JC Tiuseco's friendly advice to new Survivor champion: "Huwag lalaki ang ulo."

From one Pinoy Sole Survivor to another, JC Tiuseco gives advice to Amanda Colley Van Cooll: "Huwag lalaki ang ulo at mag-improve siya sa kung anuman ang papasukin niya na career."


Isa sa mga celebrity na nag-donate ng sarili nilang mga gamit sa Shop and Share fundraising project nina Angel Locsin at Anne Curtis ay si JC Tiuseco, na dumating din sa launching nito last night, November 14, sa Gateway Mall.

Isang sapatos na Prada ang ibinigay niya. Memorable daw sa kanya ito kahit hindi niya raw nagamit.

"Nakakahiya naman kasi kung yung ido-donate ko, nagamit ko na talaga... Siguro, mas mataas ang value niya dahil hindi ko pa nga nagamit."

Binili ni JC yung sapatos pagkatapos niyang manalo sa first season ng Survivor Philippines, kaya ito memorable. Pero sa tagal na nga ay di na niya matandaan ang exact price nito.

"Noong tinatanong nga sa akin nila Anne kung magkano raw, sabi ko, sila na ang bahala."

"GOOD FRIENDS MUNA." Hindi nagulat ang ilan sa entertainment press na naroroon sa launching nang dumating si JC na kasama si Maxene Magalona, although kasama rin nila si Bubbles Paraiso.

Sila na nga ba?

"Hindi... friends lang kami," natatawa niyang sagot, although napapansin nang ngang parang di na sila mapaghiwalay.

"Hindi naman... Siyempre sa work, magkasama kami. Kapag wala namang work, minsan lang...

"We're just good friends. Siguro sa ngayon, good friends muna. Mahirap, e. Lalo na sa work, hindi mo alam kung hindi na kami ang magkatrabaho, di ba?"

Hindi raw siya nanliligaw. "Parang mas okey na magkaibigan lang... parang barkada. Kasi, kapag lumalabas naman kami kasama ang mga staff ng Kung Aagawin [Mo Ang Lahat Sa Akin]."

Anong meron kay Maxene na nagugustuhan niya?

"Mabait... maganda naman si Max," sey niya.

CHRISTMASERYE WITH SUSAN ROCES. This week ay sisimulan na nila mag-taping para sa Christmaserye ng GMA-7, ang Sana Ngayong Pasko. Ikalawang pagsasama na nila ito, pagkatapos ng Aagawin. Tuloy-tuloy na ba ang teamup nila?

"Hindi ko lang po alam, wala namang sinasabi. Pero siyempre, okey sa akin kasi si Max, siyempre, nakatrabaho ko siya sa Aagawin... sobrang bait, sobrang helpful, understanding. Kahit nagkakamali ako, hindi siya nagagalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakatrabaho din ni JC sa Christmas series ang veteran actress na si Ms. Susan Roces. Aminado ang baguhang aktor na may kaba raw siyang nararamdaman.

"Oo, naman! Nakita ko pa nga lang siya noong storycon, kinakabahan na 'ko. Parang, grabe 'to, di ba? Nag-hi ako agad sa kanya. Pati kay Sir Christopher de Leon, nagpakilala rin ako. Siyempre, di ba? Kinakabahan ako sa kanila. Hindi ako makapagsalita nang makita ko sila."

FROM ONE SURVIVOR TO ANOTHER. Last Friday ipinakilala na kung sino ang second Pinoy Sole Survivor, at ito'y si Amanda Colley Van Cool. Alam ni JC kung anong feeling n'on.

"Kahapon nga, noong binabasa ni Paolo yung ano... ako ang kinakabahan kung sino ba ang nanalo... Hindi mo malaman kung sino ang mananalo, kasi masyadong dikit."

Kung si JC ang tatanungin, ang talagang bet daw niya ay si Cris Bolado. Kaso, na-eliminate ang dating basketball player. Sa tatlong natira, ang pinaka-bet niya ay si Justine Ferrer.

"Kasi ang galing. Di ba, first siyang na-vote off, tapos nakabalik pa siya. Nakapasok siya sa top three. Pero sa mga later part, deserving din si Amanda kasi ang dami niyang napanalunang Immunity."

Bilang pinakaunang Pinoy Sole Survivor, anong masasabi niya sa bagong kampeyon ngayon?

"Well, advice ko lang sa kanya, siguro huwag lalaki ang ulo at mag-improve siya sa kung anuman ang papasukin niya na career."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN