoy lang tayo rito. Yun lang yun. Nawala lang ang spirit of fun na let the people decide. Let the people judge kung sino talaga ang iboboto nila at kung sino talaga ang magugustuhan nila.

"But of course, lahat naman 'yan open, e. Wala namang bawal. So, puwede mong gawin kahit na ano ang gusto mong gawin. Bumili ka ng lahat ng boto na kaya mong bilhin para manalo ka, di ba? Kasi, wala namang rules talaga," saad ni Gina.

Kung sakali at si Joel Cruz nga ang manalo, will she be happy for him?

"Of course naman," sagot ni Gina. "Of course, I have my own choice. But if he will win, of course naman, I will be happy for him because na-achieve niya yung goal niya from the very start, hindi ba? Siyempre, ang isang pangarap sa isang tao kapag na-achieve niya yun, it's fate. So, kung manalo man siya, natupad niya ang pangarap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In a way, sabihin nating masyadong mababaw because of the achievements that he has achieved already, masyadong mababaw na yun para sa kanya. But for him, it's more important for him. So, wala tayong magagawa dun, di ba?" pagtatapos ni Gina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN