Gina Alajar reveals she used to be in Jinkee Pacquiao's shoes

"Paano mo patatawarin ang isang tao na hindi naman humihingi ng tawad sa iyo, di ba? Pero nandun lang yun, unti-unting nakakalimutan yun. Hindi pala unti-unting nakakalimutan... It will always be nakaukit sa iyong isipan, di ba? Laging nandun yun," says Gina Alajar (main photo) about Krista Ranillo (inset).


Mainit na pinag-uusapan hanggang ngayon ang ginawang paglalantad ng actress-director na si Gina Alajar sa kanyang Facebook status ng isang malamang mensahe na tila nag-uugnay sa boxing champ na si Manny Pacquiao at kay Krista Ranillo.

Ayon sa Facebook account ni Gina, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all worth it!"

Ang ABS-CBN showbiz-oriented show na The Buzz ang unang naglabas sa telebisyon ng tungkol sa isyu sa kanilang episode noong Nobyembre 15. (CLICK HERE to read related story.)

Sinagot naman ito ni Gina sa kanyang live guesting sa Showbiz Central ng GMA-7 last November 29. Ayon kay Gina, hindi humingi ng permiso ang The Buzz na ilabas sa programa nila ang nilalaman ng kanyang Facebook account. At dahil dito ay nagde-demand siya ng public apology mula sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, December 1, sa presscon ng kauna-unahang ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko kung saan kasama sa cast si Gina, ay pinagkaguluhan ang actress-director ng press, kasama na ang PEP (Philippine Entertaiment Portal), para humingi ng karagdagang pahayag at developments tungkol sa nasabing isyu kontra sa The Buzz.

Ayon kay Gina, ayaw na sana niyang magsalita pa, pero hindi nga siya tintigilan ng mga press sa pagtatanong.

"Honestly, para sa akin pagkatapos kong magsalita sa Showbiz Central na that would be my last statement, gusto ko sana hanggang doon na lang. Pero parang kasi nandito ako sa presscon. Actually, gusto ko na ngang tumakas doon sa likod kanina. Pero para naman sigurong I owe it to you, yung ganyan. Kaya 'ayan sinasagot ko ang mga tanong niyo," sambit ni Gina.

NOT ANGRY WITH THE BUZZ HOSTS. Isang reporter naman ang nagpaabot kay Gina na nagso-sorry raw si Boy Abunda sa kanya bilang kaibigan. Pero sa tingin daw ng TV host ay hindi raw maglalabas ng public apology ang The Buzz. Ano ang reaksiyon ni Gina rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naa-appreciate ko si Boy kasi nagpapatunay lamang na isa siyang magiting o isa siyang mabuting tao. But I think wala siyang kasalanan dahil... Yes, host siya ng show but it is not his responsibility, yung mga research at yung paggawa ng istorya. I believe na hindi niya responsibilidad yun.

"Ang accountable talaga doon ay kung sino yung researcher nila, at kung sino yung sumulat ng istorya, plus the executive producer [Nancy Yabut], na supposed to be nalalaman niya kung ano yung ginagawa. She should make sure if the story has the right permission, kung tama ba ito o ganyan, di ba?

"Nasabi ko na lahat... binasa ko na lahat sa Showbiz Central yung pag-admit nung executive producer, nung EP na yun. So, malinaw na malinaw lang na tama yung sinasabi ko at yun ay walang halong pag-edit sa pagsabi ko. Ngayon, if they believe otherwise na natu-twist pa nila yung pangyayari, you know, sa kanila na yun. Sila na lang ang magdadala nun," paliwanag ni Gina.

Hindi ba maaapektuhan ng isyung ito ang pagkakaibigan nila ni Boy?

"No, no, no... I want to make it clear, hindi ko hinu-hold accountable si Boy, si Kris [Aquino] at si Ruffa [Gutierrez]. Wala akong galit sa kanila," paglilinaw ni Gina.

Pero tuloy pa rin daw ang demand niya for public apology.

"Yes. Ako nga mag-a-apologize naman ako kung may kasalanan ako, e," sabi ng aktres.

EXPLORING LEGAL ACTIONS. Itutuloy pa rin ba niya ang pagsasampa ng legal actions kontra sa The Buzz?

"Hanggang ngayon, ine-explore ko yun," sagot ni Gina. "Walang halong pananakot or whatever, ine-explore ko yun. Meron akong kinakausap na lawyers about it. Ano ba ang puwede kong gawin? Kasi it's different, e. I'm put in a place, in a situation now na hindi ko naman kagustuhan. Wala akong magagawa. I was given no choice, hindi ba? But then, ang gusto ko lang sabihin, never kong inatrasan ang isyung ito. From the start, sinabi ko that I stand by my post. Hindi ko itinatanggi, hindi ko idine-deny. Kaya lang, yun bang I am in a middle of something na hindi ko kagustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hinihingi ko lang naman, permiso. It's like giving the person a choice to say yes or no. We all know that. Di ba, pag tatawag ang press sa artista, they would ask or magte-text puwede po ba kayong mag-interview? Ano ba ang isasagot ng artista? Yes or no. Or tatanungin, 'Tungkol saan? Tungkol po sa ganitong isyu.' Yes and no, hindi ba? Pag sinabing no, may magagawa ka ba kung ayaw magpa-interview? At least, you're giving the person [the choice] to say yes or no. Hindi na lang yung gugulatin ka na nandun na pala. Teka muna, it's not for public consumption. It's not!"

Ano ang lesson na natutunan niya sa isyung ito?

"Ang lesson na natutunan ko, alam mo ang bigat. Sa tinagal-tagal na natin sa industriyang ito, ilan taon na tayong lahat magkakakilala. Ang tagal na nating magkakilala sa industriyang ito. Pero hanggang ngayon nagtatalunan pa rin tayo. Hanggang ngayon gumagawa pa rin tayo ng mga bagay-bagay na maaaring... Gumagawa ng mga bagay for the sake of scoop, yun, for the sake of news na hindi na isinasaalang-alang ang pagkakaibigan at matagal nang pagsasamahan, hindi ba? Kung ano ang nararamdaman ng kapwa.

"Kumbaga, ang tingin ko kasi sa atin pag nagkikita-kita tayo... Hindi man tayo madalas magkita, pero sa presscon, there's always a sense of, you know, family na, e. 'Uy, kumusta ka na?' Yung ganyan na, hindi ba? So, akala mo hindi na magtatalunan, yung may respeto na sa isa't isa.

"Pero sad to say, meron pa ring mga tao na just for the sake of scoop, babalewalain lahat yung ilang taon niyong pinagsamahan. Samantalang ang hinihingi ko lang naman, humingi ka ng permiso. At least, give me a choice to say yes or no. Kasi kilala niyo naman ako, kung kaibigan ko kayo, bakit hindi ko naman ibibigay, hindi ba? Ganun naman ako," mahabang saad ni Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli ngang inulit ni Gina na hindi humingi ng permiso ang The Buzz bago nila iere ang istorya tungkol sa Facebook account niya.

"No, wala, wala... The executive producer, Nancy Yabut, sent me a fruit basket with a short note that they are sorry for the discomfort that they have caused me. But that was after na. Kaya lang sila nagpadala sa akin kasi Direk Wenn Deramas called the business unit head of The Buzz. Tapos may ilan pang mga kaibigan doon na nagpaalala sa kanila na masama talaga ang loob ko sa kanila."

FEELS BETRAYED. Ayon kay Gina, na-trace na rin daw niya kung sino naman ang unang naglabas sa diyaryo ng naturang Facebook shout out niya na wala ring paalam. May tampo ba siya sa press na ito?

"Of course, malaki ang tampo. This is aside from The Buzz, ha," aniya.

Pakiramdam daw ni Gina ay na-betray siya ng kanyang kaibigan dahil sa paglabas sa media ng nilalaman ng kanyang Facebook account. Kung tutuusin kasi, ang account niya ay hindi open sa public. Tanging mga close friends lang niya na nasa list of friends niya sa Facebook ang makakakita ng profile niya.

"Yes, I was betrayed."

Christmas is a time for forgiving and sharing. Sa tingin niya ba ngayong malapit na ang Pasko ay mapapatawad niya ang mga taong nakasira ng kanyang trust dahil sa isyung ito?

"Tignan natin. Hindi ko masasabi sa ngayon," sagot niya.

RANILLO FAMILY. Ano naman kaya ang comment ni Gina sa sinasabi ng Ranillo family, lalo na ang tatay ni Krista Ranillo na si Mat, na kailangan niyang maglabas ng public apology dahil sa isinulat niya sa kanyang Facebook account patungkol kina Krista at Manny Pacquiao?

"Ano ang ia-apologize ko? For what?" balik-tanong ni Gina. "Wala naman, e. Wala akong kasalanan. I'm not answerable to anyone. I'm only answerable to God and my children, ganun lang. Dun lang ako answerable. Hindi ako answerable sa ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pinanggagalingan ng kanyang controversial na shout out sa Facebook?

"Simpatiya," sagot ni Gina. "Pinanggagalingan nun ay simpatiya sa isang kapwa babae na nalalagay sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung totoo o hindi. Katulad nga ng sinabi ko, ilang beses akong nandun sa ganung sitwasyon, di ba? So, alam ko yung pakiramdam na yun. Alam na alam ko."

Hindi ba siya nagwo-worry na maraming mauungkat sa nakaraan dahil sa shout out na yun?

"Hindi, hindi. Kasi it's not about anyone else, it's about Jinkee," giit niya.

Matatandaang taong 2001 nang maghiwalay sina Gina at ang asawa nitong si Michael de Mesa. At dito nga ay naugnay ang pangalan ni Michael kay Krista. Hindi kaya ang lumang isyu tungkol sa kanila ni Krista ang pinanggagalingan nito?

"Kayo ang nag-i-speculate niyan," sagot ni Gina.

Pakilinaw naman yung sinabi niyang naranasan na niya ang ganung sitwasyon kay Jinkee?

"Oo, naging ganun ang sitwasyon ko," aniya.

Ibig ba niyang sabihin ay same person din ang tinutukoy niya? Si Krista Ranillo rin ba?

"Yes," diretso niyang sagot.

Si Jinkee ay nakontrol ang isyu tungkol kina Krista at Manny. Siya ba, paano niya hinarap ang sitwasyon with Krista noon?

"Pag nasa korte na ako, lahat kayo present doon!" tawa niya.

Aabot ba talaga ito sa korte?

"Well, yun ang sinasabi nila, hindi ba?"

SUPPORTIVE SONS. Sa isang interview sa anak ni Gina na si Geoff Eigenmann, sinabi nito na ang Ranillo family pa nga ang dapat na unang humingi ng sorry sa kanila. Ano ang masasabi niya rito?

"Yeah, yun ang pagtatanggol niya. Malalim, pero makahulugan yung sinabi ng anak kong yun," sabi ni Gina.

Ano naman ang reaksyyon ng panganay niyang anak na si Ryan?

"Siguro tanungin niyo na lang si Ryan. Baka mas maganda ang punchline ni Ryan!" biro ni Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about ang isa pa niyang anak na nasa States, si AJ, nakarating na ba ito sa kanya?

"I'm sure nababasa niya or nakarating na rin sa kanya. But masyado siyang malayo to give the details. Hindi naman siya nagtatanong. I don't want to bother him."

Suportado naman daw siya ng kanyang mga anak. Kung ano ang nararamdaman niya ay yun din ang nararamdaman ng mga anak niya.

Bakit noong time na sa kanya nangyayari ang sinasabi niyang nangyayari kay Jinkee ngayon ay naging tahimik siya?

"Bakit ako tumahimik? Dahil maliliit pa yung mga anak ko. Mga bata pa yung mga anak ko. Kailangan ko silang protektahan. Kailangan kong protektahan ang pamilya ko. Alam ng lahat na gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ang mga anak ko. Ginawa ko yun para sa mga anak ko," sagot niya.

Naghilom na ba ang sugat ng kahapon?

"Oo naman, ang tagal na noon."

DOESN'T LIKE TO WORK WITH KRISTA. Napatawad na ba niya si Krista?

"Paano mo patatawarin ang isang tao na hindi naman humihingi ng tawad sa iyo, di ba? Pero nandun lang yun, unti-unting nakakalimutan yun. Hindi pala unti-unting nakakalimutan... It will always be nakaukit sa iyong isipan, di ba? Laging nandun yun."

Kung magkakaroon ng chance na makatrabaho niya si Krista, gugustuhin niya bang makatrabaho ito?

"No, kahit noon pa, hindi ko na siya gustong makatrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN