Susan Roces still noncommittal on who to endorse in the 2010 elections

"Dapat ay maging mapanuri tayo sa ating ihahalal na pangulo at iba pang mga opisyales. And in my personal opinion, lahat sila ay well qualified. Napakahirap na mag-endorso ng iisa lang. So, alam nila na bilang kaibigan, nandiyan lang ako kung kakailanganin nila ang suporta ko. Pero sa tingin ko naman, they are doing fine without having to ask things like that. Alam naman siguro nila ang sitwasyon," says Ms. Susan Roces.


Ilang linggo lamang ang itatagal ng kauna-unahang ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko, na tinatampukan ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces. Makakasama niya rito sina Christopher de Leon, Gina Alajar, Dante Rivero, TJ Trinidad, JC de Vera, Maxene Magalona, JC Tiuseco, Ynna Asistio, at Jacob Rica.

Magsisimula itong mapapanood sa Telebabad block ng Kapuso network sa December 7.

Sa grand launch ng Sana Ngayong Pasko kagabi, December 1, sa Studio 5 ng GMA Network Center ay isang munting drama presentation ang ginawa ng buong cast. Base sa mga eksenang nasaksihan ng press na dumalo sa launching, wala sigurong hindi maaantig sa drama at kuwentong hatid nito, lalo pa't nagsimula ang kuwento nito sa pinsala na dulot ng bagyong Ondoy.

Malaki naman ang pasasalamat ni Ms. Susan na ang isang artista na nasa kanyang "senior year" gaya niya ay nabibigyan pa rin ng maganda at challenging role. Hindi rin niya itinatanggi na na-miss din niya ang pag-arte. At naniniwala rin siyang hindi dapat sila nakatali sa network's contract or dispute.

"For now, I need not be under contract and I feel very lucky, very fortunate that I can choose where to work with, where the nice project is," nakangiti niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Masaya rin siya sa role na ibinigay sa kanya bilang si Remedios, na nawalay sa kanyang pamilya sa loob ng 30 years at nagkaroon ng sakit na senile dementia.

"Marahil kung bata-bata ako, mahirap maka-relate. Pero dahil ako ay ina na rin, lalo pa't lola na rin, nasa edad na rin akong ganito kaya madali para sa akin na maka-relate sa character ni Remedios. At lahat ng pinagdaanan niya, nakaka-relate din ako sa character ni Remedios sa mga pangyayari, hindi lamang sa buhay ko kung hindi sa buhay rin ng mga kaibigan ko, kamag-anak ko. There's a little bit of Remedios in all the people that I know," saad ng veteran actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang yumao si FPJ ay naging aktibong muli si Ms. Susan sa showbiz at karamihan ng mga ginawa niyang proyekto ay sa ABS-CBN. Dahil sa pagpayag niyang gawin ang Sana Ngayong Pasko, ito na ba ang senyales ng paggawa pa niya ng iba pang projects sa GMA-7?

"Well, sana," nakangiti niyang sabi. "Kahit na manawari ay magkaroon pa ng mga roles na babagay sa edad ko dahil hindi naman madali na dumating ang mga ganyan na role."

Pero dagdag niya, "Kami ay kasalukuyan pang nagte-taping ng iba pang episodes, so we just really deal with it one at a time."

REMEMBERING FPJ. In real life, limang taon na rin magmula nang yumao ang kabiyak ni Ms. Susan, ang King of Philippines Movies na si Fernando Poe Jr. Namatay si FPJ noong December 14, 2004.

Intensiyon ba talaga ni Ms. Susan na maging busy sa ganitong panahon?

"Ever since I lost my husband, I really make sure that I keep myself busy, not only in the month of December. It just became very obvious in the month of December because they often mention him [FPJ]. On the other hand, it's the whole year and I think it would be a lifetime. Missing him would be a lifetime, but missing him would not mean being sad.

"You remember your loved ones, naaalala mo ang mga mahal mo sa buhay, hindi lamang sa pagiging malungkot. Naaalala mo sila dahil ikaw ay may ginagawa na productive. Marahil ito ay Pamaskong handog galing sa langit. Inaari ko na Pamaskong handog na galing sa langit dahil nagkataon na ngayong Pasko nangyari ang proyektong ito," pahayag ng kinikilalang Queen of Philippine Movies.

THE QUEEN'S CHRISTMAS. Kung may mawi-wish siya ngayong Pasko, ano kaya yun?

"Sana ngayong Pasko, lahat ng magkakagalit ay magkasundo-sundo. Magkaroon tayo ng maligayang Pasko. Hindi baleng kakaunti ang handa, hindi yun ang importante. Ang importante ay sana ngayong Pasko, maging masaya tayo kung anuman ang meron tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From my personal experience, in my life, nagkaroon din naman ng hindi kagandahang panahon sa buhay ko. Salat na salat ang aming handa sa araw ng Pasko, pero naging masaya kami dahil magkakasama kami bilang pamilya. Hindi yung kung ano ang ihahanda mo. Sa hirap ng buhay ngayon, dapat talaga lahat tayo maging praktikal. Hindi lang naman sa araw ng Pasko ibubuhos mo lahat or sa araw ng Bagong Taon, meron pa namang ibang araw na dapat mong paghandaan.

"Ang importante, dahil birthday ni Jesus, siya ang dapat nating bigyang galang at ang itinuro niya sa atin ay magmahal sa bawat isa at magkasundo-sundo. So, that's the best Christmas gift ang maibibigay sa isa't isa, ang maging masaya tayo sa araw ng pagsilang ni Hesus."

Paano ba isine-celebrate ng isang Susan Roces ang Christmas?

"Kami, ang celebration namin ng Pasko, katulad ng celebration ng lahat ng pamilya. Nagsisimba kami sa gabi ng Pasko, which is we go to six o'clock mass. Napaka-late na ng 12 o'clock dahil masyado nang aantukin ang mga bata. We have family dinner. Quiet lang naman ang aming Pasko. We see to it na lahat naman, merong bubuksan sa ilalim ng Christmas tree. At ang mahalaga, lalung-lalo na, maaala namin ang isa't isa."

2010 ELECTIONS. Umatras sa pagka-senador ang anak ni Ms. Susan na si Mary Grace Poe-Llamanzares sa 2010 elections. May kinalaman ba siya sa naging desisyon ni Mary Grace?

"Ang anak ko ay nasa wastong gulang na. Siya ay may asawa na, siya ay may tatlong anak na. Kung anuman ang maging desisyon niya sa buhay ay kanya. Ako ay nandun lang para sumuporta. I'm very proud of my daughter with the decision she made," saad niya.

Ano naman ang masasabi niya sa mga tatakbo sa iba't ibang posisyon next year?

"Well, sa nakikita ko, marami naman tayong kandidato. Karamihan sa kanila ay very well qualified. Lahat sila magagaling. So, talagang dapat bawat isa sa atin, suriin talaga kung ano ang gusto natin sa kandidatong ating iboboto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilang mga kandidato ang kaibigan o kilalang malapit kay Ms. Susan, kaya tinanong siya kung may susuportahan ba siya sa mga ito?

"Sa palagay ko, ang responsibilidad ko ay bumoto. Katulad ng lahat ng Filipino, karapatan natin yun at dapat nating igalang. Tungkol sa pagsuporta, yes, bakit hindi? Lahat naman ng pagkakataon na puwedeng sumuporta ay sumusuporta. Pero hindi mo naman puwedeng suportahan ang isa at kalabanin ang isa kung sabay-sabay silang tumatakbo.

"Talagang napakahirap at hindi rin naman tama na ang pagbabasehan lang ay dahil kaibigan ko siya or dahil mas malapit siya sa akin. So, hindi rin naman ako makakatulong kung yun ang magiging dahilan ng aking suporta. But alam nila na nandiyan lang ako kung kailan nila ako kailangan."

Isa sa mga tatakbo sa 2010 elections ay si dating President Joseph Estrada, na matalik na kaibigan ng yumaong si FPJ. Kinausap na ba siya nito para sa kanyang suporta o pagkampanya?

"Hindi, alam niya na hindi na niya ako kailangan kausapin," sabi ni Ms. Susan. "Alam niya na mahal namin siya. Kasamahan namin siya sa industriya. At ang aming relasyon ay hindi lamang limitado sa pulitika. So, walang kinalaman yun. I'm wishing them all well. I wish them all good luck."

Pero kung may partikular siyang susuportahan, si Erap na ba yun?

"Katulad nga ng nasabi ko na sa inyo, dapat ay maging mapanuri tayo sa ating ihahalal na pangulo at iba pang mga opisyales. And in my personal opinion, lahat sila ay well qualified. Napakahirap na mag-endorso ng iisa lang. So, alam nila na bilang kaibigan, nandiyan lang ako kung kakailanganin nila ang suporta ko. Pero sa tingin ko naman, they are doing fine without having to ask things like that. Alam naman siguro nila ang sitwasyon," maingat na sabi ni Ms. Susan.

Sa huli, hiningan din ng reaction si Ms. Susan sa naging desisyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbo bilang representative sa 2nd District ng Pampanga. Si GMA ang nakalaban ni FPJ sa presidential race noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well again, like I've said, I'm not a political person. Hindi ko alam kung ano ang dahilan... Well, palagay ko, hindi na rin naman nararapat na magbigay ako ng komento," iwas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN