Katrina Halili on fight for justice: "Dasal pa rin at tapang ang kakampi ko."

Katrina was exultant but remained dry-eyed when she heard about the revocation of Hayden Kho Jr.'s medical license. "Ayoko nang magpakita ng kahinaan ko. Magiging firm na ako kapag ito na ang pinag-uusapang bagay. Sa Rosalinda na lang ako umiiyak," smiled the actress.


Maganda ang aura ni Katrina Halili nang bisitahin namin siya sa set ng Darna sa Bulacan. Bukod sa first taping niya iyon para sa top-rating telefantasya ng GMA-7, lumabas noong November 20 ang decision ng Professional Regulation Commission na i-revoke ang lisensiya ni Hayden Kho Jr. bilang doctor.

Natuwa si Katrina dahil natupad ang isa sa mga pinagdarasal niya na mangyari. Panay nga raw ang pasalamat niya sa Diyos dahil hindi napunta sa wala ang kanyang pinaglaban sa taong ito.

"Marami na akong iniluha at mga naisakripisyo. Maraming nawala sa akin nang dahil sa ginawa niya [Hayden] sa akin.

"Hindi lang naman ako ang masaya kundi pati na ang buong pamilya ko at mga taong sumuporta sa akin. Hindi nabale-wala ang mga pinaglaban namin. Una nga ay ang masampahan na siya ng kaso ng DOJ [Department of Justice], tapos itong pagtanggal ng license niya bilang isang doctor. Kaya maraming salamat sa Diyos talaga," ngiti ni Katrina.

EFFORTS BEAR FRUIT. May trabaho siya noong araw na iyon nang may tumawag sa kanya upang ibalita ang pagkansela ng lisensiya ni Hayden. Pinakumpirma pa raw niya ito sa ilang tao hanggang sa makuha na niya ang official na pahayag ng PRC.

"Para akong nabunutan ng isa pang malaking tinik sa dibdib ko. Talagang napangiti ako sa balitang iyon. Pero hindi na ako naiyak. Talagang sobrang napangiti ako at nagsabi ako ng thank you kay God.

"Patunay lang naman ito na nasa tama ako at may pinaglalaban ako. Kahit na alam kong makakasira sa akin ang lumaban, still ginawa ko at hindi ko na naisip ang mga mawawala sa aking mga trabaho.

"Pero sobrang pasasalamat ko pa rin sa GMA-7 dahil despite everything, nandiyan sila for me. Binigyan pa rin nila ako ng role sa Rosalinda at ngayon binigyan ako ng role sa Darna. Pati na ang mga sponsors ko na Bench at Kawasaki, nandiyan pa rin sila para suportahan ako. Tapos yung mga publications na kinukuha pa rin akong mag-cover ng magazines nila, naniwala sila sa pinaglalaban ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, pasalamat din ako sa iba't ibang organizations na tumulong sa akin. Hindi ko na sila mapangalanan lahat pero kilala ninyo kung sino kayo. Taus-puso ang pasasalamat ko sa inyong mga grupo."

FIGHT NOT OVER. Pero, dagdag ni Katrina na hindi pa daw tapos ang laban. Patuloy pa rin daw siyang makikipaglaban dahil may mga ibang kaso pa sila na hindi pa natatapos.

"Hindi naman dito nagtatapos, e. Meron pa kaming hinihintay. Nakakadalawa pa lang naman. Dasal pa rin namin na makuha namin lahat ng mga pinaglaban namin at doon lang kami makaka-claim ng victory. Sa ngayon, dasal pa rin at tapang ang kakampi ko."

Inamin ni Katrina na matagal na raw siyang hindi umiiyak. Last na iyak niya sa publiko ay noong mag-guest siya sa Showbiz Central.

"After no'n sinabi ko na ayoko nang magpakita ng kahinaan ko. Magiging firm na ako kapag ito na ang pinag-uusapang bagay... Sa Rosalinda na lang ako umiiyak dahil trabaho na iyon, e," sabay tawa niya.

REPENTANCE AND FORGIVENESS. Sa kabila ng lahat, handa naman daw si Katrina na magpatawad. Pero magpapatawad lang siya sa taong humihingi ng tawad sa kanya.

"Hindi naman siguro aabot sa puntong ito kung may humingi lang ng sincere na sorry ang isang tao sa akin. Yung talagang galing sa puso niya ang paghingi ng sorry sa akin at sa pamilya ko.

"Pero wala akong natanggap na ganyan. Tinakot pa ako at kung anu-ano pa ang mga sinasabi nila. Kaya sayang lang. Too late na para magpatawad ang kahit na sinong tao sa mga ginawa nila sa akin at sa ibang tao.

"Magpatawad man ako ngayon, nandiyan na ang mga desisyon ng DOJ at PRC. Hindi na mababawi iyon."

SERPENTINE PLOT TWIST. Pagkatapos ng Rosalinda ay nabigyan ulit ng magandang role si Katrina sa Darna bilang ang nagdalaga nang si Serpina. Si Serpina ay kapatid ni Valentina (Iwa Moto) at anak ni Roma (Nadine Samonte) kay Cobra (Paolo Contis) na ama rin ni Valentina sa ina niyang si Soledad (Janice de Belen). Magkakaroon ng mala-love triangle twist sa pagpasok ni Katrina dahil magkakagusto rin ito kay Eduardo (Mark Anthony Fernandez) na siyang minamahal nina Narda/Darna(Marian Rivera) at Valentina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in guguluhin ko silang lahat dito sa pagpasok ko!" tawa ni Katrina. "Pag-aagawan namin si Eduardo at madugong paglalaban ang magaganap sa amin nila Darnaat Valentina. Exciting nga ang storyline na binigay sa akin kaya na-excite talaga akong mag-taping na."

Itong Darna ang unang pagkakataong makatrabaho ni Katrina si Marian Rivera muli, magmula pa noong Marimar in 2007.

"Puro mga pa-hi and hello lang kapag nagkakasalubong kami sa GMA-7. Naging sobrang busy kami talaga after ng Marimar."

Looking forward siyang makasama muli ang dating katunggali sa harap, at panandaliang sa likod, ng camera.

"Pagkatapos na maintriga kami, noong magtapos ang Marimar ay naging magkaibigan kami. So, ngayon pa lang ulit kami magkakasama at hindi pa kami nagkikita. Pero sa isang taping day ay doon na kami siguro makakapagkuwentuhan ulit."

WORKING HOLIDAY FOR KATRINA. Sa darating na Pasko ay baka dito lang daw sa Manila ni Katrina. Every Christmas kasi ay umuuwi siya sa Palawan para makasama ang kanyang pamilya. Pero this year ay baka ang family niya ang pupunta dito for the holidays.

"Balak kasi naming ipa-bless ang bahay na pinagawa ko sa El Nido. Pero sabi ko na next year na lang para mas maayos na siya. Tapos may bahay din ako sa New Manila na binabayaran at pinapaayos din.

"E, this Christmas, sayang naman ang mga raket na darating. Pambayad ko rin iyon sa kung anu-ano, di ba? At for sure, yung taping ng Darna aabot hanggang mag-Pasko."

Loveless si Katrina this Christmas.

"Totoo yan. Walang lovelife muna talaga. Puro trabaho muna tayo. Kaya ko naman, e. Gusto kong maging productive bago matapos ang taon at sa pagpasok ng 2010," pagtatapos ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN