Pokwang on PBB housemate Melai: "Lamang lang ako ng dalawang paligo!"

"Binigyan kami pareho ni Lord ng talent ni Melai. Yung talent na yun, para magpasaya ka ng tao. At kung talagang destiny niya na pumasok sa ganitong klase ng trabaho, bigyan natin ng chance yung tao. At hindi maiiwasan na makakatrabaho ko siya someday because iisang channel lang kami, di ba?" says Pokwang (in photo) about PBB Double Up housemate Melai Cantiveros.


Nakasama na ni Pokwang ang Comedy King na si Dolphy sa isang sitcom. Pero sa movie, first time pa lang silang magkakasama sa Nobody, Nobody But... Juan!, na official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa presscon ng Nobody noong Huwebes, December 10, at ito ang kuwento niya tungkol sa kanyang role:

"Magkakaibigan kami nila Tito Dolphy, for better or for worse. Magkakaibigan kami hanggang one day, nagkahiwa-hiwalay kami noong Second World War. Pero pinagnanasaan ko si Tito Dolphy rito noong bata-bata pa kami. Parang lumalabas na ako ang Aruray noong panahon nila."

Para sa mga di na nakakakilala, si Aruray ay isang sikat na komedyana noong 1950s at 1960s sa Sampaguita Pictures.

First time din ni Pokwang na magkaroon ng entry sa MMFF.

"Actually, excited ako kasi first time," sambit niya. "First time ko rin magpa-parade. Pero, siyempre, kinakabahan kasi malalaki rin ang mga movies na kasabayan namin. Pero in fairness naman sa movie, noong nag-dub ako, nakakatawa."

Kahit sabihin pa na si Dolphy ang bida ng movie, may kaba pa rin daw si Pokwang sa kahihinatnan nito sa box office.

"Oo, hindi maiiwasan yun. Pero okey lang, ipagdasal na lang natin nang bonggang-bongga! Sana makatulong yung aking 40,800 na followers sa Twitter at 62,000 sa Facebook. Kasi inaano ko talaga sila nang bonggang-bongga!"

MELAI OF PBB DOUBLE UP. Ikinukumpara ngayonang Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Melisa "Melai" Cantiveros kay Pokwang. Ang sabi-sabi ay posibleng maging threat daw ito kay Pokwang paglabas sa Bahay ni Kuya.

"Alam niyo, ganito 'yan...," umpisa ni Pokwang. "Binigyan kami pareho ni Lord ng talent ni Melai. Yung talent na yun, para magpasaya ka ng tao. At kung talagang destiny niya na pumasok sa ganitong klase ng trabaho, bigyan natin ng chance yung tao. At hindi maiiwasan na makakatrabaho ko siya someday because iisang channel lang kami, di ba? At dapat matuwa pa nga ang mga tao dahil nadaragdagan ang magpapasaya nang bonggang-bongga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman na daw niya kung anuman ang pinagdaanan ni Ai-Ai delas Alas noong siya naman ang sinasabing threat dito.

"Oo naman, nararamdaman ko nang bonggang-bongga!" sambit ni Pokwang. "Pero kumbaga, huwag ka na lang masasaktan... Yun lang, tanggapin mo lang talaga."

Napapanood daw ni Pokwang si Melai sa PPB house.

"Nakakatawa siya!" sabi ni Pokwang. "Gusto ko nga magkaroon kami ng movie. Siya, ako, at si Mommy Dionisia [Pacquiao]! Imagine niyo yun, di ba?"

Sino ba sa tingin niya ang mas maganda sa kanilang dalawa ni Melai?

"Lamang lang ako ng dalawang paligo!" tawa ni Pokwang.

E, kay Mommy Dionisia?

"Ganito kasi 'yan, lamang ako kay Melai ng isang paligo. Si Mommy Dionisia, lamang sa aming dalawa ng datung! Ang mga sapatos ni Mommy Dionisia, mahiya ka!"

So, aminado siyang mas maganda siya kay Melai?

"Oo naman!" natatawa niyang sagot. "Pero mas maganda pa rin siyang lumalabas sa akin kasi meron siyang love team, ako wala!"

Ang tinutukoy ni Pokwang na ka-love team ni Melai ay si Jason Francisco, na housemate din sa PBB Double Up.

Dahil sa kanya naman ngayon iniintriga ang mga baguhan, ibig ba sabihin nito ay made na talaga siya?

"Ay, hindi naman! Nag-iisa lang ang Ai-Ai, walang kekeber diyan!" ani Pokwang.

WHO IS CARLITO BUBAN? Ayon kay Pokwang, isang dekada na raw siyang walang lovelife. Kaya marami tuloy ang naiintriga sa ipinapanawagan niyang lalake na si Carlito Buban.

"A, si Carlito Buban! Naku, kaklase ko 'yan noong elementary... palagi akong binu-bully-bully niyan! Tapos, hindi nga kami nagkita ulit. Palagi kong pinapanawagan sa Wowowee, pero wala na. Di ba dapat, kapag pinanawagan mo, agad-agad, magpaparamdam? Siya talaga, hindi! E, may TFC [The Filipino Channel]," saad niya.

"Hindi kaya Carlita Buban na siya ngayon?" biro pa niya.

DEREK RAMSAY. Ang maganda kay Pokwang, masasabing masinop siya pagdating sa pera. Bukod sa sariling bahay na naipatayo na niya sa Antipolo, may mga investments na rin siya at kabibili lang daw ng property sa Bataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya tanong namin sa kanya, hindi kaya nagiging choosy siya sa magiging boyfriend niya dahil baka pera lang ang habol sa kanya ng mga lalake?

"Hindi ako choosy, 'no! Pero minsan, oo, naiisip ko yun. Sobrang ang dami ko pa namang pera!" biro niya.

Kung may pagkakataon siyang bumili ng lalake, sino ang bibilhin niya?

"Teka muna... baka sabunutan ako ni Angelica Panganiban, e!" tawa niya. "Pero anyway, anak-anakan ko naman si Angelica. Nakakatawa nga kasi ka-Tweet ko 'yan."

Si Angelica ang girlfriend ng actor na si Derek Ramsay. Ano ang nagustuhan niya kay Derek?

"Oh, my God! Kulay pa lang! Kulay pa lang! Gusto ko yung mga ganoong kulay, parang mga Piolo Pascual na kulay. Yung mga more-moreno. Ayoko ng mapuputing lalake. At napaka-generous daw niyan, balita ko! At mukhang dakila!" tawa na naman niya.

Alam ba ni Angelica na type niya ang boyfriend nito?

"Alam niya!" bulalas ni Pokwang. "Kasi, nagtu-Tweet kami. Kasi minsan, nag-guest si Derek sa Wowowee para mag-promote ng movie nila, yung I Love You, Goodbye. Sabi ko, 'Anak, pasensiya na.' Halik ako nang halik sa balikat ni Derek, wala akong pakialam! On air, ha! Sabi ni Angelica, 'Ganun talaga ang mag-ina, nagse-share!' Ha ha ha!"

Kung mabibili niya si Derek, sa tingin niya, magkano ang worth nito?

"Una kong bibilhin si Angelica. Kapag nabili ko na si Angelica, dadalhin ko siya sa isang isla at dun na siya! Akin na si Derek!" tawa na naman ni Powkang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN