Robin Padilla, Vivian Velez, Oyo Sotto condemn use of minors in anti-Duterte ad

May 6, 2016
<p>Paid by Senator Antonio Trillanes III, the 30-second anti-Duterte political ad featured minor talents juxtaposed with video clips of presidential candidate Rodrigo Duterte blurting out his "gutter joke" about a a rape victim, cursing, and kissing a ran

Kinondena ng ilang solid celebrity supporters ni presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pag-ere ng anti-Duterte political ads na binayaran ni Senator Antonio Trillanes III.

Ito ay sa kadahilanang makikita sa 30-second ad na mga menor de edad ang ginamit na talents na kumuwestiyon sa pagmumura, pambababae, at pambabastos sa isang rape victim ng alkalde.

Kalakip nito ay ang cut-to-cut video clips na kuha kay Duterte sa mga isinagawa nitong campaign rally.

Ang kontrobersiyal na 30-second political ad ay ipinalabas sa ABS-CBN kahapon, May 5, at may iba ring bersiyon na umere sa GMA Network.

BLACK PROPAGANDA AGAINST DUTERTE. Nanguna sa mga artistang tumuligsa sa anti-Duterte ad si Oyo Sotto, na naniniwalang malinaw na “black propaganda” lamang ang paninira laban kay Duterte.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pagtuligsa ni vice-presidential candidate Trillanes kay Duterte dahil sa diumano’y maanomalyang pagtatago ng kayamanan ng alkalde.

Kasabay nito ay marami ang nagsasabing si Trillanes ay pakawala diumano ng mga kalaban ni Duterte sa pagka-pangulo sa nalalapit na May 9 elections.

Continue reading below ↓

Gising Pilipinas!!

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

Kasabay nito ay ni-repost ni Oyo ang isang quote card na kumukuwestiyon kung bakit hinayaan ng Bantay Bata at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na "gamitin sa pamumulitika" ang mga menor de edad na talents. 

Ibinahagi rin ni Oyo na mismong si Karen Davila ay dismayado sa paggamit ng mga menor de edad na talents, base sa Twitter post ng TV Patrol anchorwoman.

Galing na mismo sa sarili nyo.

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

Sa hiwalay namang Instagram post ni Robin Padilla, kinondena nito ang pamumulitika kay Duterte sa pamamagitan ng paggamit ng mga menor de edad sa isang political ad.

Sabi ni Robin, “Children should not be used in black propaganda, no matter what the situation is. Republic Act No. 7610 June 17, 1992 ...”

Children should not be used in black propaganda, no matter what the situation is. Republic Act No. 7610 June 17, 1992 ...

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Maging si Mocha Uson, na madalas kasama sa campaign sorties ni Duterte ay binatikos ang “bulok” na “propaganda” mula sa kalaban ng alkalde sa pulitika.

Sabi ni Mocha sa hiwalay niyang Instagram post: “Mga BULOK niyong PROPAGANDA sing BULOK ng inyong mga KALULUWA.

Continue reading below ↓

“WALA NA KAYONG PAG-ASA PERO KAMI MERON PA. MAKIKITA NIYO SA MAY 7 ANG PWERSA NG MASA.”

Ang isa pang solid supporter ni Duterte na si Vivian Velez ay dismayado rin sa paggamit ng mga batang talents para siraan ang presidential candidate.

Sabi ni Vivian sa kanyang Facebook post: “Using children for political interests? I watched this anti-Duterte tv ads and it's sickening.

“Where is human decency in all of this? Shame on these people!”

Continue reading below ↓

MTRCB NO JURISDICTION OVER POLITICAL ADS. Samantala, naglabas na ang MTRCB ng opisyal na pahayag na nagsasabing ang Commission on Elections (COMELEC) ang may saklaw sa pag-supervise at pag-regulate ng mga political ads.

Sabi ni MTRCB Chairman Toto Villareal sa opisyal na pahayag na ipinadala nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, May 6:

“The MTRCB wishes to inform the general public that it is the COMELEC which has jurisdiction in all instances to supervise and regulate political advertisements broadcast over television, whether promoting or opposing the election of a candidate, pursuant to the Fair Elections Act (RA 9006) and its Implementing Rules and Regulations for the 09 May 2016 National and Local Elections (COMELEC Resolution No. 10049).”

Tinanong din ng PEP kung dumaan ba sa pamunuan ng MTRCB ang naturang anti-Duterte ad.

Sagot ni Atty. Villareal, “Since we have no jurisdiction over the matter, we defer to the COMELEC.

Continue reading below ↓

“Under the law, pol ads are not submitted to MTRCB for review.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Paid by Senator Antonio Trillanes III, the 30-second anti-Duterte political ad featured minor talents juxtaposed with video clips of presidential candidate Rodrigo Duterte blurting out his "gutter joke" about a a rape victim, cursing, and kissing a ran
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results