Robert "Buboy" Villar prayed hard to be included in Ang Panday

Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg">

Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg">

Robert "Buboy" Villar plays the sidekick of action star Ramon "Bong" Revilla Jr. in Ang Panday, an official entry to the 2009 Metro Manila Film Festival. "Talagang dinasal ko din po na makasama ako sa Panday, e. Ikinukuwento po sa akin. Kaya sabi ko po, sana ako ang maging sidekick ng Panday, na sana makasama ako sa pelikula, na kapag nagkaroon ng Panday, ako ang maging sidekick," says


Ipinagdasal ng child star na si Robert "Buboy" Villar na makasama siya sa pelikulang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla.

Kahit hindi niya napanood ang lahat ng Panday series ni Fernando Poe Jr. noong araw, naikukuwento raw sa kanya kung tungkol ito kanino at kung ano ang istorya nito. Kaya mula noon, ipinagdasal ni Buboy na sana ay makasama siya kapag nagkaroon ng panibagong Ang Panday movie.

"Opo, talagang dinasal ko din po na makasama ako sa Panday, e. Ikinukuwento po sa akin. Kaya sabi ko po, sana ako ang maging sidekick ng Panday, na sana makasama ako sa pelikula, na kapag nagkaroon ng Panday, ako ang maging sidekick," saad ni Buboy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ang Panday kaninang tanghali, December 10, sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.

Ano ang naramdaman niya nang matupad ang kanyang dasal?

"Masayang-masaya po ako na makakasama po ako ni Senator Bong," sagot ni Buboy.

Ikinuwento rin ng child star na noong una raw ay nahihiya pa siya kay Sen. Bong.

"Talagang nahihiya ako sa kanya kasi po... nahihiya ako kasi po senator siya, e. Pero habang po patagal nang patagal ang shooting namin at pabigat nang pabigat ang shooting namin, masasaya po lagi kami. Kaya nga po pag nagsu-shooting kami, parang hindi na kailangang mag-Christmas party dahil sobrang saya namin. Ganun po," kuwento niya.

Bukod kina Bong at Buboy, nasa Ang Panday rin sina Iza Calzado, Rhian Ramos, Geoff Eigenmann, at Phillip Salvador. Mula sa direksiyon ni Mac Alejandre, official entry ito sa 2009 Metro Manila Film Festoval.

INVESTING HIS EARNINGS WELL. Isa sa pinaka-in-demand na child actors ngayon si Buboy kaya hindi kataka-takang may mga naipundar na siya mula sa kanyang kinikita sa showbiz.

Nakabili na siya ng bagong sasakyan—isang kulay brown na Starex at may sarili rin na siyang driver ngayon. Hindi tulad dati na nagta-taxi lamang siya at kung minsan ay nakikisakay sa service vehicle ng GMA-7 kapag may taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, may sarili na rin siyang bahay na ang ipinambabayad ay galing rin sa kinikita niya.

Ang manager ni Buboy ay si Direk Maryo J. de los Reyes.

"Binilhan po ako ni Direk ng bahay kasi siya po ang manager ko. Dun na po kami nakatira ngayon, kami po ng pamilya ko," banggit ni Buboy.

SIDEKICK OF PANDAY & DARNA. Sinabi rin ni Buboy na nag-e-enjoy siya na marami siyang trabaho dahil gustung-gusto raw niya na nagsu-shooting at nagte-taping siya araw-araw. Bukod sa Ang Panday ng Imus Productions, Inc. at GMA Films, napapanood din si Buboy regularly bilang Ding, ang sidekick ni Darna na ginagampanan ni Marian Rivera.

Ano ang kaibahan ng maging sidekick ni Darna at maging sidekick ng Panday?

"Ang pagkakaiba po kasi, sa Panday, marami pong mga abubot...mga parang panlaban. May mga bato, may tirador, tapos maraming tali... Lalo na po yun, maraming tali. Yung bato po para sa tirador, tapos mga tali nga po."

Sa Darna, wala siyang dala kaya mabilis daw siyang makapagbihis. Aniya, "Sa Panday po, medyo matagal magbihis, kasi po maraming mga tali 'tsaka maraming inilalagay."

Ano ang mas gusto niya, ang maging sidekick ni Darna o sidekick ng Panday?

"Ay, parehas po, parehas ko pong gusto," sagot niya.

Nang tanungin ng PEP si Buboy kung halimbawang sabay siyang kailanganin ni Darna at ng Panday at kung sino ang pupuntahan niya, bibung-bibong sinabi niya, "Kunwari ang call time ko po sa Panday ay 8 a.m., kunwari lang naman, tapos ang call time ko naman sa Darna, mga 10 a.m., pupunta po ako nang mabilis sa Panday. Tapos sasabihin ko muna sa kanila, magte-taping muna ako ng Darna, tapos babalik ulit ng Panday, tapos babalik ulit ako sa Darna."

Halimbawang sabay na sabay siyang tawagan?

"Sasabihin ko na lang po sa manager ko na ipa-adjust na lang [ang call time]!" sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMERCIAL WITH SANTINO. Gumawa si Buboy ng commercial ng isang brand ng chocolate milk drink kasama ang kapwa niya child star na si Zaijan Jaranilla, ang gumaganap na Santino sa May Bukas Pa ng ABS-CBN.

Ano ang masasabi ni Buboy tungkol kay Zaijan?

"Mabait po siya, okay po siyang kasama."

Pinag-usapan ba nila ang tungkol sa mga shows nila?

"Ay, hindi naman po, hindi po."

Bilang child stars, ano ang meron siya na wala si Zaijan, at ano ang meron si Zaijan na wala si Buboy?

"Hindi ko po alam, bahala na lang po ang mga taong magsabi kung ano," maingat niyang sabi.

Magkaibigan daw sila ni Zaijan, although hindi raw sila nagkaka-text-an.

"Hindi ko po nakuha ang number niya, e," sabi niya.

Hindi na rin daw sila ulit nagkikita pa pagkatapos ng commercial nila.

"Ay, hindi pa po. Kasi Channel 2 po siya, ako Channel 7, e."

ATE YANYAN. Tungkol naman kay Marian, ayon kay Buboy, masaya siya para sa kanyang "Ate Yanyan" na happy ang lovelife nito.

"Oo naman po."

Kaya hindi raw siya malulungkot kapag nag-asawa na si Marian.

"Hindi po."

Ayon pa kay Buboy, boto siya kay Dingdong Dantes para kay Marian.

"Opo naman, botong-boto ako dun!"

Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg">


Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg"> Ang Panday" data-url="https://www.pep.ph/news/24141/robert-buboy-villar-prayed-hard-to-be-included-in-ang-panday" data-desc="Buboy talks about working with ABS-CBN child star Zaijan Jaranilla." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4f980b95.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN