KC Concepcion says whatever she has with Piolo Pascual will continue even after Lovers in Paris

"Hindi naman nag-i-stop yung kung anumang meron kami just because we're not working together, especially because hindi lang naman work yung pagkakaibigan namin. O hindi naman ibig sabihin nag-stop yung project, wala na rin. It will never stop," says KC Concepcion about her relationship with leading man Piolo Pascual.


By this time ay maaaring nakaalis na ng bansa si KC Concepcion patungong Las Vegas, Nevada. Kasama si KC na magpe-perform sa concert ng ina niyang si Sharon Cuneta roon.

Pero bago umalis, tinapos muna ni KC ang taping ng teleserye nila ni Piolo Pascual na Lovers in Paris. Dahil dito, hindi na sila ganun kadalas na magkikita at magkakasama ni Piolo, bagama't hanggang December 11 pa naman mapapanood ang kanilang teleserye.

Bago rin umalis si KC ay nakausap muna siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, "I'm still recording for my second album. Tapos meron kaming misyon with some celebrity partner sa U.S. Meron din kaming activities doon. Kami po ni Piolo, we both agreed na habang we're young, habang bata pa kami ni PJ [palayaw ni Piolo], yung bugbugin namin ang sarili namin sa trabaho. So, yun ang ginagawa namin!"

Paano na ang relasyon nila ni Piolo kapag naging busy na sila pareho sa ibang projects nila?

"Hindi naman nag-i-stop yung kung anumang meron kami just because we're not working together, especially because hindi lang naman work yung pagkakaibigan namin. O hindi naman ibig sabihin nag-stop yung project, wala na rin. It will never stop," paglilinaw niya.

Pagbalik niya ng Pilipinas, sisimulan na ba niya ang bago niyang project sa Star Cinema?

"Wala pa pong confirmation. Babalik po ako before Christmas," sabi ni KC.

THREE FAMILIES. Kanino ba siya magpa-Pasko, sa mommy niya or with her dad na si Gabby Concepcion?

"Pareho," nakangiting sagot ni KC. "Tatlo-tatlo na nga po ang pamilyang pupuntahan ko, eā€”Cuneta, Pangilinan, and Concepcion."

Alin ang uunahin niyang puntahan?

"E, siyempre yung sa mother side. Kasi lola ko nandun. I mean, siya yung... puno."

Speaking of her lola, kumusta na ang kanyang "Mamita" na si Mrs. Elaine Cuneta?

"Actually, strong pa rin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boto ba ang Mamita niya kay Piolo?

"Ay, actually yung buong family ko naman puro boto sa kanya. Wala pong problema sa pamilya ko. Wala namang against kay Piolo, sa totoo lang," sagot ni KC.

What about sa side ng ama niyang si Gabby?

"Wala, walang against."

NO NEED TO RUSH. Hindi kaya tuluy-tuloy na talaga ang magandang pinatutunguhan ng kung anumang meron sila ni Piolo?

"Ibig sabihin lang niyan, na isang mabuting tao si Piolo. Kasi kung meron naman silang nakikita, agad naman nilang sasabihin yun sa akin, e. But you know what? Ayaw naming ma-rush. For me, if you're gonna spend the rest of your life with someone, there's no need to rush. So, parang ganun din 'ata sa kanya. Na parang ang dami pang puwedeng mangyari."

Pinaalalahanan namin si KC na hindi na bumabata si Piolo. In fact, magiging 33 na si Piolo sa January 12 next year.

"Yes, pero maganda kasi yun... ewan ko. Yun na 'yon," sabay iwas ni KC.

Sinabi naman ni Piolo sa past interviews niya na kapag nandiyan na yung babaeng gusto niya, handa na siyang magpakasal.

"E, gusto rin niyang magtrabaho!" natatawang reaksiyon ni KC.

CHRISTMAS GIFT FOR PIOLO. Nang tanungin ng PEP si KC kung may naiisip na siyang iregalo sa pamilya niya, sinabi niyang wala pa. Pero para kay Piolo ay meron na raw siyang idea.

"Sa States ko bibilhin kasi wala dito," sabi pa ng dalaga.

Pabango ba ito?

"No, no. Hind rin gadget. It has something to do with sa hilig niya."

Ano ba ang hilig ni Piolo?

"E, malalaman na niya [pag sinabi ko]!" natatawang sabi ni KC.

KC'S NEXT LEADING MAN. Sa mga nakapareha na ni KC sa mga TV show niya sa ABS-CBN at pelikula, sila ni Piolo ang sinasabing Sharon Cuneta-Richard Gomez ng bagong henerayson. Mas ma-identify raw si Piolo na ka-love team ni KC dahil sa teleserye nilang Lovers in Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang pressure on KC's part?

"Ako naman, I'm looking forward for my next project with PJ. I would love to do a movie with him. I would love to do more projects with him."

Mahihirapan na raw ang mga susunod na magiging leading man niya na lumebel sa love team nila ni Piolo. Naniniwala ba siya rito?

"Well, ako rin naman, sa kanya rin naman... He came from Ate Juday [Judy Ann Santos], di ba? If he's really decided sa kanyang plan to get married for the next two years, e, di kung nawala kay Ate Juday, e, di baka ma-accept din ng tao yung ibang leading man sa buhay ko.

"Hindi naman ako nakikipagkumpitensiya sa partner ko or anything. Ako naman din, I will take the lead of my leading man sa lahat ng mangyayari sa amin. So, depende rin yun sa next leading man ko," saad niya.

May naisip na ba siya kung sino ang susunod niyang leading man?

"Wala pa naman po."

May balita na baka itambal siya sa dating leading man at manliligaw ng mommy niya na si Robin Padilla. In fact, nag-react na nga raw si Sharon sa posibilidad na itambal siya kay Robin. Ano ang masasabi ni KC dito?

"Talaga? I'm sure nagbibiro lang yun. Alam niya lahat nai-in love kay Tito Robin. Pero tito ko siya," sabi ni KC.

Sabi, matinik daw si Robin at walang pinalalampas.

"Hindi naman. Siguro naman may respeto siya sa nanay ko," diin ni KC.

Sa kabila nito, matindi raw kasi si Robin pagdating sa babae. 'Ika nga nila, Robin Padilla is still Robin Padilla.

"E, Sharon Cuneta naman po ang nanay ko," seryosong sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN