StarStruck V finalist Enzo Pineda says he did not use his father's influence to enter the show

"I want to create my own identity. Kasi pangarap ko po talaga ito at ayoko pong gumamit ng any way para makapasok. Gusto ko po sariling sikap po. Gusto ko ring makita kung bibilib din ang mga tao sa akin," says Enzo Pineda, son of the business manager of Manny Pacquiao, Eric Pineda.


Nilinaw ni StarStruck V finalist Enzo Pineda na hindi siya gumamit ng koneksiyon para makapasa sa auditions at makapasok sa reality-based artista search ng GMA-7. Bilang anak kasi ni Eric Pineda, business manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ay posibleng gawing issue ito kontra sa kanya. Pero sinabi niya na dumaan siya sa proseso at hirap, katulad ng pinagdaanan ng iba pang finalists.

"Pumila po talaga ako during the last audition day. Pero siguro dahil last day na nga kaya konti na lang po yung nag-o-audition. Pumila po ako ng 11 ng umaga, then mga 11:30 po nasa loob na ako. Gabi na rin po nung matapos kami," paliwanag ng 19-year old na si Enzo nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press launch and presentation ng StarStruck V Final 14 last November 30 sa Studio 5 ng GMA Network.

Suportado naman daw ng daddy niya at ng buong family niya ang pagpasok niya sa StarStruck. Sa tingin niya ba, may advantage siya na tatay niya si Eric Pineda at close siya kay Pacquiao ngayong finalist na siya sa StarStruck?

"For me po, hindi, kasi I also want to create my own identity. Kasi pangarap ko po talaga ito at ayoko pong gumamit ng any way para makapasok. Gusto ko po sariling sikap po. Gusto ko ring makita kung bibilib din ang mga tao sa akin," sabi ni Enzo.

KUYA MANNY. Ayon kay Enzo, 16 years old daw siya nang una niyang makilala si Pacquiao. Nakasama na rin daw niya ito sa ilang parties at events. Kumusta naman ang pakikipag-meet niya kay Manny?

"Siyempre, matagal ko na ring nakikita si Kuya Manny. Sobrang bait po niya. Para po siyang part ng barkada dahil marunong po siyang makitungo sa mga tao."

Biniro naman ng PEP si Enzo kung personally ay nabigyan na ba siya ng balato ni Manny?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi pa po," nahihiyang sagot ni Enzo. "Pero ang pakikipagkaibigan po ni Kuya Manny sa akin sobrang okay na po yun."

Hihingi ba siya ng tulong kay Manny para dumami ang boto niya?

"Sana po tulungan po ako ni Kuya Manny at ni Ate Jinkee, sila po mismo ang magbo-vote sa akin. Pero para sa akin po, hindi po ako hihingi ng tulong. Baka kasi sabihin ng mga tao ay ginagamit ko lang si Kuya Manny. Ayoko pong mangyari yun. Pero sobrang nakaka-touch po kung kusa po nila akong tutulungan," ani Enzo.

TOUGHEST COMPETITOR. Umasa ba siyang makakasama siya sa Final 14?

"For me, of course, mahirap sabihin na ine-expect, pero gusto ko po talaga. I'm here, I feel so blessed na nakarating ako rito sa Top 14. Hindi ko talaga ine-expect, pero siguro dahil sa hardwork ko at talent ko na rin also."

Itinuturing niyang toughest competitor among the boys ng StarStruck V si Sef Cadayona.

"Si Sef po ang mahigpit kong kalaban dito, kahit best friend ko po siya dito... pero dahil magaling siyang sumayaw at saka umarte. Marami na rin po siyang experience, lalo na sa commercials."

Ano sa tingin niya yung puwede niyang ilaban kay Sef?

"Siguro po ang advantage ko is I have so much to learn. Marami pa po akong hindi na-experience. Marami pa akong kailangang i-practice. I hunger for learning, kumbaga. I also excel in dancing like Sef. Pero me and Sef have our own different styles. That makes us different."

Kanino niya gustong makipag-loveteam sa mga ka-batch niyang babae?

"Lahat po sila magaganda. Pero given a chance, ang gusto ko po ay si Sarah [Lahbati] at Fianca [Cruz]," sagot ni Enzo.

Sa mga artista ngayon sa showbiz, gusto namang makatrabaho ni Enzo si Rhian Ramos.

"Si Rhian dahil kasing age ko po siya. Matangkad din siya. At saka crush ko po siya. Sana po makilala ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARKY CIELO. Sino naman ang idol niya sa mga naunang batch ng StarStruck?

"Idol ko from the past batches is Marky Cielo dahil hindi lang magaling siyang sumayaw, marunong din po siyang umarte. Nakita ko po yun sa Zaido at saka gusto ko ring gumanap ng superhero katulad niya," sabi ni Enzo tungkol sa yumaong StarStruck winner.

Inihayag naman ni Enzo ang kanyang kalungkutan sa pagkamatay ni Marky, lalo na't malapit na ang first death anniversary nito sa December 7.

"Nagulat at nalungkot po ako noong mamatay siya. Kasi, di ba, sikat na sikat po siya tapos nangyari nga po yun? Sayang po at hindi ko siya na-meet."

Sa ngayon ay second year college student na si Enzo sa University of Asia and the Pacific. Ang kinukuha niyang course ay Entrepreneurial Management. Nag-stop muna si Enzo noong sumali siya sa StarStruck V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN