Manny Pacquiao stages a mini-concert at his after-fight party

Pambansang Kamao Manny Pacquiao joins Concert King Martin Nievera during Pacman's after-fight party held at the Events Center of Mandalay Bay. Pacquiao prevailed over Miguel Cotto in their 12-round fight.


LAS VEGAS, NEVADA—Past 1 a.m. (Sunday, Las Vegas time; 5 p.m. na, Sunday, Manila time) nang umakyat sa stage si Manny Pacquiao sa kanyang after-fight party na ginanap sa Events Center ng Mandalay Bay.

Namamaga ang mukha ni Manny, may puting benda ang kanyang ulo, at nakasuot siya ng sumbrero nang umpisahan niya ang kanyang performance.

Ang boxing match nila ni Miguel Cotto ng Puerto Rico ang isa sa pinakamahirap na laban ni Manny. Bukod sa umabot ng 12 rounds, marami ang nakapansin na mabilis na napagod si Manny. May mga insidente rin na sumasablay ang mga suntok niya kay Cotto.

Masakit man ang kanyang katawan dahil sa katatapos na laban, pinagbigyan ni Manny ang request ng audience na kumanta siya. Ang ilan sa mga kinanta niya ay "La Bamba," "Bonggahan," "Maghintay Ka Lamang," at "Pilipino."

Kumanta rin siya ng English song, ang "Sometimes When We Touch," para maintindihan daw siya ng mga foreign guests niya.

Nakipag-duet din si Manny kay Martin Nievera at pinaakyat sa stage sina Tirso Cruz III, Marco Sison, at ang pop trio La Diva na kumanta ng Philippine National Anthem sa kanyang laban.

In between his songs, pinasalamatan ni Manny ang lahat ng mga sumuporta sa kanya.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng after-fight party ang ina ni Manny na si Dionisia Pacquiao, kasama ang kanyang favorite singer na si Imelda Papin.

REUNIONS. Nang kumain kami sa noodle house ng Mandalay Bay, biglang nagkagulo ang mga Filipino customer dahil sa pagdating ni Rosalio Pacquiao, ang ama ni Manny. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapanood ng laban ni Manny sa Las Vegas si Mang Rosalio.

"Manny's father is in the house!" ang sigaw ng mga restaurant patrons na nag-unahan sa pagpapakuha ng litrato na kasama si Mang Rosalio.

Past 2 a.m. nang matapos ang after-fight party. Palabas kami ng Event Center nang makita namin sa lobby ang kapatid ni Krista Ranillo na si Kevin at ang bunso nilang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatunayan namin na totoo ang balita na naririto sa Las Vegas ang Ranillo family para panoorin ang laban nina Manny at Miguel. (CLICK HERE to read Jojo's blog entry.) Bali-balita na may relasyon diumano sina Manny at Krista, na co-stars sa 2009 Metro Manila Film Festival entry na Wapakman.

Pinag-usapan din ng mga Pilipinong nanood ng boxing ang unconfirmed report na nakipagkita si Manny kay Krista noong bisperas ng gabi ng laban nila ni Cotto.

Hindi pumayag si Jinkee Pacquiao na magpainterbyu sa press kaya hindi nabigyan ng linaw ang balita na iniyakan niya ang napabalitang insidente noong Biyernes ng gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN