Zanjoe Marudo earns kudos for pivotal court scene in Lovers in Paris

Before shooting the scene, director FM Reyes told Zanjoe, "Eto yung eksena na mababawi mo ang loob ng tao. Lahat ng galit sa 'yo, babaligtad. So, dapat magawa mo nang tama yung eksenang ito." And according to the cast and crew, Zanjoe delivered.


Todo papuri ang ibinato kay Zanjoe Marudo ng co-stars niya sa thanksgiving party ng Lovers in Paris kamakailan. Maraming nagalingan sa pagganap niya sa papel na Martin.

Humanga ang direktor nilang si FM Reyes sa ipinakita ni Zanjoe sa court scene, na ipapalabas sa huling dalawang linggo ng teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Malaki raw ang chance ni Zanjoe na mapansin ng award-giving bodies sa telebisyon sa madamdaming eksenang ito with Piolo Pascual and KC Concepcion.

"Ah, siyempre, nagagawa ko lang naman yung trabaho ko dahil sa kanila," mapagpakumbabang sinabi ni Zanjoe.

Ginalingan ba niya dahil na-challenge siya kay Piolo sa eksena nila?

"Hindi naman natsa-challenge lang," sersoyosong sagot ni Zanjoe. "Mas natsa-challenge pa ako doon sa, hindi sa mga artistang kasama ko, kundi dito sa role na ginagampanan ko bilang si Martin na ka-triangle ni Piolo at ni KC.

"Dapat ma-confuse ang tao... Kasi yun naman dapat talaga ang triangle, e. Hindi lang porke sila ang loveteam, okey na. Dapat ikaw manonood ka, maguguluhan ka, kung sino ba ang gusto ng tao para doon sa babae."

BEING "MARTIN." Para ma-motivate niya ang sarili niya, kinilala niya nang husto si Martin, "kung paano siya magmahal, kung paano siya lumigaya, kung paano siya masaktan."

Humugot ba siya sa mga pinagdaanan na niya in real life?

"Actually, yun nga ang problema namin nung umpisa. Na napakalayo nung character sa akin. Yung character napakamartir."

Kaya para makakuha ng emosyon, "pinag-aralan kong mabuti bilang Martin at sa tulong ng direktor, ayun, nagagawa namin nang tama. Habang nagti-taping kami, sa umpisa medyo mangangapa ka muna. Sa susunod na taping... kahit i-explain lang sa 'yo nang konti, naiintindihan mo na agad kasi ikaw na mismo yung gumaganap, e."

Seryoso talaga si Zanjoe sa kanyang acting career. Noon pa man ay "hindi ko naman ginagawang laro yung work... Kaya lang ngayon lang ako nabigyan ng ganitong klaseng character na medyo malalim na ano. Kasi ang lagi kong ginagawa fantasy, comedy... Kaya masaya ako na meron akong ganito na mapapakita ko ang ibang side ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago daw kinunan yung court scene ay pinag-diinan ni Direk kung gaano kahalaga ang eksena sa istorya at sa karakter niya. "'Eto yung eksena na mababawi mo ang loob ng tao.' Kasi magagalit ang mga tao sa akin sa loob ng tatlong linggo. 'Eto lang ang eksena para mabawi mo lahat-lahat. Lahat ng galit sa 'yo, babaligtad,' sabi niyang ganun. 'Kapag hindi mo magagawa nang tama baka kagalitan ka ng mga tao. So, dapat magawa mo nang tama yung, itong eksenang 'to.'"

PIOLO'S SUPPORT. Hindi kaya kabugin niya si Piolo sa last two weeks ng Lovers in Paris?

"Hindi naman mangyayari yung ganung bagay. Piolo Pascual is Piolo Pascual. And ako, natutuwa na, actually, hindi lang ako kundi lahat ng tao natutuwa... yung suportang binibigay niya sa akin, pinapabayaan niya akong mag-shine. Pinapabayaan niya ako na gawin ang gusto ko. Kung moment ko 'to, moment ko 'to.

"Minsan nga kahit moment na naming dalawa, binibigay pa rin niya sa akin."

Number one fan daw niya ang girlfriend na si Mariel Rodriguez. "Kahit pangit ang gawin ko, para sa kanya maganda pa rin yun."

Naaadik daw ngayon ang aktor sa golf. Kahit dito ay sinusportahan siya ng girlfriend, dahil niregaluhan siya ng gamit noong birthday niya.

"Nung umpisa wala talaga akong hilig... Naintriga lang ako kung bakit ang daming naglalaro ng golf. Bakit ang daming pamalo? Bakit gustung-gusto nila? At saka sa golf, naglalaro ka ng sports mo pero pumoporma ka. Maganda ang suot mo. And gusto ko ring sumali sa mga local [celebrity competitions] like Goma Cup. Last Thursday sumali ako sa first Pidol Cup, yung kay Dolphy sa Binangonan. Sina Epi [Quizon] ang nag-organize."

Kung hindi magkatugma ang Christmas break nila ng girlfriend, wala siyang gagawin sa holiday season kundi mag-golf. "Oo, buong December," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng bakasyon may kasunod na siyang series kung saan makakasama niya si Cristine Reyes, sa direksiyon ni Lauren Dyogi.

Kuwento pa niya, "Sana yung movie with Juday [Judy Ann Santos] mag-push through kung hindi magkakaroon ng problems sa schedule. Sa Star Cinema yun with Sarah [Geronimo]. Si Direk Cathy [Molina] ang magdidirek."

MARIEL'S THE ONE. Masasabi ba niya na ang 2009 ang pinakabonggang taon niya so far?

"Yeah, ang daming project. Sinuwerte. Itong 2009 patung-patong ang shows ko. Like sa umpisa pa lang, yung Dyosa. Pumasok yung Parekoy, pumasok yung Banana Split, may The Weddings pa."

Saan napupunta ang kanyang kinikita? "Nasa ano, mga pautang," sagot ni Zanjoe.

Wala pa siyang bahay, "kasi ayokong bumili lang ngayon, gusto kong mag-ipon. Pinapalaki ko pa nang pinapalaki para kapag bibili ako yung maganda na talaga. Hindi lang yung para masabi lang na meron na akong bahay... Hindi talaga ako gagastos kung hindi pa yun ang gusto ko."

More than one year na sila ni Mariel pero wala pa silang balak mag-settle down. "Marami pa kaming gustong gawin. Si Mariel gusto pa niyang umarte. Parang bata pa yun. Ako, siguro hindi ko naman binibigyan ng taning. Siguro hangga't kailagan ako, hanggat gusto ako ng tao," sabi ni Zanjoe.

Pero sigurado na ba siya na si Mariel ang pakakasalan niya?

"Siyempre naman. Alangan namang sabihin ko hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN