Geoff Eigenmann willing to take on daring, challenging roles

Like his parents, young actor Geoff Eigenmann wants to hone his thespic talents by portraying challenging and daring roles. He is also willing to do frontal nudity if the story calls for it.


Marami ang naghihintay na magpaseksi nang husto si Geoff Eigenmann in a pictorial, na posibleng naka-trunks or underwear lang siya. Pero ano kaya ang masasabi ni Geoff dito?

"Ganun? Nagpapaseksi naman ako, a!" tawa lang niya sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

In a separate interview last year, tinanong namin si Geoff kung papayag siyang mag-frontal nudity sa isang art movie. Sabi niya, oo daw. Hanggang ngayon ba, iyon pa rin ang magiging sagot niya?

"Yeah," sambit niya. "Willing ako, hindi nagbabago yun. Siguro tumanda lang ako but bahala na, bahala na talaga. If it calls for it, if it's needed sa storyline, napag-uusapan naman 'yan. Pinag-iisipan na mabuti 'yang mga ganyang bagay."

Okay lang din kaya sa parents niya na sina Gina Alajar at Michael de Mesa kung maghubo't hubad siya sa pelikula?


"Siguro, wala naman sigurong problema."

Ang ama ni Geoff na si Michael ay nagpaseksi rin nang husto at gumawa rin ng nude scenes noong kabataan nito. Ano ang masasabi ni Geoff dito?

"Yeah. From what I know, he used to do movies like that noon. Kaya bahala na, bahala na talaga. I'm not closing my doors on anything."

Ano ba ang dream role niya?

"Madami-dami din. Kasi actually, marami pa akong hindi napo- portray. I wanna do more action roles, do a little comedy rin sa movie, like dito sa Carinderia Queen," banggit ng young actor.

Si Geoff ang leading man ni Carla Abellana sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, na napapanood tuwing Huwebes ng gabi sa GMA-7.

Gusto rin ni Geoff daw makaganap sa papel ng isang may sakit sa utak. Hindi pa rin nakakaganap si Geoff bilang isang bakla in a serious role.

"Wala pa, I'd like to play that also."

Ang daddy niya ay ilang beses na ring nag-portray ng gay role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, ilang beses na niyang ginawa yun."

Kakayanin din kaya niya na gumanap sa ganung klaseng role?

"Yeah, kaya naman siguro."

Hihigitan niya ang husay ng ama niya?

"A, 'yan ang hindi ko alam!" tawa niya. "Kasi kanya-kanya naman kaming atake on different roles. At isa pa, mahirap pantayan ang isang Michael de Mesa."

Nagkuwento rin si Geoff sa PEP tungkol sa ama niya na naka-base na ngayon sa U.S.

"He's in the States, sa Anaheim. Hopefully early next year, bi-visit siya dito. He works... he's into ambulatory services, mga ambulance... Kunyari may emergency, instead of calling 911, sila na yung tatawagan mo, parang priority ka nila, ganun. Nag-aano rin siya, first-aid lessons, lessons on CPR, mga ganun. Yes, first aid talaga. Nagtuturo rin siya, he has classes, mga ganun."

Nasa States rin ang bunsong kapatid ni Geoff na si AJ Eigenmann, na dati ring nag-aartista dito sa Pilipinas.

"Si AJ, nasa States din, sa Las Vegas. He's studying Veterinary Medicine," banggit ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN