Maxene Magalona will keep up her dad's tradition this Christmas

"Kami ni JC, we are just good friends ngayon. We enjoy each other's company and we love working together. We are very professional with our work and we don't need to be in a relationship para maging maayos ang trabaho namin," says Maxene Magalona about JC Tiuseco.


Hindi mapigilan ni Maxene Magalona ang kanyang damdamin nang tanungin siya kung paano ipagdiriwang ng Magalona family ang kanilang Pasko ngayong wala na ang ama na si Francis "Kiko" Magalona.

Sa presscon ng Sana Ngayong Pasko noong Martes, December 1 ay naluluhang sinabi ni Maxene na malaki ang mababago sa kanilang bahay ngayong Pasko dahil hindi na nila kasama ang kanyang ama. Pero susubukan daw nilang maging masaya dahil ito raw malamang ang kagustuhan ni Francis.

"It's very different now because wala na si Papa. Every Christmas kasi, si Papa yung sobrang excited. Siya yung parang bata na nagki-Christmas countdown. He always reminds us na malapit na ang Christmas. Ever since bata pa kami, yun na ang laging ginagawa ni Papa.

"Lalo na on Christmas Eve, gustung-gusto niya kapag nagbubukas na kami ng mga regalo. He loves taking pictures and videos of us opening our gifts. Excited siya talaga watching us getting excited para sa mga gifts namin," pagbabalik-tanaw ni Maxene.

Pero this Christmas ay gano'n pa rin daw ang gagawin nila para matuloy ang tradition na sinimulan na ni Francis.

"Like what I said, it will be different now, pero we will try to keep that up. Ayaw naman naming maging malungkot throughout the Christmas season. We know naman that Papa is with us in spirit. He is always with us. But we will surely miss everything about him. Kaya when we attend Christmas mass, our prayers are for him," emosyonal na pahayag ni Maxene.

Kaya nga habang nagte-taping si Maxene ng ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko, hindi niya maiwasan ang lalong makaramdam ng lungkot dahil sa mga eksenang may kinalaman sa pamilya.

"Kahit sino kasi makaka-relate sa istorya ng Sana Ngayong Pasko," sabi niya. "It's about a family who got separated and unti-unting nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. But there's nothing impossible with God. Dahil sa isang tao na ang heart's desire ay ang mabuo ulit ang isang nasirang pamilya, mangyayari 'yon just in time for Christmas. It's all about love and forgiveness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC IS A GOOD LISTENER. At sa mga pagkakataong nakakaramdam ng lungkot si Maxene, bukod sa kanyang pamilya, may isang tao rin siyang hinuhugutan ng lakas. Ito ay ang katambal niya sa Sana Ngayong Pasko na si JC Tiuseco.

Unang nagtambal sina Maxene at JC sa afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Nakitaan ng magandang chemistry ang dalawa kaya muli silang pinagtambal.

Ayon kay Maxene, si JC raw ang tanging lalake na naging close sa kanya at itinuturing niyang best friend.

"Bihira ako maging close sa mga guys. Most of my close friends are girls, like sina Glaiza [de Castro] and Rich [Asuncion]. Pero si JC nga, naging okey kami. We jive together and he's someone you can talk to when you're down. Ang maganda kasi kay JC, he listens. Ako kasi, madaldal ako and kapag may nararamdaman ako na galit or lungkot, I need to talk it out. Si JC, he's a good listener and a very good adviser.

"May magandang nai-advice sa akin si JC before. That was the time wala na si Papa and we were taping. Minsan kasi, talagang tatahimik na lang ako lalo na when I see something that will remind me of Papa. Si JC, he's always there to talk to me and be a real friend. Sinabi niya sa akin na huwag na ako malungkot kasi ayaw din ni Papa na makitang malungkot ako. Sigurado raw na masaya si Papa kaya kailangan maging masaya ako para masaya rin si Papa.

"After JC said that, I felt so much better. Naisip ko nga na si Papa, mas magiging masaya siya kapag nakikita niya kaming happy. Since then, naku-control ko na ang pagiging emotional ko. Nasa happy mode ako parati. Lalo na kapag nakikita ko si JC na parating naka-smile, napapangiti talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung napapangiti ni JC si Maxene, in return, si Maxene naman ang nagpapalakas ng loob ni JC, lalo na kapag humaharap ang first Pinoy Sole Survivor sa maraming tao.

"One thing about JC, he's very shy," sabi ni Maxene. "Sinasabi ko nga sa kanya na kapalan na niya ang mukha niya kasi artista na siya. Ako kasi, hindi na ako nahihiya. Bata pa lang kasi ako, exposed na ako sa maraming tao. I want JC to realize na he's now a celebrity and people will always be there to watch him. Doon daw siya nahihiya because hindi pa siya nasasanay.

"I always tell him, lalo na kapag may mga mall shows kami or mga personal appearances, na ngumiti lang siya parati at isipin niya na nandiyan ang mga taong 'yan dahil mahal siya ng mga 'yan. Huwag siyang matakot kasi ito ang trabaho namin. Mag-enjoy lang siya.

"Sa napapansin ko na kay JC, nawala na ang pagiging mahiyain niya. His confidence is getting better and I'm happy for that."

THE REAL SCORE. Ano na nga ba ang real score sa kanila ni JC? Sila na ba o papunta na sila pagkakaroon ng relasyon?

"Kami ni JC, we are just good friends ngayon," sagot ni Maxene. "We enjoy each other's company and we love working together. We are very professional with our work and we don't need to be in a relationship para maging maayos ang trabaho namin.

"Every relationship naman begins by being friends, di ba? Kaya gano'n pa lang kami. There's no ligawan or anything. Ngayon, kung biglang maging seryoso ang lahat, pag-uusapan muna namin 'yan ni JC. Ayoko naman na bibiglain niya ako. It's better that we're good friends muna before anything else," ngiti niya.

May gift na ba siya for JC this Christmas?

"Ang tanong ay kung may regalo na ba siya para sa akin?" sabay tawa ni Maxene. "Marami nang nagtanong sa amin niyan kaya nagtanungan na rin kami kung ano ba ang gusto namin for Christmas. Wala naman kaming ibinigay na specific answer, pero sa pag-observe ko kay JC, he likes things for his car. Mahilig siya sa mga pampaporma ng kotse niya. Siguro yun ang gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin naman, sinabi niya na napapansin niya na favorite ko si Hello Kitty. Anything with Hello Kitty gusto ko talaga. Kaya I might expect a Hello Kitty from him.

"But gift or no gift, it doesn't matter. What's important is that JC remains a good friend to me and to other people. The most precious and inexpensive gift to give is your honesty, sincerity, and genuine friendship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN