Boy Abunda's reality talk show Bottomline premieres tonight on ABS-CBN

The King of Talk's latest program promises to be a blend of reality TV and talk show. Check it out tonight at 11:45 p.m. on ABS-CBN.


Magsisimula ngayong 11:45 p.m., Sabado, November 28, ang Bottomline, ang bagong programa ni Boy Abunda sa ABS-CBN.

Kakaiba ang show na ito ng tinaguriang King of Talk of Philippine TV dahil sa kanyang konsepto. "Hybrid production" ang tawag nga ni Boy dahil gawa ito ng Current Affairs at ng Entertainment departments ng ABS-CBN.

Kasama sa magiging guests ay mga social scientists, philosophers, commentators, spiritual leaders, political figures, etc.—mga interviews na di angkop sa ibang shows ni Boy na The Buzz o SNN: Showbiz News Ngayon.

Ayon sa website ng ABS-CBN, ang Bottomline ay isang "reality talk show" kung saan hindi lamang sa mga guests o sa host umiikot ang programa kundi maging sa isang "group of opinionated people with different stances on a subject." Sila ang tinatawag na mga "bottomliners," kumbaga mga taong gustong sisirin ang pinakailalim ng isang topic.

Magpapalit ang bottomliners depending on the guests. Mga six to eight bottomliners ang kukunin sa pool for every episode.

Kaya rin tinawag na "reality talk show" ito ay dahil ipapakita sa viewers ang buong proseso ng story development—mula conceptualization, to brainstorming, to actual execution of the interview, at ang huli ay ang post-mortem o assessment ng interview.

NO ONE ELSE BUT BOY. Ayon sa program notes pa rin ng website, "The show didn't exist outside of Tito Boy," sabi ng production manager ng Bottomline na si Vince Rodriguez. "He was really the central figure. So this is really his show. It couldn't have gone to anyone else."

Dagdag pa niya, "He's really passionate about it. He's very excited because this is something that he really wants to do. He's an excellent conversationalist. He likes talking to people. He likes picking the brains of people. And he's very well-read. He watches a lot of news and current affairs programs. He likes learning. So I think he enjoys the interviews because he also learns from them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-tape na ang Bottomline ng ilang episodes bago pa man ang pilot telecast mamayang gabi, kuwento ni Boy nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ang SNN, ang show nila ni Kris Aquino.

"Hindi ko pa alam kung alin doon ang uunahin nilang ipalabas. Pero nainterbyu ko na sina Speaker [Prospero] Nograles at si Attorney Lorna Kapunan. Ipon lang kami nang ipon kasi ang schedule ko ngayon SNN Monday till Friday. I have The Buzz on Sunday. And then I go to school."

GRATIS FOR NOYNOY. Abalang-abala rin si Boy sa pagtulong sa kandidatura ni Senator Benigno "Noynoy" Aquino III. Magkatulong sila ni Kris sa pagbuo ng MTV campaign ni Senator Noynoy na "Hindi Ka Nag-iisa."

"Siguro you can call me as the producer, oo. Pero naging madali yun dahil lahat ng naging involved doon sa MTV na yun idinonate ang kanilang serbisyo nang libre. From Onat Diaz the director to Shane Zarte the DOP [director of photography]. The equipment is donated by the great Tony Tuviera, by the great Dondon Monteverde, our advertising agency, MAD88, lahat ng serbisyo.

"Di ba meron doon sa ending, merong 'Made Possible By'? Totoo lahat yun. Di ba sa mga commercial kapag sinasabi nila donated by, for the sake of donated by? Eto, lahat ng effort donated by.

Sino ang nagbayad ng airtime?

"Ay, si Kris. She's spending her own money. Itong mga nai-air ngayon, pera ito ni Kris na napag-ipunan. Ah, pero padahan-dahan lang. Kung napapansin ninyo may mga araw na pinapalabas, may mga araw na hindi. Kasi wala naman talaga kaming pondo. Yung [exposure sa] Eat Bulaga!, kami ni Kris, ako ang lumuhod niyan.

"Ah, no. Hindi naman lumuhod, it's not lumuhod kasi napakabait ni Mr. [Tony] Tuviera. Libre lahat yun. Yung airing, libre yun. Mr. Tuviera is not even here. I'd like to thank Ms. Malou Fagar, oo. Kasi kahit wala si Mr. Tuviera, Malou Fagar took good care of me. One phone call, I was on air.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was work pero ang gaan-gaan. Parang station ID, one hour you're done. Ako, nandu'n pa ako sa bangka. Ang sarap makipagtrabaho doon sa mga tao na nagbibigay din ng kanilang sarili sa proyekto."

Meron bang binabalak na second MTV campaign for Senator Noynoy?

"Sana , but I don't think we can afford one," diretsahang pag-amin ni Kuya Boy.

A THOUSAND BOOKS. Para sa birthday niya last month, pinangako ni Kris na reregaluhan siya ng one thousand books para sa kanyang Amazon Kindle, isang wireless device para sa pag-upload at pagbabasa ng e-books.

Kuwento ni Kris, "Ano ba ang pinaka-love niyang gawin? Magbasa. Eto yung 60 seconds from Amazon diretso doon sa reading device mo... I promised him one thousand of those books ang ireregalo ko. It's about $12 per book.

"Hindi pa naa-upload. Nililista pa niya lahat ng favorite authors niya... You cannot buy happiness, they say, pero this is the closest of buying him happiness... Kasi kaming dalawa, kaya naming dedmahin ang buong mundo. Read lang kami nang read, happy."

"Mahal din yun, ha," sabi ni Boy. "In the next two years, P600,000 worth din yun."

Bukod sa mga e-books, niregaluhan din ni Kris si Boy ng isang cruise—di lang alam ni Boy kung kailan niya magagawa ito.

"Kasi ang schedule ko nga, di ba?... Yung cruise naman, it's open. Anytime I would like to go to a cruise I'm sure she'll pay for it. She said it," sabi ni Boy.

Pero ngayong Disyembre, trabaho muna. Magho-host siya sa Las Vegas ng isang talent show, na ang pangalan ay tila di niya kabisado. "You've Got Talent. Parang Pilipino, Pinoy... hindi, e. Parang ang title nila, Show Me Your Talent. Or Pilipino or Asian Show Me Your Talent...

"I'm supposed to go to Las Vegas on December 3 to December 6. Pero hindi pa ako sigurado. Kapag matuloy 'yan, tutuloy ako ng New York. Magbabakasyon ako ng isang linggo. Tapos uuwi na ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang ang magiging bakasyon ko for 15 years na hindi trabaho, ha," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN