Ms. Susan Roces topbills GMA-7's ChristmaSerye, "Sana Ngayong Pasko"

"Hindi mo masasabi na dahil matagal na, it's less painful. It comes in and out, in and out. Kung minsan, sa gitna ng napakasayang sitwasyon, biglang maaalala mo, mapapaluha ka. And then, just as fast also, you get over it," says Ms. Susan Roces about losing her husband, Fernando Poe Jr.


Nagbabalik sa Kapuso network ang tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.

Si Ms. Susan ang bida sa kauna-unahang ChristmaSerye ng GMA-7, Sana Ngayong Pasko, na tatakbo lamang ng limang linggo sa Telebabad block. Makakasama niya rito sina Christopher de Leon, Gina Alajar, TJ Trinidad, Maxene Magalona, JC de Vera, Ynna Asistio, at JC Tiuseco.

Sa taped interview ng hosts ng Startalk kay Ms. Susan noong Sabado, November 14, ay sinabi nitong napapanahon ang gagawin nilang teleserye.

"It's a very heartwarming story. It's about family. Noong inalok sa akin ito, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin kasi madamdamin ang istorya. At gusto ko yung role na in-offer sa akin. Maraming salamat sa GMA-7," saad ng veteran actress.

Ano ang role niya sa Sana Ngayong Pasko?

"I appear as mother to Christopher de Leon and Gina Alajar and TJ Trinidad, and grandmother to the younger stars of GMA-7."

Ano naman ang pakiramdam niya na muli siyang nakapagtrabaho sa Kapuso network?

"I have worked here before... I did several episodes before when Mel Tiangco had her show, Magpakailanman," pag-alaala niya.

Ang Sana Ngayong Pasko ay ididirek ng young director na si Mike Tuviera. Ayon sa ama ni Mike na si Tony Tuviera, pakiramdam niya ay kumpleto na ang career ng kanyang anak bilang isang direktor dahil maididirek na nito si Ms. Susan.

Ano ang masasabi ni Ms. Susan dito?

"Karangalan ko rin na makasama ang director na katulad ni Mike Tuviera," nakangiti namang sabi ng aktres. "Naikukuwento siya sa akin ng mga nakatrabaho na niya. Si Sheryl [Cruz, Susan's niece] has worked with him. And I think, I believe that when FPJ was alive, meron silang mga ginawa together."

LONELIEST MONTH OF THE YEAR. Dahil nabanggit na rin ang yumaong mister ni Ms. Susan na si Fernando Poe Jr., naalaala ng mga host ng Startalk na malapit na naman ang death anniversary ng King of Philippine Movies. Yumao si FPJ noong December 14, 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ms. Susan, "Well, this [Sana Ngayong Pasko] is a God-sent project because December is the loneliest month in the year for me. This is my Christmas gift because it will keep me busy. Too busy for me to be lonely and for playing the role of Remedios. Si Remedios is clinging to her memories. Mahalaga para sa amin ang memories.

"Do you remember, meron kayong ipinakita rito sa GMA-7 na kuha dun sa museleyo, sa graveside ni FPJ, na parang may shadow na lumabas sa picture? I was there noong 28 of October and for the first time in all these years... Her name is Gigi... 'In any instance ba, meron bang nangyari na nagpakita or nagparamdam sa inyo si Ronnie or si FPJ?' 'Wala ho, Ma'am. Siguro panatag naman ang kalooban niya kaya hindi siya nagpapakita sa atin.'

"Kaya noong a-treinta, nanood ako ng news at sinabi sa akin na, 'Manood ho kayo sa 24 Oras at merong tungkol kay Mr. Poe.' Sabi ko, 'Ronnie, nagtanong lang naman ako.' Alam ni Ronnie siguro na malungkot ako pagdating ng December," nakangiting kuwento ni Ms. Susan.

Five years na nga ang nakalilipas simula nang yumao si FPJ at mawalan si Ms. Susan ng asawa. Nakapag-adjust na ba siya since then?

"This is turning into drama, not a talk show!" natatawa niyang sagot sa tanong.

Pero aniya, "Hindi mo masasabi na dahil matagal na, it's less painful. It comes in and out, in and out. Kung minsan, sa gitna ng napakasayang sitwasyon, biglang maaalala mo, mapapaluha ka. And then, just as fast also, you get over it."

Natawa naman nang husto si Ms. Susan sa tanong ni Butch Francisco kung meron daw bang nangangahas na lalaking "magparamdam" sa kanya ngayong matagal na rin siyang biyuda?

"Naku naman!" nasabi nito sa hindi halos matapos-tapos na pagtawa. "Salamat... salamat at nag-iisip ka pa ng ganyan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw na nga ba niya?

"Alam mo, hindi ako magiging totoo kung sasabihin ko na ano... Pero ayokong magsalita nang patapos. Pero masaya na ako sa buhay ko ngayon. Ayokong maging kumplikado ang buhay ko. Masaya na ako," sagot ni Ms. Susan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN