Mocha denies riding on the Krista-Manny controversy

"Sa totoo lang, hindi naman ako nakikisawsaw. Bago pa kasi lumabas yung isyu kina Krista at Manny ay lumabas na sa isang men's magazine yung kissing photos namin ni Krista (inset). May video 'yan, pero nangako ako kay Krista na hindi ko ilalabas ito. Kaya nga snapshots lang ang inilabas ko sa photo blog ko," argues Mocha Uson about comments that she's riding on the issue between Krista Ranillo and Manny Pacquiao.


Sumalang sa hot seat ng bagong GMA-7 showbiz program na Chika Minute Explosive kahapon, Nobyembre 25, si Mocha Uson, lead singer ng all-girl group na Mocha Girls. Sinagot niya ang intriga kaugnay ng kumakalat sa Internet pictures nila ni Krista Ranillo habang naghahalikan.

Unang lumabas ang mga naturang larawan sa photo blog ni Mocha. Ang mga pictures na ito ay grab mula sa kissing video scandal nina Mocha at Krista. Marami ang naintriga at gustong malaman ang totoong kuwento sa likod ng mga larawan.

Sa Chika Minute Explosive ay ipinakuwento ng host nito na si Pia Guanio kay Mocha kung paano niya napapayag si Krista na makipaghalikan sa kanya, lalo na nga't nagsimula lang ito sa isang dare.

Kuwento niya, "Well, unang-una, I was doing my press conference para sa aking cover for a sexy men's magazine and tamang-tama, napadaan siya [Krista] sa office ng magazine na 'yon. Then we were introduced to each other. And advocacy ko kasi doon sa magazine na iyon, and for me, is to open the eyes of the people to a whole new level of sexuality para sa isang tao. So, lahat ng female celebrities na makasalamuha ko ay tinatanong ko kung naka-experience na sila ng [lesbian] kiss.

"Tinanong ko si Krista Ranillo and sinabi niya na hindi pa raw. So, tinanong ko sa harap ng maraming tao na, 'Okay lang ba, I'll be your first kiss?' And pumayag siya. Happy ako na napapayag ko siya. Magkatrabaho kami because we both contribute for that magazine, kung saan sex columnist siya and I was a photo blogger. Siguro parang support na rin doon sa magazine na yun. I really find her sweet and friendly."

NOT RIDING ON KRISTA-MANNY ISSUE. Kasabay ng pagkalat ng photos ay ang paglabas ng intrigang nakikisawsaw lang daw si Mocha sa kasikatan ngayon ni Krista dahil sa pagkakaugnay nito kay Manny Pacquiao. Diretsahan tinanong ni Pia si Mocha kung nakikisakay nga lang ba siya kay Krista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, unang-una, hindi nila nabasa kung ano yung nakalagay sa blog ko. Please check it out... Dahil hindi lang naman si Krista ang nandoon. At Pia, kung nakikisakay lang ako sa isyu na ito... Alam mo yung website na celebritynation.tv, which is an international website, in-email nila yung kampo ko. Gusto nilang ipalabas yung kissing video namin ni Krista sa website nila. So, kung makikisakay lang ako, then why not do it internationally? E, hindi naman kasi yun ang intensyon ko, e," sabi ni Mocha.

Tinanggihan nga ng kampo ni Mocha ang alok ng celebritynation.tv para ilabas ang naturang kissing video scandal. Ang naturang website ang naunang naglabas ng video ni Manny Pacquiao habang sakay ng kanyang kotse at may kasamang isang mysterious girl, na sinasabing si Krista.

Kaugnay din ng naturang kissing photos and video, hiningan ng Chika Minute ng pahayag ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria habang nasa ibang bansa pa ito.

"I am totally unaware about the pictures from the blog. I have to talk to Krista first about this because I'm in Holland right now. Mag-uusap kami pag-uwi ko. Noon third party... ngayon naman lesbiyana na. I would have to talk to her muna."

MOCHA'S BLOG ENTRIES. Nauna nang nailathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang istorya tungkol sa kissing pictures nina Mocha at Krista. (CLICK HERE to read related story.)

Kung tutuusin, higit sa pictures, matindi rin ang mga isinulat ni Mocha sa kanyang blog entry na may pamagat na "Krista Ranillo: Knockout" dated November 19, na patungkol naman sa issue ng diumano'y relasyon nina Krista at Manny.

Sinabi rito ni Mocha na: "In regards to the Krista-Pacman issue... I love to have fun and play around, get dirty and all. But my number one rule: the guy must be single. Smart women don't mess around with married men. If these allegations are not true, I would tell Krista to be strong and take heart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan pa ito ng isang pang blog entry na may titulong "I'm Liberated But NOT a Home Wrecker (Krista ranillo: Knockout Part 2)" dated November 21, kung saan sinasabi ni Mocha na: "I am not writing this to destroy anyone. As a matter of fact, I know some informations about this issue that will change your judgment but I refuse to talk about it here on my blog."

Mas matitindi pa ang mga sumunod na pahayag ni Mocha sa blog niya: "Call me the worst words, call me anything you want. But I am absolutely not a homewrecker. When I first heard about the Krista-Pacquiao issue I got mad... very, very mad. I'm not saying the story is true but the idea of being a home wrecker makes me furious. I am not a perfect person. I do things beyond the "normal" but I never involve myself with a married man. I am not riding in this issue."

NO INTENTION TO DESTROY KRISTA & MANNY. Kagabi, Nov. 25, ay nakausap ng PEP sa telepono si Mocha upang hingan ng mga karagdagang pahayag. Una naming tinanong kay Mocha kung nasaktan ba siya na may mga nagsasabing nakikisawsaw lang siya sa popularity ni Krista?

"Siyempre naman nasaktan din ako," sagot niya. "Hindi naman ako plastic na tao para sabihin ko na okay lang ako at hindi ako nasaktan. Sa totoo lang, hindi naman ako nakikisawsaw. Bago pa kasi lumabas yung isyu kina Krista at Manny ay lumabas na sa isang men's magazine yung kissing photos namin ni Krista. May video 'yan, pero nangako ako kay Krista na hindi ko ilalabas ito. Kaya nga snapshots lang ang inilabas ko sa photo blog ko."

Hindi lang naman daw si Krista ang babaeng artista na nakahalikan na niya. Ilan pa raw sa female celebrities na may kissing photo with her ay sina Andrea del Rosario, Maui Taylor, Aiza Marquez, Precious Adona, Katya Santos, Jaycee Parker, at ilang international models. Nagkataon lang daw na si Krista ang pinag-uusapan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero never kong sinabi sa blog ko na bisexual o lesbian si Krista. Ako, oo, umaamin ako na bisexual ako. Wala akong intensyong sirain si Krista," diin niya.

Ayon pa kay Mocha, walang sinuman ang puwedeng magbawal sa kanya kung ano ang gusto niyang ilagay sa blog niya.

"Katulad ng ibang bloggers, I can put anything I want sa blog ko. I can say anything I want because this is my blog. It's my online diary. And I have the freedom to do that. I'm a very vocal person. I say what I want to say. Di ba, ugali naman natin na kapag may nakita tayong mali, kapag may hindi tayo gusto ay humahanap tayo ng paraan to express it? It just so happen na ang way of expression ko is through my blog.

"At saka wala naman akong panloloko na ginawa, hindi naman daya yung mga pictures namin ni Krista. Hindi siya pinotoshop. Totoo lahat yun. Open din ang blog ko for comments, ke positive man o negative puwede n'yong sabihin dun."

Sinasagot niya lang din daw ang tanong ng mga tao sa kanya.

"At saka yung sa Manny-Krista issue, sinasagot ko lang naman yung mga tanong sa akin, e. Kung ano raw ang feeling ko about the issue? Sinabi ko lang na kung sa akin ibabato ang isyu na 'yan, napakaimposibleng mangyari sa akin dahil I don't go for married guys. Hindi ako perpektong tao. Hindi ako santa. Liberated ako, pero hindi ako stupid. Hindi ako home wrecker. Alam ko naman na maling-mali yung makisama ka sa isang may asawa na, sa isang pamilyadong tao."

Gusto lang ding linawin ni Mocha na wala siyang sinabi sa blog niya na kinukumprima niyang may relasyon sina Krista at Manny.

"Yun na nga. Meron ka bang mababasa sa blog ko na direkta kong sinabi na, 'Oo, kabit ni Manny si Krista?' Lahat ng laman ng blog ko ay nakabase lang sa mga tanong sa akin at sa mga nararamdaman ko. Sinasabi ko lang na if the issue is true, I will tell Krista to stop it," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya niya bang harapin si Krista kapag nagkita sila ulit?

"Oo naman. Hindi ako natatakot, wala akong dapat ikatakot dahil alam kong wala akong kasalanan sa kanya."

Ano ang message niya sa mga detractors niya?

"Ayoko na lang silang pansinin. Bahala sila sa buhay nila. Matutuwa lang sila lalo kapag pinansin mo sila e. Hindi sila worth it. Mas gusto kong pansinin at pasalamatan ang mga taong may bukas na isip at malawak ang pang-unawa sa mga ginagawa ko. Silang mga sumusuporta sa akin ang nagbibigay ng inspirasyon para mas pagbutihan ko pa ang pagiging singer at performer ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN