Manny Pacquiao and Miguel Cotto weigh in at Sin City

Filipino boxing hero Manny Pacquiao (main photo) will be facing Puerto Rico's Miguel Cotto at the MGM Garden Arena in Las Vegas tomorrow. At the two fighters' weigh-in earlier today, PEP spotted actor Alfred Vargas with GMA-7 executive Marivin Arayata (top inset) and a Pacquiao look-alike (bottom inset).


LAS VEGAS, NEVADA - Nagkakatipon-tipon ngayon (Friday, 3 p.m., sa Las Vegas; Saturday, 7 a.m, sa Maynila) dito sa lobby ang maraming tao na naghihintay na makapasok sa MGM Garden Arena para sa weigh-in sina Manny Pacquiao at Miguel Cotto.

Maghaharap sina Pacquiao at Cotto bukas (gabi ng November 14 dito sa Las Vegas at umaga ng November 15 sa Pilipinas).

Halos isang kilometro ang haba ng pila dahil naging mahigpit sa pagpapasok ng mga tao ang hotel management.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng MGM Grand sina Alfred Vargas, Tirso Cruz III, Lhar Santiago, at ang mga GMA-7 executives na sina Marivin Arayata at Redgie Magno.

Sinamantala ng mga Pilipino ang pagkakataon na makapagpakuha ng litrato na kasama nila si Alfred.

Ang pangalan ni Manny ang isinisigaw ng mga tao sa lobby. Iwinawagayway naman ng mga Puerto Rican ang kanilang mga hawak na mini-flags.

Mahigpit ang security ni Manny kaya hindi siya malapitan ng mga tao.

Restricted din sa mga bisita ang kanyang suite sa The Hotel, pero pinagbigyan na makapasok si Jeremy Piven, isang cast member ng HBO comedy-satire na The Entourage, para makipag-photo op with Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN