Akihiro Sato still happy and busy despite losing in Celebrity Duets

Besides modeling and acting gigs, Akihiro Sato will keep himself busy by helping Gawad Kalinga with its projects. "It so nice. Just like when I was in Brazil, I like to work in construction, do something in construction. I really enjoy to help them," Akihiro said.


Masaya pa rin ang Japanese-Brazilian model turned actor na si Akihiro Sato sa kanyang pagkakasali sa Season 3 ng Celebrity Duets.

"I feel very great! I did not expect myself to be in the finals of Celebrity Duets," sabi ni Akihiro pagkatapos ng show last Saturday, November 14. "I'm proud for myself already. This for me was the hardest challenge in my life. I did not see myself so far in the show. I'm very happy."

Dagdag niya, "There's no frustration because I gave my 100 percent in my performance. Sometimes, I want to make better. But sometimes I make my mistakes."

Natutuwa rin siya sa pagkakapanalo ng kanyang fellow contender at nanalong Season 3 grand champion na si Joel Cruz.

"Joel really deserves to win. From the beginning, he really focused. They think about the performance. They do so many things to be a champion," sabi niya.

Paniwala naman ni Akihiro, marami pa siyang matututunan upang mag-improve sa kanyang pagkanta. Banggit pa nga niya na plano niyang kumuha ng vocal coach para mapabuti ang kanyang boses at performance.

GAWAD KALINGA AMBASSADOR. Natutuwa rin ang mga kaibigan ni Akihiro sa kanyang pagpasok sa finals ng Celebrity Duets.

"Those who know, you would never really see me sing in all my life. It's really my first time. It's a challenge for myself to be in Celebrity Duets."

Kahit na hindi niya naipanalo ang prize money para sa napili niyang institution ay tuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa Gawad Kalinga.

"I am not upset because we will always help forever. Not just now. I'll still be helping and supporting Gawad Kalinga forever," sabi niya.

Kuwento ni Akihiro, may proyekto siyang gagawin para sa mga bata ngayong darating na Kapaskuhan, kasama ang naturang grupo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN