Ranillo family claims getting death threats because of rumored Krista-Manny affair

The family of sexy star Krista Ranillo has issued an official statement to the media in connection with rumors linking Krista to boxing champ Manny Pacquiao. The Ranillo family says they are receiving death threats because of this issue.


Sa kabila ng pagsasalita ng mga taong sangkot sa isyung may relasyon diumano sina Manny Pacquiao at Krista Ranillo, hindi pa rin matigil-tigil ang usap-usapan tungkol dito.

Ang pinakahuling balita nga ay nakakatanggap na raw ng death threats ang pamilya Ranillo bunsod ng pag-uugnay kay Krista at sa Pambansang Kamao. Ito ang isiniwalat ng kampo ni Krista sa isang statement na ipinadala nila sa media kahapon, November 25.

Ayon sa kampo ni Krista, ang death threats na ito ay galing diumano sa mga hindi kilalang tao "who are claiming that such inappropriate relationship exists."

Dagdag pa ng legal counsel at spokesman ng mga Ranillo na si Atty. Tonisito Umali, ang death threats na ito raw ang isa sa malaking dahilan kung bakit hindi pa bumabalik ng Pilipinas ang pamilya Ranillo.

Nasa U.S. pa rin ang pamilya ni Krista. Nagpunta sila roon upang manood ng laban ni Manny kontra kay Miguel Cotto at para sa major operation ng bunsong kapatid ni Krista na si Trixie.

Sa statement, na pirmado ng ama ni Krista na si Mat Ranillo III, mariin nilang pinabulaanan ang nababalitang relasyon diumano nina Krista at Manny.

Nakasaad sa statement ang mga sumusunod:

"Our family is deeply saddened by the continuing negative publicity being hurled upon us as a result of the alleged inappropriate relationship of Ms. Krista Ranillo with Mr. Manny Pacquiao.

"We thought that our silence will stop all these lies being peddled in the Philippine media by some unscrupulous people."

Nakikiusap din ang pamilya Ranillo sa media "to exercise balance, fairness and accuracy in their reporting."

"DEROGATORY AND UNTRUTHFUL COMMENTS." Ayon pa sa official statement ng mga Ranillo, pinag-aaralan na raw ng kanilang abugado kung na-violate ng mga palabas sa TV, news programs, at major broadsheets ang karapatan ng pamilya Ranillo sa pag-uulat ng diumano'y relasyon nina Krista at Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-aaralan na rin daw ni Atty. Umali ang "derogatory and untruthful comments" ng aktres na si Gina Alajar sa kanyang Facebook account—na unang inilabas ng The Buzz—at iba pang personalidad sa media "to determine whether such comments are considered unprotected speech or libelous."

"Pinag-aaralan kong mabuti kung ano ang pananagutan ni Ms Gina Alajar.... very, very defamatory, very, very libelous," saad pa ni Umali sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Sa hiwalay na panayam naman kay Gina, sinabi nitong: "I can say anything and everything in my profile. Nobody can stop me." Sa isa pang interview ay sinabi ng aktres na "unsolicited advice" lamang daw niya sa misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao ang isinulat niyang shoutout sa kanyang Facebook account.

Samantala, hindi na raw maglalabas ng iba pang statement ang Ranillo family "so as not to jeopardize our attorney's efforts to study the legal implications of this negative publicity to our individual rights."

KRISTA'S MANAGER DEFENDS HER. Sa panayam naman ng ABS-CBN News sa manager ni Krista na si Arnold Vegafria, na kararating lang mula sa Europe, sinabi nitong labis na nasasaktan ang kanyang alaga sa hindi raw makatarungang akusasyon laban sa kanya.

Iginiit din ni Arnold na magkaibigan lamang sina Krista at Manny, taliwas sa mga naglalabasang balita. Naging close daw ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikulang Wapakman, entry sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Pinabulaanan din ng manager ni Krista ang report na tumanggap ng halagang P200 million ang kanyang alaga mula kay Manny.

"Wala raw ibinibigay si Manny sa kanya... kahit balato. They are just friends. In-invite lang daw sila doon ng mga kaibigan to watch the fight... Mainit ang isyu kaya hindi na lang sila nanood ng fight," pahayag ni Arnold.

Hindi naman nagkomento si Arnold tungkol sa mga naglabasang litrato nina Krista at Manny na pinaniniwalaang kuha sa Baguio, sa kasagsagan ng training ng Pambansang Kamao doon. Hindi pa raw nakikita ng manager ni Krista ang mga naturang larawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat inamin niya na nagpunta nga si Krista sa Baguio, wala raw itong kinalaman kay Manny. Nagpunta raw ang kanyang alaga doon para sa endorsement deal nito. Nagkataon lang daw na nandun din si Manny para sa kanyang training.

Sinabi rin ni Arnold na nalungkot ang buong pamilya Ranillo dahil sa isyu kina Krista at Manny. Idinagdag pa niya na hindi pa kayang humarap sa publiko ni Krista dahil nasasaktan pa rin ito, pero siniguro nitong babalik sa Pilipinas ang alaga "soon." Kailangan daw kasi nitong harapin ang mga naiwan niyang trabaho rito, kasama na ang nalalabing mga eksena niya sa Wapakman at taping para sa Agimat ng ABS-CBN.

"Mabait na bata 'yon. Matalino at alam niya ang ginagawa niya," pagtatanggol pa ni Arnold kay Krista.

Pinayuhan din niya ang kanyang alaga na mag-relax at huwag masyadong mag-alala. "In every problem, there's always a solution," sabi ni Arnold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN