Rufa Mae Quinto is elated over ex-boyfriend Rudy Hatfield's new career

"Sa totoo lang, proud ako sa kanya kasi nga nagawa niyang maiba ang takbo ng buhay niya. Makikita mo na may peace of mind na siya ngayon. Mabait na tao si Rudy at marami 'yang tinutulungan noon pa. Lalo na ngayon, mas marami pa siyang matutulungan sa pinasok niyang career with the Lord, di ba?" says Rufa Mae Quinto about ex-boyfriend Rudy Hatfield.


Natuwa and at the same time ay nagulat si Rufa Mae Quinto nang makarating sa kanya ang balitang isa nang Christian missionary ang ex-boyfriend niyang si Rudy Hatfield. Si Rudy ay dating player ng Alaska sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ayaw ngang maniwala noong una ni Rufa Mae nang may magkuwento sa kanya nito. Pero noong mapanood niya ang VTR interview ni Rudy kahapon, November 15, sa Showbiz Central ay napangiti at natuwa ang sexy comedienne sa nakita niyang pagbabago sa dating kasintahan. (CLICK HERE to read related story.)

"Siyempre, nagulat ako sa news," sabi ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi baka pinaglalaruan lang ako, di ba? Pero noong mapanood ko na siya, totoo pala. At kitang-kita ko naman na malaki ang pagbabago niya in the way he talks at sa hitsura niya. Mas may glow na siya ngayon at maganda ang smile niya.

"Natutuwa ako, siyempre, kasi malaki ang pagbabago sa buhay niya. Hindi ko 'yan inaasahan from him. Kasi noong huli kaming nagkausap, bago siya umalis noong 2005, sabi niya gusto niyang maging wrestler. Kasi nga na-frustrate siya sa nangyari rito sa career niya. Kinukuwestiyon kasi ang citizenship niya at pinagbawalan siyang maglaro [sa PBA]. E, love niya talaga ang maglaro ng basketball.

"Kaya noong hindi siya makapaglaro nang matagal, he decided na mag-change ng career. Sabi nga niya, gusto niyang maging professional wrestler. Aba, e, naging missionary naman pala siya! Kaya ang galing at nakakatuwa."

May kinabibilangang Christian group noon ang comedienne. Ayon kay Rufa Mae, siya ang unang nagyayaya noon kay Rudy sa Bible studies. Pero hindi raw niya mapilit noon si Rudy.

"Ayaw niya noon kapag ini-invite ko siya sa Bible study group namin. Hindi ko alam kung bakit, pero basta ayaw niya. Naiinis na nga ako sa kanya noon kasi parang galit pa siya kapag niyayaya ko siya. Kaya napagod na rin akong i-invite siya. Yun pala, may ibang plano ang Diyos sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya isipin niyo na lang ang gulat ko, di ba? Noon, ayaw niya. Ngayon, siya na mismo ang bumibiyahe kung saan-saang lupalop ng mundo para magsalita about the Lord. Totoo ngang God works in mysterious ways, di ba?"

RUDY'S OWN FAMILY. Hindi naman nagulat si Rufa Mae nang mabalitaan niyang may asawa na si Rudy. Noon pa raw nakarating sa kanya ang pakikipag-date nito sa asawa niya ngayon na nagngangalang Bethany.

Kuwento ni Rufa Mae, "Break na kami ni Rudy noon at gusto nga niyang bumalik na sa Michigan. E, grabe ang pinag-awayan namin that time kaya after naming mag-break, hindi na talaga kami nag-usap or nag-email sa isa't isa. As in, walang communication talaga.

"Pero may mga friends ako na nagpaparating sa akin tungkol sa wife niya ngayon. Okey lang naman kasi matagal na kaming break at maganda yung pareho kaming naka-move on na. Tapos may mga anak na pala sila, kaya natuwa naman ako sa nangyari sa personal life niya."

Natuwa naman si Rudy nang mabalitaan niya na engaged na si Rufa Mae. Maganda ang naging mensahe ng dating PBA player para sa kanyang ex-girlfriend.

"In fairness, teary-eyed ako noong marinig ko ang mga sinabi niya sa akin," reaksiyon ni Rufa Mae. "Kasi nga, ang tagal-tagal na noong nangyari sa amin, tapos biglang heto na naman siya at ibang-iba na siya.

"Sa totoo lang, proud ako sa kanya kasi nga nagawa niyang maiba ang takbo ng buhay niya. Makikita mo na may peace of mind na siya ngayon. Mabait na tao si Rudy at marami 'yang tinutulungan noon pa. Lalo na ngayon, mas marami pa siyang matutulungan sa pinasok niyang career with the Lord, di ba?"

Simple lang ang mensahe ni Rufa Mae para kay Rudy. Aniya, "Para kay Rudy, ituloy lang niya 'yan dahil 'yan ang gusto ng Diyos for him. Alam ko na hindi lang ako ang natuwa kundi ang iba pang taong malalapit sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN