Katrina Halili feels ready to work full time in showbiz again

"Malaki pong tulong sa kaso ko yung naging desisyon ng PRC [revoking Hayden Kho Jr.'s medical license]. Pero siyempre, pinapaubaya ko na lang po sa Diyos ang lahat at sa korte. Ayoko naman pong magsalita na panalo na ako, na ako ang lamang," said Katrina.


Last November 20, nagdesisyon na ang Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalan ng lisensiya bilang medical doctor si Hayden Kho Jr. Ito ay may kaugnayan sa reklamong isinampa ni Katrina laban sa cosmetic doctor.

Ayon sa desisyon ng PRC, napatunayan nilang guilty of immorality and of dishonorable and/or unethical conduct si Hayden.

Sa interview niya sa Startalk with Ricky Lo, ang una raw na nadama si Katrina nang malaman ang desisyon ng PRC ay "parang medyo nabawasan ako ng tinik sa dibdib. Kasi parang isa rin yun sa pabigat sa akin, kasi isa rin yun sa ipinaglalaban ko. So, maraming salamat po sa PRC sa desisyon nila... Talagang ipinagdasal ko pong talaga na sana, mabigyan ng hustisya ang ipinaglalaban ko."

Kumusta naman ang kaso sa korte, kailan ang hearing ulit?

"Sa ngayon po, hinihintay na lang po namin kung sino po ang hahawak ng kaso."

Paano niya pinaghahandaan ang hearing na yun?

"Basta po nagdarasal po ako na sana po, makuha ko po ang hustisya."

Ngayong ni-revoke na ng PRC ang lisensiya ni Hayden, nararamdaman ba niyang malakas ang chance ng kaso niya sa korte?

"Malaki pong tulong sa kaso ko yung naging desisyon ng PRC. Pero siyempre, pinapaubaya ko na lang po sa Diyos ang lahat at sa korte. Ayoko naman pong magsalita na panalo na ako, na ako ang lamang."

NO MERCY. May nararamdaman ba siyang kahit katiting na guilt dahil natanggalan na ng lisensiya si Hayden?

"Kahit konti po, wala. Kasi kung nasira siya, sinira rin naman niya ang buhay ko. At lumalaban po ako hindi lang po dahil sa akin kung hindi sa lahat pa ng mga taong ginawan niya ng kababuyan niya."

Naulat sa isang pahayagan na after lumabas iyong video scandal, marami raw ang nakisimpatiya sa kanya at balitang umabot daw ng half a million pesos ang tulong na natanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nagulat ako dahil hindi ko po akalain na may mga tutulong. Wala naman po akong sinasabihan na wala akong trabaho at wala akong pera. Kabibili ko lang po ng bahay ko noong February, di ba? Noong May plinano ko na po siyang ibenta... Noong December, wala na akong mga lumabas.

"Actually, may mga nag-pull out pa. Pati movie ko, hindi ko na... ang dami na pong nawala. Pati projects, mga shows, so, natengga ako sa bahay. Tinanggap ko lahat yun dahil yun po ang consequence sa nangyari."

Kilala ba niya kung sino ang mga nagbigay ng tulong sa kanya?

"Opo... kilala ko po. Mama po ng kaibigan ko. At saka yung mga mayor po sa Palawan, nag-ambag-ambag po sila ng pera, tapos pinadala po nila sa akin. Sobrang nakakatuwa, kasi hindi ko po talaga alam dahil wala po talaga akong sinasabihan na wala akong pera at wala akong trabaho."

Nabalitaan ding nabuntis daw siya at nagpa-abort.

"Hindi ko po alam kung saan nila galing ang isyung yun. E, araw-araw naman po nila akong nakikita sa TV, lalo na po noong lumabas yung isyu ko. Almost every day, sinusundan ako ng media."

Ngayong medyo nabawasan na ang tinik niya sa dibdib, plano na ba niyang mag-full time sa showbiz?

"Tuloy na tuloy na po. Actually, nag-taping na po ako ng Darna. At sana po, abangan nila ako bilang Serpina."

Masyado siyang naging kontrobersiyal ng taong 2009. Ano naman ang mga expectation niya for the coming year?

"Siguro naman po sa bigat ng ibinato nila sa akin, sa bigat po ng hinarap ko, parang wala na po sigurong rurok dun, sana po tapos na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN