Vice-mayor aspirant Aiko Melendez asks Quezon City mayor's daughter: "Why are you running?"

"Hindi lang ako yung accidental candidate na, 'Ah, anak kita, halika ka, takbo ka dito.' Tinapos ko ang termino ko, nag-take ako ng crash course sa U.P. Pinaghandaan ko lahat ng laban na papasukin ko para kapag may isyu sa akin na ibabato, ready ako. [Ang] kailangan dito sa Quezon City ay isang tao na may experience, na nandun mismo sa loob ng City Council umikot ang mundo ng siyam na taon, at ako yun," were Aiko Melendez's fighting words about her 2010 opponent Joy Belm


Kamakalain ay may ginawa raw masamang biro ang Vice Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista sa isang social gathering. Tinawag daw niyang "tamad" at "walang nagawa" sa kani-kanilang distrito sina Konselaha Aiko Melendez ng District 2 at Lala Sotto ng District 3.

Pulitika ang puno't dulo ng hidwaan, ayon sa mga nakakaalam, lalo na sa pagitan ni Aiko at ng Vice Mayor na popular sa pangalang "Bistek," ang palayaw na nakuha niya noong siya'y nag-aartista pa. Direktang magkakabanggaan sina Aiko at Bistek sa darating na halalan.

Si Herbert ay tatakbo para mayor sa ilalim ng Liberal Party, at si Aiko naman ay tatakbo para vice mayor sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino, kung saan ang kanyang running mate para mayor ay si Congressman Mike Defensor.

"I'm still considering na ka-industriya ko siya [Herbert]," sabi ni Aiko. "Hindi man kami magka-ticket, I will run my campaign as individual na I'll focus on my campaign. Hindi ako yung kampanyang pang-bulok na maninira na personalan...

"When I heard that I felt bad. So ngayon I'm triggered na. Kung hindi naman ako kinanti nang ganito, hindi ko papakita ko sa inyo ang mga proyekto at meron akong ginawa sa Kyusi...

"Hindi ako 'ma-tarpaulin' na tao, na left and right, 'Ay, si ganyan may picture.' I will let my people speak for itself na, 'Ay, si Konsehala, sa budget niyang yun may dalawang multipurpose hall na pinapagawa, 'Ay, si Konsehala, sampung kalye na pala ang napagawa niyan...' These are actual projects, ha, not ghost projects," pahayag ni Aiko.

BAD JOKE. May pinag-awayan ba sila ni Vice Mayor Herbert?

"Wala nga, e... Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga birong hindi naman nakakatawa, e. Ang biro may hangganan. Kapag nakakasira ka ng kredibilidad ng tao at pangalan... nakakasakit ka na, hindi na magandang biro yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, kung gusto ko lang gawing biro ito, sasabihin ko sa kanya, 'Vice, saan ba napupunta every year yung P300 million na budget?' Kung gusto niya ng ganun, yun, itanong ninyo sa kanya yun.

"Ako, maipagmamalaki ko na may proyekto ako. Magugulat kayo na sa liit ng budget ko na yun, may multi-purppose hall ka na dalawa na pinapagawa and to think na ang district ko is the biggest in Quezon City... Hindi naman ako si Superman na magagawa ko lahat ng problema nila. But sa akin, I see to it that I do my job."

ODD COUPLE IN CITY HALL. Paano kung sila ni Herbert ang manalo? Paano sila magkakatrabaho?

"I can set aside naman whatever I'm feeling right now, e. Di ba, sabi nga nila time heals all the wounds. And for politics and for public service, I'm willing to set aside that. Pero let's handle our campaign not on personal attack. Let's handle the issues in Quezon City and let's find a solution. Hindi yung titirahin mo ako nang personal kasi hindi naman kita tinitira nang personalan.

"In fact, if eventually he becomes mayor, I will support all his projects but I will make it a point na being the vice mayor of Quezon City, I will ano, make my own identity and not only as a shadow of the mayor. Ako, magkakaroon ako ng proyekto ko na sarili ko, na makikita ninyo talaga na from vice mayor Aiko Melendez. Hindi yung nakakabit lagi sa mayor lang."

Hinarap din ni Aiko ang tsismis na may ghost employees siya.

"Patunayan nila. Ako, I have all the documents there... Hindi ako makakatingin sa inyo nang diretso kung wala akong ginawang proyekto, wala akong sinusuwelduhan na mga tao... It's a public document. You can easily get that in COA [Commission on Audit] whether I had a project or ghost employees...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, meron akong aspeto sa buhay ko na hindi ako naging matagumpay. Pero kapag kinukuwestiyon naman ang kredibilidad ko bilang public servant, ibang usapan na ito kasi meron akong mga supporting documents that can prove and show to all the people na I did my homework."

THE MAYOR'S DAUGHTER. Hindiikinaila ni Aiko ang kanyang disgusto nang malaman niyang tatakbo bilang running mate ni Bistek si Joy Belmonte-Alimurung.

Ayon kay Aiko, kulang pa sa karanasan ang anak ni Quezon City Mayor Francisco "Sonny" Belmonte, habang siya ay three-term councilor na at kumuha pa ng crash course on Legislation sa University of the Philippines at kung paano maging isang mabuting vice mayor.

"Ako, wala kayong maririnig sa akin na bad about Mayor Belmonte because he has done so much for Quezon City. Siya ang isang rason kung bakit napaangat ang antas ng Quezon City. Tatay ang tingin ko kay Mayor Belmonte. Kaya lang, nung nag-usap nga kami nitong ano, last week, ang sabi niya sa akin, 'I'm sorry.'

"Sabi ko sa kanya, 'Sir, you don't have to say sorry, Mayor. Kasi alam naman ninyo po na 2003 pa lang tumimbre na ako sa inyo. Sabi ninyo mag-Congress na ako nung nag-aaway kayo ng isang pulitiko. Sabi ko, hindi na. Ibigay ninyo na lang sa iba dahil ang gusto ko po maging vice mayor. Gusto ko po tapusin kasi itong Council.' It's legislative 'yan, e. Yung nagpe-preside ka. Eto yung I love debating. I love questioning...

"Parang nagsabong kaming 'dalawang' anak niya. Ang problema lang ang paborito niyang anak si Joy, ako yung 'anak sa labas.' So sabi ko, 'Mayor, with due respect, wala kayong maririnig sa akin na paninira kung ano ang ginawa ninyo. Ang punto ko lang is, ang pinanghahawakan ko is my experience.'

"Si Joy Belmonte-Alimurung, hindi siya tumapak ni sa Council, out of nowhere. It just so happens na anak siya ni Mayor Sonny," madiing sinabi ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"WHY ARE YOU RUNNING?" "Hindi lang ako yung accidental candidate na, 'Ah, anak kita, halika ka, takbo ka dito.' Tinapos ko ang termino ko, e. At saka tumimbre ako sa inyo na tatakbo akong vice mayor. Nag-take ako ng crash course sa U.P. Pinaghandaan ko lahat ng laban na papasukin ko para kapag may isyu sa akin na ibabato, ready ako.

"That's why nga I'm insisting si Mrs. Joy Belmonte-Alimurung na sana if she really loves Quezon City and she has truly concern about the city, dapat as early as now, hindi dahil pinatakbo ka ng kung sino or dahil may kadikit ka na malaking pangalan sa likod mo, e, yun ang rason mo sa pagtakbo, mali!

"Dahil kailangan dito sa Quezon City ay isang... Kung hindi man ako palarin, ay isang tao na maninilbihan na may experience, na nandun mismo sa loob ng City Council na umikot ang mundo ng siyam na taon, at ako yun.

"Siyam na taon, e, sinet aside ko ang show business, naka-focus ang puso't isipan ko sa politics. Doon sa loob ng session hall na yun alam ko ang nangyayari. Sana she should know that also.

"Ni any position wala siya. Kaya yun ang inaano ko, how can you be in a battle if you're not ready? You have to be equipped, di ba? Bigla na lang, ganito. Sabi ko nga, let's have a debate sa mga isyu here in Quezon City. You don't even know how many bills that I have passed. Ano ang background mo? Ano ang basehan mo? I want to address this question directly to her, 'Why are you running?'

"Nung nagdeklara si Mrs. Joy Belmonte-Alimurung, feeling ko ganun ba ako ka-worthless na? Hindi, e, may pulitikang involved diyan... Nag-grade one muna ako bago nag-college 'yan. Nag-crash course pa ako, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will leave it to God... They have the machinery. But you know, I will leave it all to God because I know God will not allow people na who's greedy in power to stay in power na parang, 'Ano ba naman? Give chance to others. Lahat na nga from District One to Four, meron na kayong kandidato. Puwede ba na 'tong district na ito bakantehin niyo naman, di ba? Magbigay kayo ng oportunidad sa ibang tao na gusto ring manilbihan nang tapat.'

"So, kung matalo man ako, at least, I gave a good fight. At least, I have proven my worth and self-worth na kaya kong ano, sabi nga nila David and Goliath, malay mo. At ayon nga sa kasabihan, walang malaki na nakakapuwing," pagtatapos ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN