Carla Abellana says her ex-boyfriend is not the reason Geoff Eigenmann doesn't woo her yet

"I'm very sad that we're ending already. Parang kailan lang first taping day namin. Ngayon, last taping day na pala," says Carla Abellana about her last taping day for Rosalinda.


Masaya ang lahat sa set ng last taping day ng primetime series ng GMA-7 na Rosalinda kahapon, November 18, sa Mira Nila Subdivision sa Tandang Sora, Quezon City. Gayunpaman, nalulungkot ang bida nitong si Carla Abellana kapag pinag-uusapan ang pagtatapos ng kanilang programa sa November 27.

"I'm very sad that we're ending already. Parang kailan lang first taping day namin. Ngayon, last taping day na pala," sambit ni Carla nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang mami-miss niya sa Rosalinda?

"It's really the people, kasi family na kami rito, e. This is my first family in show business, in my career. I will miss everybody, all those faces, all the people I've worked with. Siyempre, all the stars, si Direk Maryo J. [de los Reyes], all the staff, lalo na yung mga utility, mami-miss ko 'yang mga 'yan."

CLOSEST MAN TO CARLA. Biniro namin si Carla na hindi naman niya mami-miss ang leading man niya sa Rosalinda na si Geoff Eigenmann dahil kahit matatapos na ang teleserye nila ay may mga susunod pa silang mga projects. Magkasama uli sila ngayon sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen.

Kumusta na ang love team nila ni Geoff? Nasaang level na ba ito?

"Ganun pa rin, wala pa ring nagbabago as we are now. Very busy kami ni Geoff. Kaya every day na kami magkasama," sagot ni Carla.

Pero si Geoff ba ang lalaking pinakamalapit sa kanya ngayon?

"Closest, oo. Closest to me right now si Geoff," pagsang-ayon niya.

Closest to her heart na rin ba?

"To my heart? Hindi pa naman," nakangiti niyang sagot.

Ano ba ang nagustuhan niya kay Geoff?

"He's being real... totoo siyang tao. Yung ganun, what you see is what you get. Caring siya, sweet, very concern."

Ano yung recent incident na naging sweet and caring siya sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa eksena marami!" biro ni Carla. "Sa totoong buhay... off-cam, ang dami, e. I guess yung binilhan niya ako ng pagkain. Ganun naman iyan, e, pag meron kang gustong food, kukunin niya for you."

Ano ang hinihiling niyang pagkain kay Geoff?

"Wala naman akong hinihiling. Hindi naman ako ganun, e. Pero madalas siya ang nagtatanong kung ano ang gusto ko. So, kahit naman sabihin kong okay lang ako, ayoko, may times naman na kukunan niya pa rin ako ng something, ng food or what," lahad niya.

Happy naman si Carla na nakilala na niya at nakatrabaho pa ang mommy ni Geoff na si Gina Alajar. Magkakasama silang tatlo sa Carinderia Queen.


"Mabait sa akin si Tita Gina, e. And we work together nga for SRO," banggit ni Carla.

Kinabahan ba siya na makaeksena si Gina?

"Siyempre, my goodness, Gina Alajar 'yan!" sambit ng baguhang aktres. "Ang taas ng tingin ko sa kanya, award-winning. But other than that, ang galing niya, kaya niya sa drama, kaya niya sa comedy, lahat 'yan kaya niya. Nakakadala siyang kaeksena."

NEXT PROJECTS. After Rosalinda, may susunod na ba siyang teleserye?

"Meron na kaming nabalitaan, although hindi pa siya final. My manager kasi, si Tito Arnold [Vegafria] is out of the country and he has yet to talk about that to me," sabi ni Carla.

Sila pa rin ba ni Geoff ang magkasama?

"I believe so. I'd love to work with Geoff again and again."

Hindi naman makakasama ni Carla si Geoff sa StarStruck V. Isa si Carla sa hosts ng naturang GMA-7 reality show, kasama sina Dennis Trillo at Raymond Gutierrez. Happy ba siya na tuluy-tuloy ang dating ng projects sa kanya?

"Oo naman, siyempre. Sana mas matagal pa, mas marami pa, di ba?"

Hindi ba siya natatakot na ma-insecure ang ibang Kapuso stars dahil kabagu-bago pa lang niya ay sunud-sunod na ang projects na ibinibigay sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot ni Carla. "They have nothing to be insecure about. Nag-uumpisa pa lang ako. I have a long way to go. So, marami pa akong matututunan."

Kumusta na ang napabalitang album niya sa Universal Records?

"Hindi ko pa kayang gawin kasi they're asking two days a week from my schedule. And I cannot give it to them, kasi I'm working everyday. Hindi namin maumpisahan kasi nga I'm taping everyday, tapos may iba pa akong ginagawa in between. But the contract is there. Hopefully, next year."

EX-BOYFRIEND. Hindi ba siya naiinis tungkol sa intriga sa kanila ng ex-boyfriend niyang si JC Intal? Lumalabas pa sa Internet ang mga litrato nila together.

"Hindi, kasi totoo naman yun, e. Ex-boyfriend ko siya, 'tapos our pictures are all over the Internet. Okay lang. Hindi naman ako naiinis, hindi naman ako apektado," sabi niya.

Nag-react ba ang ex-boyfriend niya?

"Nag-react lang siya when people started accusing him of releasing all those pictures. So, sabi niya lang sa akin, 'Wala naman akong ginagawa. Tahimik na nga ako, e. Bakit ako pa yung dinadamay?' Yun lang."

In good terms ba sila?

"Yeah, we're in good terms. In fact, it's his birthday today [Nov. 18], I greeted him kanina. Okay naman kami," banggit ni Carla.

Hindi ba si JC ang reason kaya hindi pa matuloy ang panliligaw ni Geoff sa kanya?

"Hindi, ako yun, choice ko yun," sagot ni Carla. "Ako na mismo ang nagsabi kay Geoff. Very clear na it came from me, na sabi ko, 'Huwag muna.' Kasi nag-uumpisa pa lang ako, ayoko namang mag-boyfriend na kaagad, e. Kailangan kong alagaan yung career ko. And I just came from a five-year relationship, so I don't hurry myself to jump into a new one."

Paano kung willing maghintay si Geoff, may reward bang naghihintay rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay, why not, if he's willing to wait. I like him naman. He's a good person. And I'm very thankful that he's good to me, he's nice to me. He's the closest guy to me right now. Tapos siya pa ang naging una kong leading man," saad ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN