Hindi napigilan ng Pinay Broadway star na si Lea Salonga na mag-react sa hindi tamang report ng Bandila ng ABS-CBN noong Martes, May 3, tungkol sa diumano’y tagong yaman ni PDP-Laban presidential bet Rodrigo Duterte.
Naisama kasi sa ulat na ang isang bahay sa San Juan City ay pag-aari diumano ni Duterte.
Pero hindi ito nakaligtas sa totoong nagmamay-ari ng bahay na isang Shiela Francisco.
Napukaw ang pansin ni Lea tungkol dito nang mai-post ng singer at Duterte solid supporter na si Aiza Seguerra ang naturang kamalian ng nasabing news program ng ABS-CBN.
Caption ni Aiza: “Investigative journalism at its finest!”
Dito na nagkomento si Lea tungkol sa aniya’y wala man lang fact-checking na ginawa ang pamunuan ng Bandila bago umere ang naturang balita.
Pahayag ni Lea: “Politics or not, this is stupid. Thank goodness Sheila spoke up immediately. What is wrong with these people???”
Narito ang ilan pang komento at batuhan ng mga opinyon sa naturang post ni Aiza:


Marami ring nagpatunay na hindi talaga bahay yun ni Duterte kundi kay Shiela.