Carla Abellana: "Kailangan pa ng maraming exposures at mahabang panahon para matawag akong magaling na aktres."

"Nirerespeto ko naman ang opinion ng tao, so wala lang 'yan, tinatawanan ko lang 'yan. There's really no point in sulking or feeling bad when issues come out about you. Sayang ang oras para malungkot at magtimpi," says Carla Abellana.


"Ano bang mga intriga?" nakangiting tanong ni Carla Abellana sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin namin siya tungkol sa intrigang nagtataray na raw siya ngayon sa set ng primetime soap nilang Rosalinda.

"Hindi po totoo yun. Tanungin n'yo ang aking mga co-stars. Hindi ko po alam kung bakit may ganun. Yung isyu na lumabas na nagsusulat daw ako na 'bawal maingay, bawal gumamit ng laptop,' ako, gumagamit ako ng laptop sa taping. So, bakit ko naman sasabihan ang mga tao na huwag gumamit ng laptop when I use my laptop and go on the Internet and even play music in the middle of the night? Ako, nag-iingay ako. Kuwentuhan lang kami, magkakasama kami kadalasan sa isang standby area," paliwanag ni Carla sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen kagabi, November 8.

Pero may naisulat nga ba siyang ganun sa standby area nila?

"Meron akong isinulat once, pabiro," pag-amin niya. "Nakasulat dun, 'no noisy people,' may smiley face at saka glitters. Tapos sa baba, 'O, sige, puwede na pala.' Dalawa yun, magkapatong pa yun. Wala yun, joke-joke lang namin yun."

Naiintriga rin ang co-star nila na si Sheryl Cruz, na noong una'y hindi pa pinangalanan, pero kalaunan ay lumabas din na ang aktres daw ang nag-react sa mga isinulat diumano ni Carla. Sabi pa raw ni Sheryl patungkol kina Carla at Geoff Eigenmann, bawal pala ang maingay, pero sila raw ang madalas naghaharutan at nag-iingay.

Ano ang masasabi ni Carla rito?

"Hindi, mabait sa amin si Ms. Sheryl. Walang ganun. Okey kami ni Ms. Sheryl. Wala naman. At saka, wala kaming narinig or anything. Lahat kami makukulit at nag-iingay kami palagi sa dressing room. Lahat kami nagla-laptop, nagpi-play ng music, kanya-kanya. So, wala naman," sabi ni Carla.

FACING INTRIGUES. Nakakatikim na ng mga intriga ngayon si Carla. Pero ayon sa baguhang aktres, it's something na ine-expect niya na mangyayari simula nang mag-join siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, e, okey lang. Kahit noong una pa lang akong mag-showbiz at mag-decide, alam ko na magkakaroon ng ganyan. Kahit na ano ang gawin mo, people will always come up with stories. People will always say something kasi everybody is entitled to his or her own opinion.

"Okey lang din kasi nirerespeto ko naman ang opinion ng tao, so wala lang 'yan, tinatawanan ko lang 'yan. There's really no point in sulking or feeling bad when issues come out about you. Sayang ang oras para malungkot at magtimpi," saad niya.

In fairness to Carla, sa lahat ng mga isyu o intrigang tinanong namin sa kanya, kaswal at maayos niyang sinagot ang lahat. Kahit yung naging usap-usapan sa nakaraang Bench fashion show kung saan hindi ganun kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao.

How does she feel about it?

"Ay, talaga?" nakangiti niyang sabi. "Actually, nagulat nga ako noong lumabas ako at pumalakpak ang mga tao nang makita nila 'ko. I saw a lot of familiar faces and they were clapping for me. So, super exciting for me. Okey lang kahit hindi kasing-lakas para sa akin. As a Bench endorser, first time kong magrampa na kasama ang mga malalaking artista na yun. Ay, my goodness, ang sarap ng feeling!"

Natawa lang naman si Carla nang hingan namin siya ng reaction sa puna ng iba na sana raw ay hindi na lang siya nag-short shorts para hindi nakita ang malaki niyang legs.

"Wala akong magagawa, hindi ako perfect!" natatawa niyang sabi. "So, okey lang, okey lang. Ano ba naman ang ide-deny ko, di ba? And like I've said, people will always have their opinion, so okey lang. Ako naman, okey lang sa akin kahit anong ipasuot n'yo. Hindi naman ako mareklamo sa kailangan kong gawin or kailangan kong isuot or kailangan kong sabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLOOMING CAREER. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, isa si Carla sa iilang mapapalad na artista na sa unang sabak pa lamang sa pag-arte ay title role na agad ang role. Sa kaso ni Carla, siya ang napiling gumanap bilang title role sa Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Rosalinda, na magtatapos na ngayong Nobyembre.

Bukod dito ay sila ulit ni Geoff ang magkatambal sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen at isa rin si Carla sa maghu-host ng StarStruck V.

Kung tanggap niya ang ilang pamumuna o intrigang ibinabato sa kanya, ganito rin ba ang ang pagtanggap niya kapag sinasabing hindi pa rin siya ganun kagaling umarte?

"Hindi... First of all, unang-una, hindi naman talaga ako ganun kagaling. Number two, nag-uumpisa pa lang ako. Number three, first ko ang Rosalinda, second ko ang SRO. Number four, it would have to take, my goodness, 10 years for me to be a good actress! So, okey lang. So, ten years... Kailangan pa ng maraming exposures at mahabang panahon para matawag akong magaling na aktres," sabi ni Carla.

She takes all the criticisms positively.

"Of course, it's an opportunity for you to say, 'I need to improve on myself and my acting skills.'"

Dito sa "Carinderia Queen" ay magpapatawa naman sila ni Geoff.

"Nakakatawa siya, sobra!" sambit niya. "I play Juliet. Ang mother ko, si Melanie Marquez who plays Aling Biday at siya ang may-ari ng karinderya. Nagtatrabaho ako sa karinderya, so very jologs, very tomboyish, unglamorous talaga. Tapos, darating si Geoff who plays Romeo. Nag-aral siya, nagtapos ng pag-aaral sa Amerika. Magkababata kasi sila. So, inisan lang, asaran, ganun."

Parang mas kumportable siya sa comedy?

"I think so, oo!" nakangiti niyang sabi. "Kung pamimiliin siyempre, mas gusto ko naman ang comedy kesa sa drama. At least, walang iyakan. Hindi na nakakapagod umiyak. So, enjoy kasi laro-laro lang, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH GEOFF. Masaya rin daw siya na tuluy-tuloy ang team-up nila nila ni Geoff.

"Next soap, sana by next year. Although, wala pa kaming alam. Pero siyempre, masaya kami. Nakikita ng mga tao na okey ang partnership namin on screen. Napagkakatiwalaan ng network na magkasama pa rin kami."

Nakaramdam ba siya ng kaba na towards the end of Rosalinda na baka paghiwalayin sila ni Geoff?

"Wala naman, kasi wala rin assurance, wala rin kaba. Kasi, ganun talaga, trabaho lang talaga. Like ako, I'm starting as an actress, siyempre mae-expose ako sa maraming artista, maraming leading men. So, okey lang. Opportunity yun for me if ever I'll be teamed up with somebody else."

Pinatotohanan din ni Carla ang sinabi ni Geoff na wala pa silang relasyon at hindi pa nanliligaw ang aktor sa kanya.

"Yes, hindi siya nanliligaw kasi ako na mismo ang nagsabi sa kanya na hindi pa 'ko ready. Single ako, nag-uumpisa ako bilang artista. Gusto kong alagaan ang career ko. Hindi ko kailangan ng lovelife para maging masaya. Ang dami kong nakukuhang blessings," sabi niya.

Pero iba raw ang nakikita ng mga taong nakapaligid sa kanila, especially sa sweetness at closeness nila?

"Siguro nami-misinterpret lang. Kasi, iba yung comfort level namin, mataas na siya," sabi ni Carla.

BREAKUP WITH JC INTAL. Noong September 2009 lang daw pormal na nag-break si Carla at ang boyfriend niya for five years na si JC Intal. Hindi itinanggi ni Carla na iniyakan din niya ang naturang breakup.

Ayon pa sa dalaga, sama-samang problema sa oras, communication, at attention ang mga dahilan ng kanilang paghihiwalay. Definitely, wala raw kinalaman dito si Geoff.

Kaso, kung noong September lang sila nag-break, hindi kaya siya balikan nang sinabi niya sa first interviews niya na she's open and single noong ni-launch siya sa Rosalinda last July?

"Kasi, nagkakaproblema na kami nun. Malabo na talaga. Sa umpisa pa lang, may mga problems na," paliwanag ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Carla, until now, magkaibigan pa rin sila ni JC.

"Okey kami, walang isyu na galit kami sa isa't isa or what, walang nangyaring ganun. Walang drama. Okey kami. We're still good friends. I still communicate with him. Magka-text kami. Bumibisita siya sa bahay bilang inaanak niya rin ang pamangkin ko. Welcome na welcome siya sa bahay. Love siya ng family ko, okey kami."

Nakikita ba niya ang posibilidad na si Geoff kung sakali ang puwedeng pumalit kay JC sa puso niya?

"Mahirap yun, mahirap yun. Magkaiba sila, e. Iba naman si JC, iba naman si Geoff."

Second boyfriend daw ni Carla si JC. Natawa ito nang sabihin namin kung puwedeng maging pangatlo si Geoff.

"Hindi natin alam. Paano natin malalaman?" tawa niya. "Siyempre, iba naman si Geoff. Pero hindi ko pa nakikita kung paano siya as a boyfriend. I don't know how he is a boyfriend, pero oo naman."

ACTING WITH PARENTS. Sa "Carinderia Queen," makakasama nila ni Geoff ang real parents nila—ang ama ni Carla na si Rey "PJ Abellana at ang ina ni Geoff na si Gina Alajar.

"Exciting! Kasi, first time naming magkakasama. Like ang dad ko, kilala ko 'yan as dad. Now, magiging co-worker ko siya. Si Tita Gina naman, well, nagkasama na kami ni Tita Gina sa Celebrity Duets, pero iba naman 'to. So, tawa lang ako nang tawa noong nakaeksena ko si Tita Gina kahapon," lahad ni Carla.

Kumusta naman si Geoff at ang daddy niya?

"Okey sila, nagbabatian silang dalawa. Nagkukuwentuhan silang dalawa. Mostly about Geoff's father kasi magkatrabaho sila ng daddy ko, e. In the past, magkaibigan yung dalawa."

STARSTRUCK V. When it comes to StarStruck V, nagpakita ng kasiyahan si Carla noon when she learned that she will be working with Dingdong Dantes. Ngayong kumpirmado nang hindi na si Dingdong ang magiging co-host niya sa StarStruck V kundi si Dennis Trillo na, ano ang masasabi niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unfortunately, nawala na si Dingdong. Kasi, si Dingdong ang gumawa sa StarStruck. My goodness, marami na sana akong matutunan from him! Ngayon, si Dennis Trillo naman. For me, it's something to look forward to because I'm finally working with Dennis for the first time as a co-host," sagot ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN